Chapter 10

61 7 0
                                    

Muling nabalot ng galit ang kabuohan ni Eugene, nais nyang singilin si Benidic sa kasalanan nito sakanya. Nang makita nya itong sumakay sa sasakyan nito ay agad nya itong sinundan. Subalit, laking pagtataka nya dahil hindi pamilyar sakanya ang lugar na pinuntahan nito. Maslalo syang nabalot ng pagtataka nang salubungin si Benidic ng mga doctor at scientists. Sinamahan ng mga ito si Benidic na bumasok sa loob ng isang tagong gusali at pagpasok nila, bumulaga sakanya ang isang napakalaking laboratoryo. Para bang ginawa ang gusaling iyun para sa isang napakalaking ekspiremento.

Habang namamangha nyang pinagmamasdan ang paligid ay dumiretso si Benidic sa isang napakalaking freezer na salamin ang haligi kaya kitang - kita ang nasa loob nito. Muling napadako ang tingin at pansin ni Eugene kay Benidic kaya nilapitan nya ito. Tiningnan nya si Benidic at duon nya nakitang umiiyak ito. Napaisip sya kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito, ngunit mas lalo syang napaosip at nagtaka ng magsalita ito habang nakatanaw sa loob ng malaking freezer.

“Eugene patawad, patawarin mo'ko? " lumuluhang paghingi nito ng tawad.

Bakit sya ang tinatawag nito? napaisip sya 't ibinaling din ang tingin sa loob ng Freezer . Nagulat sya at hindi makapaniwala sa nakita. Hindi sya maaaring magkamali, ito ang katawan nya. Nasa loob ng malaking freezer at pinag - e - ekspirementuhan. Kitang-kita nya iyun dahil gawa sa salamin ang freezer. Nakapriserve ang katawan nya, halos wala itong ipinagbago ganun parin ang itsura nya at buong buo pa. Nais nyang maiyak sa nakita pero hindi nya iyun magawa. Nakikita nya ngayon sa kanyang harapan ang katawan nyang wala ng buhay at walang kamalay - malay sa nangyayari sakanya.

“Patawarin mo ako Eugene, ako ang may kasalanan kung bakit ka namatay , pero ginawa ko iyun dahil ayaw kong mawala sakin si Bianca. K8nailangan kong mamili, buhay mo kapalit sa buhay ng anak ko, patawad dahil pinatay kita kapalit ng buhay ng anak ko... patawad " lumuluha paring paghingi ng tawad ni Benidic sakanya.

Tumingin sya kay Benidic at bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan. Ibig sabihin, hindi nito ginusto ang pagkamatay nya kundi napilitan lang ito.

“Bakit?, bakit hindi mo sinabi sa akin? ah Bakit....!? " sumusigaw na tanong nya ritong hindi naman nito naririnig. Muli nalang nyang tinignan ang walang buhay nyang katawan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naglalakad si Eugene ng walang direksyo habang muling binabalikan ang nakaraan. Naalala din nya ang araw nung na - kidnap si Bea. Hindi rin sya mapakali ng mga sandaling iyun. Inalok nya ng napakalaking halaga ng pera ang mga kidnappers para maging kapalit ni Bea pero, hindi pumayag ang mga ito.

“Benidic, subukan mo ulit silang tawagan, dagdagan natin ang halaga ng pera " alok nya kay Benidic.

“Hindi nga sila pumapayag, hindi ba?, iba ang gusto nila " pasigaw na sagot ni Benidic sakanya.

“Kung hindi pera, ano? " pasigaw narin nyang sabi, dahil narin siguro sa pagkairita nya kakaisip ng paraan kung paano makukuha si Bea sa kamay ng mga kidnappers. Hindi sumagot si Benidic, tinalikuran lang sya nito at agad umalis. Ang hindi nya alam ay tumawag na pala ang mga ito kay Benidic at sinabi na ang gustong mangyari. Buhay pala nya ang hinihingi ng mga ito bilang kapalit ng buhay ni Bea at inilihim ni Benidic sakanya ang bagay na iyun.
At ngayon, malaki na si Bea, patuloy na nabubuhay na ngayo 'y minamahal nya. Muli nanaman nyang ninais na lumuha pero imposimble yatang mangyari iyun dahil kahit anong gawin nya ay wala ng tubig mula sa kanyang kaluluwang anyo ang maaaring pumatak mula sa mga mata nya. Naguguluhan sya at hindi nya alam kung ano ba ang dapat na maramdaman nya. Hindi nya alam kung magagalit ba sya dahil ipinagkait sakanya ang karapatan nyang mabuhay o matutuwa dahil sa nabuhay si Bianca na naging kapalit ng pagkamatay nya. ?

“Nakikita kita " napatingin sya sa pinanggalingan ng boses. Isang matandang lalaki, at hindi sya maaaring magkamali iyun ang matandang tinulungan ni Bea, si lolo Rendel.

“Oo ikaw, isang kaluluwang puno ng lungkot at nagnanais makamtan ang hustisya sa kanyang pagkamatay subalit, isang kaluluwang nagmamahal." sabi pa ng matanda.

“Paano mo ako nakikita, anong meron sayo? " tanong nyang di makapaniwala.

“Marami na akong kaluluwang nakita, subalit kakaiba ka , nararamdaman ko sayo ang isang pusong nagmamahal at kapangyarihang likha ng iyong pagmamahal " sabi pa nito. Napatawa sya ng mapait.

“Impossible, wala na akong puso dahil kaluluwa nalang ako " natatawang sabi nya.

“Pagdating sa Pag- ibig, Walang imposible. " sabi nito na hindi nya pinansin dahil tumalikod na sya at humakbang palayo.

Naiwang nakatayo ang matanda habang tinatanaw ang papalayong si Eugene. “Isang malakas na kapangyarihan ang tataglayin mo, kapangyarihang nalikha ng iyong tunay na pag - ibig. Kapangyarihan na maaaring maging kapalit ng muling pagsibol ng punong pinagkaitang masikatan ng araw " puno ng talinhagang sabi ng matanda bago tumalikod at maglakad palayo.

Umupo si Eugene sa ilalaim ng puno at duon nya pinilit pakalmahin ang sarili. Hanggang ngayon ay binabalot parin sya ng lungkot. Tumungin sya sa kalangitan at duon nya naalala si Bea.

“Nasaan na kaya sya? ano na kayang nangyari sakanya? " tanong nya sa kanyang sarili.

“Eugene hindi, hindi mo sya pwedeng lapitan, mas lalo lang syang masasatan " pagpipigil nya sa sarili. Naihilamos na lang nya ang kanyang mga palad.

“Haa.... " puno ng pagkainis na sigaw nya't sinuntok ang lupa.

“Ano bang nangyayari sakin?.... " sumisigaw na tanong nya sa kanyang sarili. Kasabay niyun ang bigla nyang paglaho upang tunguhin si Bea. Lingid sa kanyang kaalaman ay nagbitak ang Lupang sinuntok nya . May ruon syang kapangyarihan na hindi nya alam, ang kapangyarihang tinutukoy ng matandang si lolo Rendel...

Ghost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon