“Bea, ano ba yang ginagawa mo? " tanong ni Kim nang makitang abala sya sa pagdo - drawing.“Ah, wala " sagot nya.
“Anong wala " walang pasabing inagaw ni Kim ang papel na dino - drawing-an nya mula sa kanya. Aagawin nya sana ukit ritk yung papel ang kaso nahuki na sya.
“ Ay!, ang gwapo!, sino sya? " namamanghang bulalas at tanong ni Kim sabay higop ng kape.
“ Si Eugene " diretsang sagot nya.
Mabilis na naibuga ni Kim ang kapeng nasa bibig. At nanlalaki ang mga matang tinitigan sya.
“Ano!?, Eugene ?" Hindi malaman kung maniniwala ba o hindi sa sinabi nya
Tango lang ang tanging isinagot niya sa tanong nito
“ My God!, anong nangyayari sayo Bea? aatakihin ako sa puso sayo eh! " nakahawak sa dibdib na sabi nito. Eh?
“Tanong ka kase ng tanong eh! " nasabi nalang nya dahil sa takot na reaction nito.
“Eh sino ba naman kase?! " padabog na sabi ni Kim na hindi maituloy ang sasabihin na inirapan lang nya.
Pagod na pagod si Bea nang makauwi sya sa condo nya kaya naman ay nag-aalalang nilapitan sy ni Eugene.
“Bea, anong nangyari sayo bakit pagod na pagod ka? "
Napailing nalang si Eugene sa isiping isang beses lang syang hindi sumunid rito at ganto agad ang nangyari rito.
Nagpumilit syang sumama rito pero hindi ito pumayag, tungkol daw pagpapalayas ng mga ligaw na kaluluwa ang topic ng article na isusulat nito at may pupuntahan itong pare na nakakapagpalayas ng mga kalolowang sumasanib sa tao.
“Maraming trabaho, galing pa kami sa malayong probinsya " sagot nito at agad na nahiga sa mahabang sofa.
“Haysst isang beses lang akong hindi sumunod sayo, ganyan agad ang nangyari sayo " nasabi nalang nya't mas lumapit pa rito para kausapin ito pero malalim na ang paghinga nito at mahimbing na ang tulog. Masyado nga siguro itong napagod.
“Tsk, nakatulog na agad " Umupo sya sa harap nito at hinawi ang iilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nito at muli syang napangiti.
“Napakakulit at napakapasaway mo pa'rin Bianca, my little princess " nakangiting nasabi niya habang pinagmamasdan ang napakagandang nitong mukha.
" Kamusta ang tulog mo ?" Tanong ni Eugene pagkagising ng dalaga.
"Ang gwapo naman ng morning ko " sabi nito dahilan para matawa sya.
" Loko - loko ka talaga! " sabi nya rito saka ginulo ang huhok nito.
Napangiti rin si Bea at pinagmasdan ang gwapong lalaking nasa kanyang harapan. Sya na ang pinakamaswerteng Babae sa buong universe, akalain mo ba naman, sya lang ang kaisa - isahang babaeng nakakakita ng angking kagwapohan nito.
Mas lumapad ang ngiti nya sa naisip at nakalimutan nyang titig na titig pala sya rito na ang kulang nalang ay matunaw ito sa titig nya. Hindi Narin nya napansin na nakatingin narin ito sa kanya.
" Ba't titig na titig ka sakin?" tanong nitong may nakakalokong ngiti.
Agad syang naalarma sa tanong na iyun ni Eugene, pakiramdam nya'y daig nya pa ang binagsakan ng malaking bagay sa ulo.
" ah- ano_, wala__ Oo wala ba kayong kahinaang mga multo?" Pinuri nya ang kanyang sarili dahil sa galing nyang humanap ng dahilan para mapagtakpan ang lihim nyang pagtingin para rito at bahagya pa syang napangiti.
" Bakit mo natanong ?" nagtatakang tanong nito.
" Ano kasi , kahapon nung nag research kami tungkol sa pagpapalayas ng mga ligaw na kaluluwa, may sinabi sakin yung si Mang Juan na kahinaaan ng kaluluwa. Gusto ko rin malaman kung may kahinaan kayo, alam mo na just in case lang naman" paliwanag nya.
