"Bea, sakay na! " pag-aya ni Kim kay Bea.
“Wait, me first! " inunahan sya ni Anne na sumakay sa Van.
“Sandali, akala ko ba, susunduin ka ng kapatid mo? " tanong ni Lito.
“May pupuntahan daw sya, di nya ako masusundo. ok sakay na Bea. ay, hindi na kasya?! sorry " nakakaloko pang sabi ni Anne.
“Pero paano si Bea? " nag-aalalang sabi ni Kim.
“Hindi, ok lang ako, mag-aabang nalang ako ng taxi " nakangiting sabi ni Bea.
“Sure ka eh... 1:13 na baka wala ng taxi? " nag - aalala paring sabi ni Kim.
“OK lang talaga ako... magtitext nalang ako sainyo" sagot nya.
“Sigurado ka ah? geh text ka sakin ah!! " sabi pa ni Kim. Nginitian nya ito at nagpaalam na. Nang makaalis ang Van na sinasakyan nila Kim ay huminga sya ng malalim.
“Bakit ka nagpaiwan? " tanong ni Eugene kay Bea pero hindi sya nito narinig.
“Hayssst sana may taxi pa" sambit sa kawalan. Naisipan nyang maglakad - lakad muna habang wala pang dumarating na taxi.
“Wala ng taxi, bakit kasi nagpaiwan ka pa? " nag-aalalang sabi ni Eugene pero gaya ng dati hindi naman sya naririnig ni Bea.
Nasa kalagitnaan na ng paglalakad si Bea ng may humarang sakanya na tatlong lalaki na mukhang mga adik.
“Kung sinuswerte nga naman! " sabi ng isang lalaking malaki at punong puno ng tattoo sa katawan.
“Abay, kagandang chik!!! " humahalakhak na sabi ng lalaking nasa kanan ng lalaking maraming tattoo.
“Humanda ka na Miss Byutipul!!! hahahaha matitikman mo na ang the best!!! " sabi naman ng nasa kaliwa habang kagat - kagat pa ang labi.
Sabay - sabay na naghalakhakan ang tatlo. Lumapit sakanya ang pinakamalaking lalaki na leader ng tatlo. Hinawakan sya nito sa braso ng napakahigpit. Napalunok sya nang hawakan pa sya nito sa buhok nya.
“Lumayo kayo sakin! " sigaw nya at agad na tinulak ang lalaking maraming tattoo.
Muling nagtawanan ang mga lalaking manyakis at muli syang nilapitan ng lalaking malaki saka hinawakan sya sa magkabilang balikat nya.
“Bitawan mo sya!! " sigaw ni Eugene pero walang nakakarinig sakanya. Nilapitan nya ang lalaking may hawak kay Bea pagkatapos sinuntok pero tumagos lang ang kamao nya dito. Oo nga pala nahihibang na sya kung iisipin nyang magagawa nyang iligtas si Bea, gayong alam nyang hindi nya nga magagawang makantian manlang ang mga lalaking iyun.
" Bitawan mo'ko !" Nagpumiglas at sinipa ni Bea ang gitna ng lalaking malaki na syang may hawak sakanya. Nabigla ang dalawa pang lalaking kasama nito sa ginawa nya, samantalang ang leader nito na sinipa nya ay namimilipit at napapatalon sa sakit.
" Abay, lumalaban ka'pa?!" Sabi ng isang lalaki.
Tatakbo sana sya palayo pero naharang sya ng isang lalaki at agad syang sinampal ng napakalakas. Namanhid ang mukha nya dahil sa lakas ng sampal ng lalaki. Nakaramdam din sya ng hilo kaya hindi na nya nagawa pang makalaban.
Mas lalo namang naalarma si Eugene, at sinubukan muli na suntukin ang lalaking nanakit kay Bea, pero muli din syang nabigo.
Hindi nakuntento ang lalaking leader sa ginawa ng kasama nya kay Bea. Hinawakan nito sa balikat si Bea at buong lakas na sinuntok sa sikmura ang dalaga.
Nagdilim ang paningin ni Bea at nanlambot sa sakit na natamo nya dahil sa pagsuntok ng lalaking sinipa nya kanina.
" Bea!...." napasigaw si Eugene at galit na galit nyang hinila sa braso ang lalaking nanakit ng sobra kay Bea. Sinuntok nya ng buong lakas ang lalaking iyun dahilan para matumba ito at mawalan agad ng malay. Samantalang gulat na gulat ang dalawa pa nitong kasamahan dahil biglang natumba ang leader nila.

BINABASA MO ANG
Ghost Love
МистикаIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...