twenty-three.

3 1 0
                                    

R. A. IMPERIAL.

ㅡㅡㅡ

(PART 3)

"See, all this time we all get along so well. For two, three years we've been chasing each other around like Tom and Jerry, for what reason? Do any of you remember how the heck this started?" panimula ni Jax pagkatapos namin tumahimik sa kakatawa.

Wala ako masyadong kaalam alam sa kanilang history pero kung ano lamang ang nalaman ko, sapat na iyon para sumangayon ako sa kaniyang sinabi. I mean for what I have witnessed, pumunta talaga sa mga punto na sinasampal na nina Miracle ang isa sa mga lalaki okaya ipinagpapasa pasahan ang bag ng kanilang target. Paminsan sumasabay na rin ang murahan.

"If we could have been nicer to each other from the begining, marami na sigurong masasayang memory tayong naigawa."

"Oo pero tanda mo yung time na nilagyan mo ng maraming mentos ang coke ni Sam na sumabog sa kanyang uniform? Or yung time na inuwi mo notes ni Miracle para ipuno ng mga doodle dahil lamang sa aksidente niyang natapakan panyo mo? Oh! What about the time when you took all of Yuri's expensive art materials na ibinigay mo kay Axel dahil yon ang ginawa mong last minute birthday gift para sa kanya? Let's not forget the fact that umiyak din siya." hindi namin inaasahan na iexpose ni Jiro si Jax at naging unpleasant ang aming katahimikan.

Tumayo si Yuri at mukhang galit na galit habang naglalakad sa direksyon namin este sa direksyon papunta kay Jax na katabi ko. Napansin kong umiiyak na siya at nang itinaas niya ang kanyang kamay, humarang na ako sa pagitan nila para pigilan siya.

"That set of art materials were given to me by someone who's long gone. Kung yun ay binili ko gamit ang putanginang sarili kong pera o regalo ng aking mga magulang matatanggap ko pa kasi walang nakakapit doon na mahalagang impormasyon pero meron eh. Mabuti pa kung tanda ko pa yung taong nagbigay noon pero hindi. Kahit isang impormasyon ng taong iyon, wala akong kaalam alam. Just because we were goddamn rivals before doesn't mean you had the fucking rights to do something as horrible as that. You have no idea how much I treasured that gift because it meant a lot to me, you heartless hypocrite prick."

Bumitaw na ako sa kanya at pinanuod namin siyang umalis and left an unpleasing tension in the air.

Masyadong mabigat ang kanyang naiwan sa amin. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng kanyang mga salita kaya pati rin ako, nalungkot sa ginawa ni Jaxon.

Kasi kung iisipin mo, masasaktan ka rin talaga ng sobra kapag ang iyong prized posession ay kinuha sayo tapos malalaman mo na isang taong kasing yaman ni Jaxon, na kayang kaya naman iafford yoon at mas higit pa, ay kinuha lamang para lang gawing regalo ito sa kanyang kaibigan na kasing yaman niya.

Kupal, diba?

Umupo ako habang lumabas naman si Jiro. Paminsan napapaghalataan ko na din siyang may gusto kay Yuri eh. Pero di ka rin sure kasi sa pagkakaalam ko, nasakanya na talaga ang pagiging maharot.

Inilayo ko ang aking upuan kay Jaxon at humarap kay Declan na may drinadrawing sa tissue paper at may sinasabi ng pabulong. Familiar yung kanyang drinadrawing kaya napatanong ako, "ano yan?"

"Bilog na may bitwin sa loob."

"Kaya nga pero ano ang tawag diyan?" tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Ngiting hindi maganda sa pakiramdam.

"RAAAAIIIINNNNEEEE!"

Bago pa ako nakalingon, I felt long arms hug me tightly. Lumingon ako ng onti at ngumiti ng sobrang laki, "Hala, Oziiii!" tuwang tuwa kong sabi at tumayo para mayapos ko siya ng maayos.

Malapit kong pinsan si Ozi sa side ni mama. Siya ang nagsilbing kuya sa aking buhay kahit ako yung mas matanda ng mga ilang buwan. May mga kapatid naman ako kaso silang lahat ay nagtratrabaho na at bihirang bumibisita.

Siya kadalasan ang kasabay ko sa HUP kapag busy si Jaxon. Halos araw araw kaming nagkikita niyan kaya nakakapanibago noong dalawang araw siyang absent dahil sa kanyang lagnat.

"Mabuti naman at buhay ka pa. Wala akong makasama ng dalawang araw!" ramdam kong nakatingin sa amin si Jaxon pero binaliwala ko lang iyon. Mamaya ko nalang siya kakausapin tungkol sa kanina. Until then, bahala siya.

"Sus, masyado mo naman akong namiss. Basta next week sabay tayo ulit ha?" Tumango ako at umalis na siya, pero bago iyon niyapos muna niya ako ulit.

Lumipas ang mga oras at uwian na. Hindi ko parin kinakausap si Jaxon para matuto naman siya sa kanyang nagawa. As much as naeenjoy ko na nakikitang nakapout siya (kasi ang cute niya tignan hehe) wala akong ibang choice na sumabay sa kanya at hindi ko na talaga matiis kasi kurot din sa puso ko na nakikita ko siyang malungkot at hindi maingay like usual.

Nagexchange kami ng 'babye' at 'ingat' bago ako sumakay sa loob ng kanyang sasakyan. Pagka start ng engine, sumabay na rin ako "So bakit mo yun ginawa?" diretsuhan kong sinabi habang nakatitig sa kanya.

"Di ko alam." was all he replied at kumunot noo ko, "Hindi mo alam? Sarili mong kilos, di mo alam?" sagot ko at hinila ang aking seatbelt at gumaya naman siya.

"S-siguro dahil sa naging hobby ko na ang pang-aasar sa kanya. But the part where I gave it to Axel- yun ang hindi ko alam."

"Well sana ngayon alam mo na huwag ka basta-bastang gagawa ng isang kilos kasi hindi mo alam kung ano mangyayari pagkatapos! Alam mo, inis na inis ako sa iyo dahil doon sa ginawa mo."

"WHY ARE YOU SO AFFECTED BY THIS? IT WAS TWO YEARS AGO!"

Hindi ko namalayan na umaandar na pala ang sasakyan at kami'y wala na sa loob ng parking lot ng Queen Sea. Saka ko palang ito napansin noong naramdaman kong bumibilis ang takbo ng sasakyan sa highway. "ANO NAMAN KUNG DALWANG TAON NA!? Kapag umiyak ang isang tao, ibigsabihin sobra siyang naapektuhan. Kaibigan ko siya Jax kaya naaapektuhan rin ako." Ramdam ko ring bumibilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ko alam kung dahil kabado ako sa bilis ng kanyang pag takbo okaya nagagalit ako sa kanya.

Hindi siya sumagot pero patuloy paring pabilis ng pabilis ang kanyang pagmaneho at sa totoo lang, takot na takot na ako. "Alam kong hindi tayo magkasundo ngayon, pero Jax please, bagalan mo naman." nawala ang galit ko sa kanya ngunit pinaltan ito ng kaba at takot.

Sa sobrang takot ko, mahigpit na ang kapit ko sa ilalim ng upuan at nanlalamig ang aking buong katawan "Jax, bagalan mo naman, please parang awa mo na!" nginig na nginig na ako at hindi na ako makahinga. Pakiramdam kong umiikot na ang mundo.

Hindi ko namalayang bumabagal na siya bago tumigil sa tabing kalsada ngunit hindi dito nagtatapos ang pag nginig ng katawan ko.

Rinig kong nagunlock ang kanyang seatbelt at naramdaman kong niyapos niya ako, "Shhh, I'm sorry. I'm sorry. It's okay, you're safe. I'm sorry for speeding way too fast, it was just out of anger." bulong niya sakin habang hinahaplos ang aking likod and left a long peck on my forehead.

Wala akong naisabi sa kanya at hindi na rin siya nagsalita pa. Somehow the silence and being held in his arms was enough for me to calm down and feel safe.

Before pulling back, I lightly pecked on his neck at humiwalay na, "Hindi lang ako ang kailangan mong hingan ng tawad." sabi ko sa kanya, looking straight into his eyes.

"I know. I promise I will do it soon." sagot naman niya with a small smile and we're off the road again. But this time, one of his hands was wrapped around the steering wheel while the other held my hand tightly.

The Truth Untold || bts [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon