"Kape at Alarm"
Kape sa umaga, masarap na pampagising sa natutulog mong diwa.
Ang alarmang magpapamulat sa'yong mga mata.
Ang umaalingawngaw na tunog ng musikang bumabalot sa iyong tenga...Sana kaya ring gisingin ng kape ang natutulog mong moralidad,
Palawakin ang kapasidad ng iyong kaalaman.
Hindi sa bagay na pinag-aaralan sa paaralan,
Kundi tungkol sa mga bagay na nangyayari sa ating lipunan.Sana marunong kang maarlama kapag pinagmumukha ka nang tanga.
Kapag narinig na ang nakakabulahaw na tunog,
Huwag mong patayin upang ipagpatuloy lang ang pagtulog.
Bagkus, ikaw ay bumangon at kumilos saka aralin ang bawat anggolo ng publiko.