thirteen.

22 4 2
                                    

B. M. ALVAREZ.

ㅡㅡㅡ

(PART 1)

+639*********
hi miss ;)

Yawa! Sino kaya to? Ibang vibe nakukuha ko dito. Parang papansin kung sino man ito kasi napaka lakas ng trip.

+639*********
pwde b po mkipag txt m8?

Hala shet jejemoan- este jejemon! Paano nito nalaman number ko!? eh family at friends ko lang naman nakakaalam ng number ko?

Hinayaan ko nalang ito at kinuha ulit ang aking Cheezy, ignoring the message at pinagpatuloy ang pagnood ng Barbie: Princess and the Popstar sa TV.

I continued to ignore and ignore and ignore until nayamot na ako sa pagsunod sunod ng pagvibrate ng phone ko.

+639*********
pwde b miss?
miss?
hello?
miss dali n o!
wla lng aq mgawa jejeje

GAGO ANG SAKIT SA EYES BASAHIN TO!

Inilagay ko na sa silent mode ang notifications ko at niresume yung movie.

Kahit ganito na ako katanda, forever kong paborito si Barbie! Yung mga shows at movies niya ang nagbibigay comfort sakin sa kung ano mang problema since bata pa ako.

Sunod sunod na mga movies ang pinanuod ko until naubos na ang pwedeng mapanood sa flash drive. Since nung nagsend ng message yung jeje, hindi ko pa nabubuksan phone ko. Isang himala yun actually.

Humiga na ako sa kama after I turned off the TV at binuksan ang phone ko.

Putangina.

+639********* (8)
alam q n nbabaxa m e2
pls nmn o
puta kilala m aq
d m tlga matandaan?
basta kilala m aq
parehas tau skul
mgkaklasi tau
cge na gudnyt na. labyu miss!

ANG CREEPY NITO AS IN!

Dinelete ko messages niya at nag scroll scroll nalang sa Bookedface bago natulog.

~

"KADIRI!" react ni Yuri pagkatapos ko ipakita sa kanilang tatlo yung mga bagong messages habang sina Sam at Raine ay tawang tawa sa kajejehan ng kung sino man itong HUP student.

Is he even really a HUP student? Sa pagtext na yan?

Hiniram nina Sam at Raine yung phone ko st binigay ko naman agad kasi sobrang confused, shocked at nandidiri ako sa mga nakita at nabasa ko.

Plus, may tiwala din ako sa kanila.

Pero bigla akong natauhan nang makita ko na may tinatype si Raine habang nag tatawanan sila nina Sam.

"Hoy yawa kayong dalawa! ano ginagawa niyo ha!?"

Kukunin ko na sana ang phone ko ng biglang pinigilan sila ni Yuri at kinuha yung phone ko. Thank god at mabait mamshy ko!

"Hindi naman jeje eh! dapat h3ilL0e po0esZxc nilagaya niyo!" sabi nito bago nagsimulang magtype.

Putcha!

Akala ko pa naman pipigilan niya yung katarantaduhan ng dalawa para kampihan ako kaso hindi pala!

MGA YAWAAAA!

Sinubukan kong kunin ulit yung phone pero bigla akong pinigilan ni Yuri at tumawa na din ng tumawa, "HOY ANONG GINAGAWA NIYO? WAG NA WAG NIYONG REPLYAN YANG JEJE NA YAN! MAMAAAAAA!"

Pero huli na ang lahat dahil naisend na nila yung message bago ko nakuha yung phone ko. "Punyeta ano nireply niyo don!?" sigaw ko at hinanap yung message.

Tawang tawa parin silang tatlo bago nagsimulang magsalita si Sam "Basahin mo kaya! Marunong ka naman ata mag basa, diba?" sabi nito habang natawa parin at agad ko naman hinanap yung message.

"TANGINA! Bakit kayo nag message dun at sa kay raming pwedeng ireply- sapnu puas pa talaga nireply niyo!? Ayos na yung h3ilL0e po0esZxc niyo kaso sapnu puas? KADIRIIIII!"

