“Bea, tignan mo 'to " Nagmamadaling iniabot ni Kim ang isang diyaryo kay Bea. Tinignan din iyun ni Eugene.“Inamin na ng daddy mo na sya ang master mind sa pagpatay Kay Eugene " pagbabalita pa ni Kim habang binabasa ni Bea ang laman ng diyaryo.
“Bakit nya kaya ginawa iyun? " napatanong nalamang si Eugene.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“So, aalis kana? " tanong ni Bea Kay Eugene pagkaalis ni Kim. Napatingin naman si Eugene kay Bea na nakatayo parin sa gilid ng nakasarang pinto. Tumayo si Eugene mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan si Bea.
“Bakit?, ok lang ba sayo? " tanong nya kay Bea.
“Eh, ano namang magagawa ko kung kailangan mo na talagang umalis? " sagot nito na bakas sa mga mata ang lungkot. Naglakad ito palayo sakanya at umupo sa sofa. Sinundan nya naman agad ito at umupo sa tabi nito. Hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi at iniharap ito sakanya.
“Wag ka'nang malungkot, oo aalis ang kaluluwa ko pero hindi ibig sabihin nun mawawala nako, mananatili ako sa puso mo at hinding - hindi kita iiwan. Babalik ako pangako! " sabi nya rito. Ilang saglit pa ay may dumating na liwanag.
“Paano ba iyan, kailangan ko nang umalis " sabi pa nya bago tumayo at naglakad na palapit sa liwanag.
“Bea, mahihintay mo ba ako sa pagbabalik ko? " tanong nya bago muling humarap dito. Umiiyak nanaman ito at puno nanaman ng lungkot.
“Oo hihintayin kita, basta babalik ka " sagot ni Bea na ikinangiti nya. Ngumiti sya bago tuluyang pumunta sa liwanag.
Ilang sandali pa ay naglaho na ang liwanag kasabay nun ang paglaho rin ng kaluluwa ni Eugene. Walang nagawa si Bea kundi ang umiyak na lang ng umiyak.Tiningnan ni Eugene ang nakakasilaw na liwanag bago pumikit at naramdaman narin nya ang unti - unti nyang paglutang. Muli nyang naalala ang lahat subalit sa pagkakataong iyun ay wala syang lungkot na naramdaman. Inisip nya ang lahat ng masasayang alala na nangyari sa buhay nya na naging dahilan para mapuno sya ng saya. Kasabay nun ang alaala nya kasama si Bea. Muli syang nanghinayang at nagnais na muling mabuhay. Nais nyang mabuhay, nais nyang madugtungan ang pagmamahalan nila ni Bea. Nais nyang makasama pa si Bea, ang babaeng kanyang minamahal.
......Laboratory....
Nasilaw ang lahat ng doctor at scientists ng biglang magliwanag ang katawan ni Eugene. Wala silang makitang ano man maliban sa puting liwanag na iyun at makalipas ang ilan pang mga sandali ay nawala rin ang liwanag na iyun. Subalit kasabay ng liwanag na iyon ay ang pagkawala ng katawan ni Eugene..... sa kulungan ni Benidic...
“Sir Benidic, may kailangan kang malaman " bungad ni Jackson, ang katiwala ni Benidic. Dinalaw nito ngayon si Benidic. Nakakulong na ngayon si Benidic dahil sa pag-amin nya sa pagpapapatay nya kay Eugene.
“Nawala ang katawan ni Eugene Villaromez sa hindi maipaliwanag na paraan. Para bang kinuha sya ng liwanag " pagbabalita ni Jackson.
“Sigurado ka ba? " tanong ni benidic na napapaisip.
“Yes, sir Benidic, tutoo po " sagot ni Jackson.
......usapan nila Bea at atty. Lopez...
“May naiwang order si Mr Eugene bago sya mamatay at iyun ang pag - uusapan natin ngayon " panimula ni Atty. Mark Lopez
“ Bianca Alcantara, binigyan ka ng karapatan ni Eugene Villaromez na pangalagaan at pamahalaan ang lahat ng kayamanang pag - aari nya habang wala pa ang tagapagmana " sabi ni Atty. Mark Lopez na ikinatuwa ni Kim.
“Bea narinig moba iyun? " tuwang - tuwang tanong ni Kim.
“ Pero Atty. Mark Lopez, sino yung tagapagmana? " napapaisip na tanong ni Bea.
BINABASA MO ANG
Ghost Love
خارق للطبيعةIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...