The Truth Untold

143 4 0
                                    

•••• Your pov•••••
Hayss, natapos nanaman ang isang araw na puro stress sa school works.. tapos absent pa si Jungkook.. ano na kaya nangyari don?
Hindi talaga ako sanay na hindi nakikita si Jungkook, he's my closest boy- friend, lalaking kaibigan ha? Hindi ko sya jowa lols. Sya talaga kumukumpleto ng araw ko. Sa sobrang pagka-curious ko kung bakit sya absent. Naglakas-loob na 'kong magtanong sa dalawang unggoy~ este mga kaibigan nya na sina Jimin at Taehyung
"Taehyung~ah!" Sigaw ko kay V
"Bakit po? Amasona kong kaibigan?" *With matching pa-cute face*
"Umayos ka nga! Hindi bagay sayo. By the way, bakit absent si Jungkook?" Tanong ko
"Aba aba? Wala lang si Jungkook ganyan mo na kami kausapin? Bakit miss mo na sya na noh? Nako y/n wag masyadong pahalata" sagot naman niya
"Ay nako? Gusto mo si Jungkook? Pano naman ako?" Sabi naman ni Jimin with matching pout pa, sarap talaga sapakin! Ang cute kasi!
"Sagutin nyo nalang ako! Nag-aalala na ko oh?" Sabi ko na medyo naiinis na
"May sakit sya, oh ayan na, sinabi na namin, naiinis ka na e" sabi ni Jimin habang nakangiti
"At nakuha nyo pang tumambay dito at ngumiti ngiti lang jan ngayong maysakit na nga yung kaibigan nyo!" Sigaw ko, pero this time inis na talaga ko
"Hay nako, just mind~ think about~ mind about, putek! Isipin mo, kung wala kami dito hindi mo malalaman na may sakit si JK" sabi ni V
"Tanga mo naman mag-english HAHAHAHAHA!" Sabi ni jimin habang tawang tawa, maski ako ay napapangiti na rin
"Sige una na ko, pupuntahan ko muna si Jk, mamaya patay na yon di pa naten alam, sana multuhin kayo" sabi ko
" Ang sama mo naman! Patay agad? Parang trangkaso lang?" Pahabol pa ni V
••••Third Person's Pov••••
"AHH!! ANG SAKITTT!" sigaw ni Jk na halos iuntog na ang kanyang ulo sa pader sa sobrang sakit..
••••JK's Pov••••
Hindi ako nakapasok sa sobrang sakit ng ulo ko.. I tried but before pa man ako pumasok, there's something in me nà talagang gusto kong mag-stay dito sa bahay. Baka ano pa mangyari sa'ken sa labas. Nandito nga ko sa bahay, mag-isa naman ako.. hysss
*Kringgg*
*Y/n is calling*
*Answer*
(Hello?)
{Yes?}
(Balita ko may sakit ka daw? Bat di mo man lang ako sinabihan?)
{Aniyo, I'm fine}
(No you're not)
{Wag ka na magpunta, nakaka-abala pa ko}
(Im going, aalagaan kita tutal wala namang pasok bukas, and di ka abala sa'kin tandaan mo yan.. Bibili muna ko nang makakain mo, didiretso na 'ko jan)
{Ok thank you, wala naman akong magagawa}
(Ok bye! Just wait for me!)
*Call ended*
Haysss, buti nalang at napaka- caring ng kaibigan kong si Y/n... Sana talaga sya na lang girlfriend ko..pero hindi pwede e, kasi si Jimin-hyung yung crush nya, si Jimin-hyung yung bukambibig nya, ano pa pag-asa ko? Walang wala. Kaya mas pipiliin ko pang manatili nalang na kaibigan nya.