Sa tanong ng dalaga ay napaisip si Eugene, mapagkakatiwalaan nya ba si Bea ? Baka kasi ay gaya rin ito ng ama nitong traydor at uportunista? Sandali syang muling nag-isip bago sumagot .
" Meron" seryosong sagot nya .
" Talaga ? Ano?" Agad na tanong nito.
" Kahinaan namin ang usok ng puting kandila, kapag nausukan kami ng puting kandila ay maglalaho kami at di'na muli pang makababalik" sagot nya habang si Bea ay patango - tango lang na nakikinig.
—※—
“ Ay, walang kuryente?" nasabi ni Kim nang hindi gumana ang ilaw nang pindutin nya ang switch. Kumuha ng kandila si Kim para sindihan at magkaroon ng liwanag sa paligid. Napangiti sya nang magkaroon ng liwanag ang paligid pero halos matawag nya ang lahat ng santo ng biglang lumapit si Bea at inihipan ang apoy sa kandila.
Muli lang nakabalik sa normal ang mabilis sa kabog ng dibdib nya nang binuksan ni Bea ang flashlight ng cellphone.
“Bea naman!, ba 't inihipan mo yung kandila? " pasigaw na tanong nya sa kaibigan. Konting- kunti nalang talaga mamamatay sya sa heart attack ng dahil sa baliw nyang kaibigan na ito.
“Ano, ano kasi... a - allergic ako sa usok ng puting kandila." Tumaas ang kilay nya sa sagot nito. Pinaglololoko ba sya ng kabigan nya? Ugh!, ano nanaman bang nasa isip ng babaeng ito!?.
“Ha? Pinagsasasabi mo Bea?. eh dati hindi ka naman allergic dyan?, diba pinaglalaruan pa nga natin yan nuon? " inis at nagtatakang tanong nya sa kaibigan nya.
“Dati yun, ngayon lang lumabas yung allergy ko eh " sagot ulit nito. Napilitan syang tumango, wala syang magagawa walang balak baguhin sa sinabi nito ang kabigan nya.
“Paano yan?, hanggang bukas pa ng gabi walang kuryente? " Yun nalang ang natanong niya. Kahit baliw ang kaibigan nyang si Bea ay concern parin sya sa kalagayan nito.
“Hayaan mo na, wag kang mag - alala kase may mga flashlight pa naman ako dyan " sagot ulit nito na wala syang nagawa. Bahala sya, sabi nya eh.
“Ay, bahala ka. Sige aalis na ko"
“ Sige, bye kim, ingat ka ah " paalam pa nito kaya muli nya itong tinitigan ng masama.
“Ikaw ang magingat" Mukhang nababaliw kana talaga! gusto nyang idagdag pero wag nalang. Mas minabuti jyang umalis nalang.
Mula sa kinatatayuan natawa nalang si Eugene, ang tutoo'y hindi naman talaga nya kahinaan ang puting kandila kung tutuusin ay masnapapalakas pa nga sila ng usok nun.
“Talaga bang allergic ka sa puting kandila? " tanong ni Eugene kay Bea habang binubuksan ng dalaga ang lumang flashlight.
“Ano bang sinabi ko?, diba sabi Kong allergic ako!?, bakit akala mo ba?, purket sinabi mo sakin na kahinaan mo yung puting kandila kaya ko ito ginagawa? " pagsisinungaling nya na dahilan para mapangiti si Eugene ng nakakaloko. Ngayon lang nya napagtanto na napakaOA nyang magsinungaling. Wala na syang maisip sabihin kaya nakagat nalang nya ang ibabang labi.
“Ikaw ang nagsabi nyan, hindi ako... " sabi pa nito na may nakakalokong ngiti.
Para syang inuntog sa pader sa sobrang hiyang nararamdaman nya ngayon. “Hin __!"
“Oo na, hindi na kung hindi " putol nito sa sinasabi nya na hindi parin maalis ang ngiti pagkatapos ay bigla itong naglaho sa paningin nya.
Bea naman!, antanga mo... nakakahiya! Frustrated na sinabunutan nya ang sarili sa sobrang kahihiyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/198776749-288-k153245.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghost Love
ParanormalIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...