“ Oh, okey ka na? " tanong ni Kim sa kanya habang naghihintay sila ng taxi.
“Huh? bakit hindi? " nagtatakang tanong nya rito. Anong kayang iniisip nito?.
“ Nakalimutan mo na ba, yung night and shining armor mong multo? " sabi nito na may bahid ng panunukso ang tono. Tumango- tango sya saka luminga- linga na para bang may hinahanap.
“Ah ganun ba?, sige ka isusumbong kita " nakangiting biro nya sa kaibigan na kunwariy may nakita sa kung saan.
“ Ay, hindi ka naman mabiro! " bawi agad nito sa sinabi kanina.
Natawa nalang sya inakto nito, basta talaga tungkol sa mga multo sobrang matatakutin ito. Hay buhay, ang kaibigan nya nga naman.Samantalang di nila nakikita si Eugene na nasa tabi lang nila tumatawa sa usapan nila. Ilang sandali pa ang lumipas ay may dumating ng taxi. Naunang lumapit ruon si Kim.
“Tara na Bea " aya ni Kim sa kanya. Umiling sya saka sumagot.
“Mauna ka na, may pupuntahan pa ako "
“Sigurado ka? gabi na" nag - aalala nanaman ito para sakanya na ikinangiti nya.
“Oo, maaga pa naman, uuwi din naman agad ako eh "
“Pero baka mamaya __"
“Wag kang mag - alala may kasama ako " putol nya sa sasabihin sana nito. Napatawa sya ng biglang magbago ang nag aalala nitong ekspresyon na napalitan ng takot.
“Bahala ka!, basta mag - ingat ka " padabog na sabi nito saka sumakay na.
Nakangiting pinagmasdan ni Bea ang paalis na sinakyang taxi ng kaibigan nya. Inilibot nya ang tingin sa paligid. Maliwanag ang daanan, maraming street lights sa daan at nagliliwanag naman ang mga resto bars, cafeteria's at mga restaurants.
“Sige na magpakita ka na "
" Hmn?" Nakangusong baling ni Eugene kay Bea. Luminga - linga si Eugene, sya ba ang kinakausap nito?.
“Wala na si Kim, alam ko nandyan ka lang " Sabi ulit nito.
He smirked, namangha sya sa ngiti ng dalaga. Kitang - kita nya ang pagkangiti nito dahil sapat ang liwanag ng paligid. Pinagmasdan nya ang angking kagandahan nito. Nangingislap ang mga mata, mahahabang pilik mata at katamtamang tangos ng ilong at wavy nitong buhok, gaya ng dati mukha parin itong anghel at lumilitaw pa rin ang dimple nito sa magkabilang pisngi kapag ngumingiti.
"Ayaw mo talaga? Sige ganto nalang,. Nasa'n ka kaliwa o sa kanan?" Nakangiting muling tanong ni Bea.
"Tsk loko-loko " nasabi nya na sya lang ang nakarinig.
" Sige na please,!!" Pagsusumamo ni Bea.
" Sa kanan" sagot nya na sinandya nyang iparinig sa dalaga.
Muling ngumiti si Bea at muli nanamang lumitaw ang dimple sa magkabilang pisngi.
"Tara na" maganang pag-aya ng dalaga kay Eugene at naglakad na.
" Saan ka nanaman ba pupunta ah?" Tanong ni Eugene rito habang sinusundan ito.
" Basta" tipid na sagot nito.
" Saan nga?" Tanong ulit nya.
" Magpakita ka muna" kundisyon nito.
" Sabihin mo'na nga" pamimilit nya.
" Ayt, magpakita ka nga muna kasi" ulit nito.
" Haysst, pasaway!" Tanging nasabi nya at agad na nagpakita sa dalaga.

BINABASA MO ANG
Ghost Love
ParanormalIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...