"AHHHHHH!" eto nanaman ang ulo ko, sobrang sakit nagdadalawa na ang paningin ko
~after 10mins.~
*Kringgg*
(Hello, Jk? Nandito na ko sa labas, pasok na ko ah? Tutal di naman naka-lock)
{Sige diretso ka na dito sa kwarto ko, di ko na kayang lumabas}
(Ya I know)
*Call ended*
•••• Your Pov••••
*Knock knock*
"Come in!" Sigaw ni JK mula sa loob, halata sa boses nya ang panghihina
Pagkapasok ko, tumambad sakin si JK na namumutla, tumayo naman agad ito
"Wag ka nang tumayo" sabi ko pero nagpumilit pa rin ito.
"Thank you y/n for coming" sabi nya at "AGHHHH!!" napasigaw at napahawak sya sa ulo nya
Agad ko naman syang tinulungan umupo at tinabihan
"Babantayan muna kita ngayon, nagpaalam naman ako kay mommy" sabi ko
Nang salatin ko ang noo nya "sobrang init mo, wait lang"
Nagpanic ako at agad kumuha nang bimpo at palangganang may maligamgam na tubig sa labas ng kwarto nya
Pagbalik ko sa kwarto nya ay inabutan ko itong nakasandal sa headboard ng kama nya pero di ko alam kung nakaidlip ito o talagang nakapikit lang
"Jk, upo ka muna nang maayos" sabi ko tsaka inalalayan syang umupo
"Humigop ka muna kahit ito lang soup na to hanggat mainit pa" sabi ko saka sya sinubuan
Halatang hinang hina sya kaya hindi ko talaga sya pwedeng iwànan
After ko syang pakainin ay pinainom ko na nang gamot saka ko pinagpahinga
Habang nakahiga sya ay nilalagyan ko ng basang bimpo ang noo nya.
••••JK's Pov••••
"Thank you y/n, for taking care of me.. medyo ok na ko pwede ka nang umuwi" sabi ko kay y/n habang pinupunasan nya ang noo ko
"I said I'm not going home" maikling sagot nito na sya namang nakapag-pangiti sa'kin
"Ngiti ka jan? Gusto mo ko makasama noh? Crush mo ko noh? Ikaw ah" pagbibiro nya
"Hahaha" walang ganang tawa ko pero alam ko na namumula na ang mga tenga ko
"Uy namumula ka, crush mo talaga ko e no?" Dagdag nya pa
"Maysakit lang ako kaya ako namumula" pag dedeny ko, teka? Padedeny? Anong kailangan kong ideny? Hays.
"Hay nako, kung crush mo ko? Aminin mo nalang.. kasi di naman kita crush" sabi nya, medyo nasaktan ako dun ha?
"Oh? Bat napasimangot ka jan? Eh hindi naman talaga kita crush" napatingin na ko saknya non
"kasi si jimin-hyung yung crush mo" sabi ko
"kasi gusto kita" nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nya yon
Sa saya ay napayakap ako sakanya
"Te~teka JK kalma lang di ako makahinga" sabi nya
"Ay sorry" sagot ko perong ngiting ngiti ako
"Bat ba ang saya mo? Sumigla ka bigla ah?" Tanong nya
"You the best medecine, doctor ever" sagot ko
"Huh?" Takang sagot nya
"You're words healed my pain, i like you ever since y/n" sabi ko
"Di ko lang ipinapaalam kasi ang alam ko si jimin hyung ang crush mo" dagdag ko
"Si jimin naman talaga crush ko ah~ pero ikaw ang gusto ko" sabi nya
"Thank you Y/n! Thank you so much!" Sàgot ko at yumakap sakanya
"So ayan ok ka na, pero di pa rin muna ko uuwi, dito na muna ko, matulog ka na, imomonitor muna kita" sabi nya
"Can I sleep with you sitting beside me? Para titigan lang kita kapa sumakit ulo ko, ok na ulit ako" sabi ko
"No problem, love you! My friend" sabi nya
"Ok na sana kaso may "my friend" pa" sabi ko
"Joke haha, i love you goodnight" sabi nya
No words came out of my mouth, I just kissed her forehead and sleep.
~~~~~~~

Bangtan Imagines 방탄소년단Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon