"I missed your voice." I mumbled, holding the phone close to my ear, waiting for a response from the other line.
"I missed yours too, kitten." sagot naman ni Jiro.
Semestral break na ngayon at namimiss ko na makasama si Jiro. I had the choice to hang out with him and the others, but I decided against it. Mas kailangan ako ng tatay ko.
A week or two ago, inilibing na si mama that was five days after she took her own life.
Mentally ill si mama noon. Pero kahit ganon siya, kahit gaano siya hirap sa kanyang sarili- she barely showed it to other people. Palaging nag bibiro, nilalambing ako at si papa okaya trinitreat ako sa labas pag natanggap na niya ang kanyang monthly na sweldo.
She only showed stress when it's something that involved her work, and maybe instead of thinking it as normal, dapat tinanong ko man lang kung okay siya. Kung may kailangan siya.
Pero saka ko pa lamang naisip noong wala na siya.
Dahil sa pagka matay ni mama, isinisi ni papa ang kanyang sarili. Sising sisi siya. Wala siyang ginawang iba kung hindi pag isipan ang kanyang sinasabing pagkukulang at pagkakamali.
Alam kong mas mabigat pa ang kanyang nararamdaman kumpara sa akin.
Hindi lumalabas si papa ng kwarto nila pag sinasabi ko. Hindi rin siya nagpapa pasok sa kwarto. Bihira lang niya tanggapin ang mga pagkain na inihanda at dinala sa kwarto niya. At kapag lumalabas siya, laging may bitbit na alak pagbalik at dinadala ito sa kwarto niya.
Pero hinding hindi ko siya titigilan, dahil ayokong maulit ang aking pagkukulang kay mama.
"How have you been feeling? Inaalagaan mo ba sarili mo? Si tito, kamusta na?" and that's one of the reasons why I love Jiro.
Maalahanin siya, and in fact, he has grown close to my parents. Lahat naman ng barkada, pero mas lumamang siya simula nung nanligaw siya.
He's a very flexible person, gets along very well with both mama and papa.
Mahilig siya sa mga gawaing bahay, kaya kalimitan kapag dumadalaw siya, siya ang naghuhugas ng pinggan para kay mama. O di kaya kasama niya mamalengke.
Since papa is known for his talents, coincidentally mahilig si Jiro sa basketball at marunong tumugtog ng various instruments, just like papa.
"Yuri, are you there?"
"Yuri?"
~
"Yuri, love, wake up!"
Rinig kong boses ni Jiro na niyuyugyog ako at umungol ako sa inis, "ano gaaaa." niyakap ko ng mahigpit ang unan na hawak ko at hindi sinubukang buksan man lang ang aking mga mata.
I hear a soft sigh not too far away at walang sumagot sa aking tanong.
My tone was enough to make him shut up which resulted for me to smile softly and cuddle close to the pillow. Well, yun ang inakala ko nang biglang hinila ako sa dalawa kong binti at tuluyang naka bend over na sa paanan ng kama.
HUDAS TALAGA ITONG JIRO NA TO!
"UMAGANG UMAGA GINIGISING MO AKONG PUTANGINA KA!" sigaw ko kay Jiro na ang sarap gawing basahan sa sahig ang kanyang pagmumukha dahil sa malaking ngiti niya. Ngiting hindi ko na makita mga mata niya dahil sa pagka singkit.
Ginulo niya buhok ko habang tumatawa which made me push him back. Hindi naman nakatulong ito dahil mas lalong lumakas ang pag tawa nito.
Ewan ko ba sa kanya at kung bakit tuwang tuwa siya tuwing nakikita niya akong nayayamot, since normally people would say na masyado akong mabunganga at sunod sunod sa pag sigaw ng mga masasamang salita.
BINABASA MO ANG
The Truth Untold || bts [DISCONTINUED]
Novela Juvenil"Happiness starts with one word, one joke, one text, one phone call, one song, one hug, one kiss, and it stops with one secret." ㅡㅡㅡ BANGPINK! (btsxblackpink)