Depresyon

65 7 0
                                    

"Depresyon"

Sa likod ng magagandang ngiti at nakakadalang tawa.
May tinatagong sakit na dala ng problema. Problemang ikaw lang ang nakakaalam. Problema mo yan kaya wala silang pakealam.

Pakiramdam mo ay isang basura. Walang pakinabang, walang kwenta at hindi na kailangan. Kalungkutan ay parang wala ng hangganan. Ang hirap umisip ng paraan kung paano matatakasan ang sakit na nararamdaman.

"Walang nagmamahal sayo."
"Di ka importante."
"Hindi ka namin kailangan."
"Wala kang kwenta"

Mga masasakit na salitang ibinubulong ng utak. Mga masasakit na salita na pati puso at buong pagkatao mo ay winawasak.

Mas pipiliin na lang manahimik sa isang sulok at sarilihin ang problema. Sapagkat natatakot mapagtawanan at masabihan ng madrama.

Wala ng maisip na paraan kung panu tatakasan ang lahat ng sakit. Maliban sa isang paraan. Yun ay ang wakasan ang sariling buhay. Hindi dahil sa ayaw na mabuhay. Kundi ang tanging nais lang ay ang makatakas sa magulong mundo na puno ng problema.

Kung sa tingin mo'y nag-iisa ka, dyan ka nagkakamali. Pwede kang lumapit at humingi ng tulong sa Diyos. Dadamayan ka nya sa lahat ng iyong problema. Hindi literal na sya mismo ang lalapit sayo ngunit padadalhan ka nya ng tao na masasandalan at maiiyakan mo.

Akala mo kasayahan na ang sunod pagkatapos kitilin ang sariling buhay?
Hindi. Dahil pagkatapos nyan, mas dobleng sakit pa ang iyong mararanasan sapagkat imbes na matapos ang lahat ng paghihirap, ikaw ay paparusahan ng sarili mong kasalanan dahil sinayang mo ang buhay na para sayo ay nakalaan.

Hindi dahilan ang problema para tapusin ang buhay. Ituring na biyaya ang problema dahil yan ang dahilan para mapatunayan kung gaano ka kalakas at paano pa mas magiging malakas. Wag mo sayangin ang siyam na buwan na paghihirap ng iyong ina hanggang sa ikaw ay kanyang isilang, para lang masilayan ang ganda ng mundo. Wag mo sayangin ang ilan pang mga taon na ikaw ay mabubuhay.

Isipin mo na lang yung mga pamilyang walang matirhan at walang makain. Yung mga taong halos ubusin ang kayaman para lamang mabuhay. Yung mga taong may mas malala pang sakit at ilang taon lumalaban sa sakit na cancer para lang mabuhay. Tapos ikaw na buhay na buhay, magpapakamatay? Aba! Mas nauna ka pang ilamay kesa sa kanila.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon