''Wala ka bang niligawang babae noon? " tanong ni Bea kay Eugene habang naglalakad sila sa park at naglilibot.
“Wala akong oras para dun " napangiti si Bea sa sagot nito.
“So, you mean hindi kapa nagkakaGF ever since ?" hindi makapaniwalang tanong ulit niya pero pagtango lang ang isinagot nito.
“ Grabe naman, eh sa pagkakaalam ko 30 years old kana bago ka namatay? eh malapit na ngang mawala sa kalendaryo yung edad mo " biro nya rito.
“Tsk. hoy, akala mo naman ang bata mo pa? mawawala ka na rin sa kalendaryo! " Ganti rin nito na halatang napikon sa pang aasar nya.
“Hindi naman, atsaka anytime naman na gustuhin ko madali lang akong magkakaboyfriend, andami kayang nanliligaw sakin, for your information, diosa ng unnivers ang kaharap mo " kwelang sabi pa nya na tinawanan lang nito.
“ Edi ikaw na, pero bakit hindi ka pa magboyfriend? " tanong nito na sandaling ikinatigil nya.
“A-ano kase... Iba kasi ang gusto ko " buti nalang ay nakaisip agad sya ng isasagot.
“ Anong gusto mo? " tanong ulit nito na naghihintay ng sagot nya.
“Ay basta!, andami mong tanong " nasabi nalang nya't binilisan ang paglalakad. Mahirap na, bak amay masabi nanaman syang nakakahiya.
—※—
“Ay, Dios ko!, Bea anong ginawa mo??" gulat na gulat na bungad tanong ni Kim pagbukas palang nito ng pinto.
“Ano ba yun? " tanong nya. Ano nanaman bang problema ni Kim at nang makasigaw at kung makatawag ito sa may kapal ay wagas.
“Bea , nang kukulam ka ba? bakit maraming naka sinding itim na kandila? " Napairap sya sa sinabi nito. Ito talaga ang pinaka OA na taong nakilala nya sa buong buhay nya at higit sa lahat ay naging kaibigan nya pa! Nangkukulam agad porke gumamit ng itim na kandila?
“Eh diba sabi ko sayo, allergic ako sa puting kandila? "
“ Kaya itim na kandila ang ginamit mo?!, ay dios ko Bea, ako, natatakot na ako sayo ah! " Best OA award goes to Kimberly Genoa!. Napairap nalang sya sa naisip. Hay naku kim!.
“Eh ano naman dyan?, kandila din naman yan eh " pangangatwiran nya sa ka OA yan na tanong ng kaibigan nya.
“Ay , ewan ko sayo!, oh, notebook mo naiwan!. sige na alis nako " paalam nito at agad umalis. Aba!, lakas ng loob magalit? Eh sya na nga itong OA?. Napailing-iling nalang sya sa inasal ng kabigan.
“Bakit mo ito ginagawa para sakin?" tanong ni Eugene pero hindi iyun narinig ni Bea.
“ Oh siguro naman hindi kana maglalaho nyan? " nasabi ni Bea habang inililibot ang tingin na para bang may hinahanap. Iyun din ang dahilan para magpakita sakanya si Eugene.
“Ginagawa mo ba lahat ng ito dahil sakin? " Nakangiting tanong ni Eugene sakanya. Napayuko sya sa sinabing iyun ni Eugene.
“Aminin mo'na kasi " pang - aasar nya pa rito pero hindi ulit ito sumagot. Umupo sya sa tabi nito atsaka muling nagsalita.
“Sige ganto nalang, bakit mo ito ginagawa para sakin? " seryoso na nyang tanong.
“ Hindi lang naman para sayo kaya ko ito ginagawa, ginagawa ko ito para sakin , dahil ayaw kong mawala ka kasi hindi ko kaya " pag - amin ni Bea na nakayuko parin.
“Anong ibig mong sabihin? " tanong nya dahilan para mag - angat ito ng tingin.
“Yan ba talaga ang tanong mo? hindi ba pwedeng iba nalang? " tanong nito na hindi makatingin ng diretso sakanya.
Napangiti sya at hinawakan ito sa magkabilang pisngi. Iniharap nya ito sa kanya.
“Ano ba talagang gusto mong sabihin? " seryosong tanong nya dito. Nagkatitigan sila at hanggang sa hindi nya namalayang hinawakan na nya pala ang kamay nito. Makalipas ang ilan pang sandali ay mas lalo pa silang nagkatitigan, parang namagnet na sila sa isat - isa at hindi na nila mapigilan pang magkadikit. Hanggang sa maramdaman nalang nila ang paglapat ng kanilang mga labi. Nakakatawa mang isipin pero iyun ang naramdaman nila. Sa mga oras ding iyun hindi naramdaman ni Bea na isang kaluluwa na lamang ang kahalikan nya ngayon, kundi naramdaman nya ang tibok ng kanyang puso at naramdaman nya ang halik ng lalaking minamahal nya.
Muling gumulo ang isip ni Eugene. Hindi nya alam kung bakit pakiramdam nya ay may puso pa syang tumitibok gayong isa nalamang syang kaluluwa. At muli ding nagbalik sa kanyang isipan ang lahat ng nakaraan. Ang katraydoran ni Benidic, kung hindi sana sya nito pinatay, sana narito pa sya't nabubuhay. Naimulat nya ang kanyang mga mata dahilan para muli syang magising sa katotohanan at makaalis sa ilusyon nyang pawang kasinungalingan. Isang kahibangan para sakanya ang makipaghalikan sa taong nabubuhay, gayong isa na lamang syang ligaw na kaluluwang naghahangad at maghahanap ng hustisya sa pagkamatay nya. Bumitaw sya sa halikan na iyun at biglang naglaho upang tunguhin ang taong dapat ay matagal na nyang siningil, si Benidic.
Naimulat ni Bea ang kanyang mga mata mula sa pagkakapikit. Nakaramdam sya ng takot at kaba ng bigla nalang nawala si Eugene.
“Eugene.... " pagtawag nya rito subalit walang Eugene na sumagot. Nilibot nya ang buong condo subalit wala ruon si Eugene.
“Eugene.... nasaan ka ba...? " tuluyan ng naiyak si Bea, paano kung wala na si Eugene?, paano kung dahil sa halik na iyun ay naglaho si Eugene at hindi na muling makababalik pa? tanong nya sa kanyang sarili..

BINABASA MO ANG
Ghost Love
ParanormalIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...