Nakakasura talaga to! Kahit idelete ko pa, nagsend na ito sa kanya!

Tinitigan ko yung tatlo na hanggang ngayon ay tuwang tuwa parin sa ginawa nilang kagaguhan at ako naman ay nabigla dahil nagvibrate sa kamay ko yung phone.

Shit, nagreply.

+639*********
anu ang sapnu puas?

"Ang gago niyo mandin!"

Pero bago pa ako makaganti sa kanila, nagring na ang bell at tapos na ang lunchbreak. "Hindi ko talaga ito sasagutin, kayo ang bahala dito." sabi ko sa kanila habang niligpit namin ang mga pinagkainan namin.

"Ano ka, chix? Nakita mo na nga kung anong pinaggagawa namin. Ikaw magrereply diyan, tutal iyo din yan." sagot naman ni Raine at tinapon naming apat yung mga basura at nilagay sa tamang lalagyan yung tray.

Umakbay sakin si Yuri at hinawakan kamay ko na hinayaan kong gawin niya. Ayan si Yuri para sa iyo eh. Kahit parang laging naiinis, malambing parin yan sa iba. Kumbaga, limitadong taong lang ang nakakakita ng side niya na sweet siya.

"Alam mo, baka siya ang makakatulong sayo na maka move on kay Renz. Tutal, that's what you want, right? And kahit ganon siya mag type, malay mo iba siya sa totoong buhay. Don't judge a book by it's cover nga diba?" advice niya sakin. Which may point siya, pero nakakadiri parin talaga!

Tapos what if prank prank lang ito? Na may nangtritrip lang? At nafall ako?

Edi nagmukha akong tanga, diba? Siyempre di ako payag dun.

Nanahimik nalang ako hanggat sa nagkahiwahiwalay kami papunta sa sari-sarili naming klase.

~

Nakatigil ako sa harap ng gym habang pinapanood ang lahat na nagkakagulohan. Mga taong labas-pasok.

Required daw sa bawat estudyante na mag join ng club ng at least isa. Napakaraming pwedeng pagpilian ngunit nandito ako, nakatigil kasi walang mapagpilian.

Merong Cooking Club, Tech Club, Dance Club, Glee Club, Theatre Club at iba't iba pa.

Masmadali sana kung kasama ko sina Sam ngayon, kaso iba iba ang aming free period. Nakapili ako dati actually; Dance Club, kaso hindi ko din nagustohan at sapilitan lang. Ayoko na ulit sumali kasi sobrang hirap ng steps, matigas katawan ko at hindi ako payat or maganda ang katawan in general.

Pero balang araw, papayat din ako!

Pumasok na ako sa loob, baka sakaling may makakuha ng aking interest. At yoon ay ang Glee Club. Banner palang nila, nakaka akit na actually.

"Ate, sumali na kayo sa Glee Club, bilis! Ay jusko po- edi wag! SNOB! Di naman maganda mukha!" sabi ng isang matangkad na lalaki na hawak hawak yung mic.

Then nakita niya ako, "ikaw ate! Nako, maganda siguro boses mo! Sumali ka na sa Glee Club, bilis! Kahit mali ang hula ko, okay lang yan kasi puro training sessions lang kami until required na mag perform!" inabotan naman niya ako ng sign up paper at ballpen.

Oh my gosh! Lord, ito na ba yung sagot sa mga tanong ko? Napaka bait mo talaga, sa unang subok pa!

Kinuha ko naman papel at ballpen at sinulat ang mga information ko habang tuwang tuwa naman si kuya at nagpasalamat sakin. "Ayan, very good! For further questions, ito-" binigyan naman niya ako ng maliit na card.

Dexter Ozias O. Davila
"Ozi"
09*********

"Don't forget, meeting of all clubs mamayang 4pm! Doon tayo sa Library malapit sa pangalawang gate!"

The Truth Untold || bts [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon