Marupok

20 3 0
                                    

"Marupok"

Marupok? Minsan kahoy... Madalas ikaw.

Sabi sa kantang 'Ang Huling El Bimbo', "tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay"

Tinuruan niya nga ba talaga ang puso mo na umibig ng tunay o baka tinuruan ka niya kung paano madaling bumigay?

Ilang beses ka na ba sa kaniya umiyak? Isa? Dalawa? Tatlo?.
Isang iyak pa, makakatikim kana sa'kin ng limang sapak.

Sabi nila kung mahal mo ang isang tao, kahit gaano pa 'yan kagago, maghihintay at maghihintay ka hanggang sa siya ay magbago.

Pero sa tingin ko, ikaw ang dapat na magbago.
Magbago ng karelasyon.

Hanggang kelan mo siya pagbibigyan?
Hanggang sa ikaw ay matauhan at mawala ang katangahan o hanggang sa mapagtanto mong may iba na siyang mahal?

Hindi ka kahoy para maging marupok.
Dahil sapat na ang pangalawang pagkakataon para sa tunay na pagmamahal na tumatagal ng mahabang panahon.

-

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon