Sinagtala

13 1 0
                                    


Nais kong sabihin na ikaw ang nagsilbing Sinagtala,
Sa panahong binalot ng lungkot, poot at takot ang aking puso.

Walang kupas ang liwanag na taglay mo.
Dahil ito rin ang nagbigay liwanag sa isip at magulo kong mundo.

Ang munting sinag mo ang nagsilbing pag-asa para ipagpatuloy ang mga bagay na nasimulan na.

Ipinapaalala mo na kailanman ay huwag basta sumuko sa kahit na anong laban.

Dahil katulad nga ng mga bituin,
Kakayanin ko ring makipaglaban sa gitna ng dilim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon