twenty-five.

5 1 0
                                    

Y. A. CALIXTO.

ㅡㅡㅡ

A/N; bago magstart ang chapter na to, i would like to say na sa ngayon, the chapters will be based on the main character's point of view which is si Yuri. yun naman kasi ang intended na plano ko from the beginning, i only added additional point of views from the other seven characters para merong masimulan ang kanilang story sa kanilang partner. enjoy this chapter!

(PART 1)

It has been quite a few months now since noong ibinalik na sa akin ni Jiro yung art materials ko.

New year, new chapter in life.

Sa sitwasyon namin ngayon, everything has been cleared. Maayos na kaming lahat, pero yung asaran at hampasan ay nananatili parin. And actually, kahit ako hindi makapaniwala dito, ang dami na naming memories na naigawa in such a short time. Pero sa sobrang dami namin, of course paminsan hindi kami kumpleto sa gala. Merong busy at meron ring tinatamad lumabas.

At sa ngayon, I have no idea when this started, pero papunta na ako sa 7/11 kasabay si Jiro na kasama ko sa recent kong subject. Most of the time, sa 7/11 kaming lahat naglulunch. Sa sobrang daming beses na kami kumain doon, kilala na kami ng staff.

Wala kumakain sa 7/11 tuwing lunch time since we do have our own cafeteria, pero mas prefer namin ang kumain doon. We don't have to worry about our table, plus merong aircon sa 7/11 at doon wala.

Pagkapasok namin, as expected walang kumakain doon at free lahat ng tables.

"Namessage mo na sila?" tanong ko kay Jiro pagkaupo ka at tumabi naman siya sakin, resting his head on my shoulder, "hindi pa actually."

I shook my head sa kanyang response at nilabas ko phone ko para imessage sila sa aming gc.

Oh yeah, nagcreate ako ng group chat para sa amin na nangangalang The 4 Yawas And 7 Banos. Originally ang name non ay Mukhang Tae Si Mira pero syempre hindi siya pumayag. Paiba iba ang group name hanggang sa pinalitan ni Raine into the name we have right now. Wala namang pinagkaiba ang pag usap namin sa chat at sa totoong buhay, ibukod nalang siguro natin ang napakaraming 1v1 request nina Axel at Sam sa isat isa.

A/N; the destroyer (nick) lamon (jax) multo (ren) kabayo (damien) pandak (jiro) ⚠mira's property⚠ (declan) UGHxel💦 (axel) mira the explorer (mira) ulan (raine) samUGHntha💦 (sam) plat tire (yuri)

The 4 Yawas And 7 Banos

plat tire: hoy mga itlog nasaan na kayo

Seen by the destroyer, UGHxel💦, mira the explorer and 3+ more

plat tire: OO SIGE SALAMAT

ulan: Otw na kasama ko si Jax

At pagkatapos ng reply ni Raine, wala nang sumunod pa. Tahimik kaming nakaupo ni Jiro, occasionally naguusap lamang kapag meron kami gustong ipakita na meme or post. Mga ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin sina Raine at Jaxon na kasama naman sina Axel at Sam. "Where are the others? Wala parin?" tanong ni Jax habang ipinagtatabi tabi namin ang mga lamesa.

"Not a single message." kamot ko sa aking batok dahil sa inis.

Gutom na gutom na ako kaso meron kaming isang gawain na bibili lamang kapag kumpleto na ang mga sasama. Fifteen minutes had passed, not that I am worried kasi free period ang lahat kasi merong meeting ang mga professors, but because I am really hungry.

The Truth Untold || bts [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon