Two Timer

32 6 0
                                    

"Two timer"

"Ikaw lang. Wala ng iba"
"Pangako ikaw lang habambuhay"
"Nag-iisa ka lang sa puso ko"
"Pangako hindi kita lolokohin"

Mga salitang binitawan mo, nung mga panahong ako lang ang laging kasama at kausap mo. Mula umaga pag-gising, hanggang sa pagtulog ng mahimbing, ako lang ang gusto mong makapiling.

Akala ko hindi moko lolokohin, akala ko ako lang iyong iibigin, akala ko ako lang ang iyong mamahalin, akala ko ako lang ang pakikiligin, akala ko ako lang ang pasasayahin, akala ko wala kang lihim. Pero nagkamali ako, dahil ang iyong mga mata ay sa iba na pala nakatingin.

"Nag-iisa ka lang sa puso ko"
Linyang hindi ko alam kung totoo.
Siguro noon totoo, nung mga panahong hindi kapa nagbabago at wala kang balak magloko.
Pero tama nga sila, lahat nagbabago.
Pati pagmamahal mo sakin ay naglaho na akala ko noon ay isa lamang biro, at hindi ko inaasahang magkakatotoo.

"Pangako ikaw lang habambuhay"
Ako lang habambuhay? Oo nga ako lang habambuhay. Ako lang mag-isa.
Dahil ang totoo, sya talaga at ikaw ang panghabambuhay. At ang puso ko, tuluyan mo nang ibinaon sa hukay nang malaman ko ang tunay mong pakay. Ginamit mo lang ako para kalimutan ang dating sumira ng iyong buhay. At sya ngayon ang iyong panghabambuhay.

Ang dati mong kasintahan ang sumira sa ating pagmamahalan at pinagsamahan.
Hinayaan mong mawala ang lahat ng ating pinaghirapan, dahil lang sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan.
Sa simpleng problema na ating pinagdadaanan, bakit sya pa ang naisip mong sandalan?...

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon