Park Jimin × Shin (You) ft. Kim Taehyung"Hoy shin, gising na" niyugyog ako ng kuya 'kong si Jin.
"Kuya, 5 minutes" tinalikuran ko sya at sinubukang bumalik sa pagtulog.
"Magpapa-arrange daw si V ng bulaklak" akmang tatayo na sya sa kama ko pero hinatak ko sya
"Talaga?" Masayang tugon ko at tumayo na sa pagkakahiga.
"Yan tayo e, pag si V ang pinag-uusapan ay buhay na buhay ka. E kung tadyakan kaya kita?" Pailing iling na sabi ni kuya bago tuluyang tumayo
"Basta tumayo ka na d'yan at pumunta sa shop, naghihintay na 'rin don sa Missy dahil medyo marami-rami ata yung pinapaarrange ni V na bulaklak" pahabol nya bago isarado ang pinto.
Bumangon na ako at nag unat-unat bago tignan ang phone ko.
May nagnotify na message.
From: V (6:05)
"Hi shin! Good morning, sorry ang aga ko yata'ng nagtext. Anyway, pa-arrange naman ako ng limang bouquet ng flowers. Kayo na bahala ni Missy sa design. Salamat, I'll pick it up at 12. :)"Limang bouquet? Aanhin nya naman 'yon? May jowa na kaya sya? Kung meron, bakit lima?
Ano 'yun? Para
I-Love-You-Very-Much? Mautak ha.Nagpunta ako sa bathroom at naligo ng mabilisan.
Paglabas ko ng bathroom ay narinig kong nagriring ang phone ko.
Incoming call: Missy
[Hoy babae! Sabi sa'kin ni kuya Jin ay gising ka na! Antagal mo naman! Hindi ko sisimulan 'tong pinagagawa ni V hangga't di ka dumadating!] Sigaw nya mula sa kabilang linya.
"Sandali lang naman, nag aayos lang ako. Papunta na 'rin naman ako. Bakit di mo pa simulan yan! Nagsasayang ka lang ng oras!" Inipit ko sa pagitan ng tenga at balikat ko ang phone para maiayos ang bag na dadalhin ko.
[Get your lazy ass here now girl] sarkastikong sabi nya at biglang pinatayan ako. Sira ulo talaga.
Nagbike ako papunta sa flowershop namin tutal ay ilang kanto lang naman ang layo nito mula sa bahay namin.
Malayo palang ay tanaw ko na ang flowershop namin, iyon ay dahil sa lahat ng establishiments na nakatayo dito, iyon lang ang may pastel violet na kulay :/
Ngunit ng medyo malapit na 'ko ay may napansin akong pigura ng tao sa gilid ni'to. Nakaupo ito at nakapatong ang kamay sa magkabilang tuhod nito at nakatingin sa kawalan.
Nang makababa ako sa bike ko ay nilapitan ko ito.
"Ahm.. hello, bakit nandito ka?" Tumapat ako dito pero tumingin lang ito sa'kin na para bang natatakot.
"Hu-huwag k-kang l-lalapit" nauutal na sabi nito ay siniksik ang sarili sa pader sa likod niya, itinago nya rin ang mukha nya sa pagitan ng mga bisig nya.
"Hindi kita sasaktan, pero pwede bang umalis ka dito? Baka kasi walang pumasok na costumer dahil sa'yo e." Hinawakan ko ang kamay nya.
Hindi naman sya marumi.
Nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko.
"Huwag mo kong paalisin dito, parang awa mo na. Wala na'kong alam na lugar na paglalagian." Pagmamakawaawa nito.
Bibitawan ko na sana sya nang biglang narinig ko ang pagtawag ni Missy sa'kin. Agad akong lumapit sa kanya.
"Sino yan? Bakit hinayaan mong may pulubi sa tapat ng shop na'tin." Bulong ko kay Missy habang nakatingin pa rin sa lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/183964112-288-k302565.jpg)
BINABASA MO ANG
Bangtan Imagines 방탄소년단
Krótkie OpowiadaniaSo first of all, all stories here are written in tagalog. Also, sorry kung may mga typo errors or kung ano mang mali sa mga stories hehe. By the way, all of the stories here are already posted on my facebook page "BTS one shot stories" ( you better...