“Bea, ano bang nangyayari sayo?, tatlong araw kanang ganyan ah " muli nanamang pag - aalala ni Kim sa kaibagan nyang iyak parin ng iyak.
“Si Eugene kasi wala parin sya, hindi ko'pa rin sya nakikita " umiiyak na sabi nito.
“Bea naman, tigilan mona yang kayu - Eugene mo, hindi sya tutoo! " may halong pagkainis na sabi nya.
“Tutoo sya kim, tutoo sya! " pagpipilitan nito.
Napatayo na si Kim mula sa pagkakaupo. “Sige, kung tutoo sya, nasaan sya? " pasigaw ng tanong nya pero patuloy parin ito sa pag - iyak.
Muling nabalot ng lungkot at awa si Eugene para kay Bea lalo pa"t nakikita nya ito ngayon sa kanyang harapan na nagdurusa dahil sakanya. Bakit ganun?, isa nalang syang kaluluwa subalit, bakit parang may puso pa syang kumikirot at nasasaktan?. Wala syang nagawa kundi ang panoorin si Bea na patuloy parin sa pag - iyak, kahit na nagdudulot ito ng labis na sakit sakanya, sigurado na sya, si Bea nga ang babaeng mahal nya na kahit kaipan hindi nya maaaring makasama dahil ang mundo nila ay magkaiba .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wala nanaman sa sariling naglalakad si Bea dahil hindi parin maalis sa isipan nya si Eugene. Nagulat nalang sya nang biglang magsigawan ang lahat.
“Bea look out, sa ulo mo " sigaw ni Kim, maraming sumisigaw subalit ito ang nangibabaw.
Tumingin sya sa itaas at nakitang pabagsak sakanya ang mga bakal galing sa itaas ng ginagawang gusali. Napapikit nalang sya at hinintay ang pagbagsak ng mga bakal sakanya.
Habang unti - unting palapit na kay Bea ang pabagsak ng mga bakal ay pumikit si Eugene, buong lakas nyang kinontrol ang mga pabagsak na bakal. Iniliko nya ang direksyon ng pagbagsak ng mga iyun kaya naman ay hindi nasaktan si Bea.
Nang marinig ni Bea ang pagbagsak ng mga bakal ay nagulat sya dahil nag - iba ang binagsakan ng mga iyun. Parang inilagan sya ng mga bakal sa hindi maipaliwanag na dahilan. Inilibot nya ang kanyang tingin at duon ay nahagip ng kanyang paningin ang lalaking pamilyar sakanya na nasa di kalayuan sa kinaroroon ni Kim.
“Eugene " sambit nya sa pangalan nito.
Tumakbo si Kim patungo sa kanya. “Bea are you ok? " bungad nito sakanya na tinanguan nya.
“Kim, nakita ko sya " sabi nya ritong tinutukoy ay si Eugene.
“Sinong sya? " takang tanong ni Kim.
“Si Eugene, sya ang nagligtas sakin " sagot nya.
Napabuga ng hangin si Kim at nilibot ng tingin ang paligid, nagbabakasakaling makita rin ang sinasabi ni Bea na Eugene pero, wala syang anumang nakita.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nasa terrace ng bahay nya si Kim at hanggang ngayon ay hindi parin nya makalimutan ang nangyari kanina. Nakaramdam sya ng inis Kay Eugene.
“Eugene.... magpakita ka..... kung tutoo ka magpakita ka...!!!!! " hindi na nya napigilang tawagin ito.
Agad namang narinig ni Eugene ang pagtawag sakanya ni Kim kahit pa naruon sya sa condo ni Bea. Mabilis nyang tinungo si kim at pinagmasdan muna ito bago sya tuluyang magpakita dito.
“Bakit mo'ko tinatawag? " tanong nyang dahilan ng pagkagulat nitong halos mapatalon pa.
“So, tutoo ka talaga? " di makapaniwalang tanong ni Kim.
“Tsk, yan lang ba?, nakita mo'na ako kaya alam mona ang sagot." aalis na sana sya pero pinigilan sya nito.
“sandali! " seryosong ang mukhang pagtawag nito sakanya dahilan para muli nya itong harapin.
![](https://img.wattpad.com/cover/198776749-288-k153245.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghost Love
ParanormaalIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...