Pagtatapos

33 5 0
                                    

"Pagtatapos"

Eto na ang araw at oras na pinakahihintay ng lahat.

Eto ako ngayon, nakaupo sa isang bench sa loob ng aming Eskwelahan.
Pinagmamasdan ang iilang Estudyante na nakasuot ng kanilang uniporme.
Masyado pang maaga para magsimula kung kaya't hindi pa kami ganun kadami.

May oras pa para alalahin at balikan ang lahat.
Kung saan nagsimula akong mangarap.
Bahagya akong napatungo at pumikit upag balikan ang lahat ng masasayang ala-ala at paghihirap.

Pagmulat ng aking mata, nasa harap ko ang isang Enrollment Form. Sinagutan ko na ito hanggang sa matapos pagkatapos ay ipinasa na sa Registrar Office.

Eto na pasukan na. Pagpasok ko sa aming silid aralan, nakita ko ang mga bagong mukha. Sila ang makakasama kong bumuo ng mga bagong ala-ala.
Ilang sandali pa, isa-isa na kaming nagpakilala. Handa na ang lahat para makilala ang isa't-isa.

Paglipas ng isa, dalawa, tatlo at higit pang linggo, hanggang sa umabot na ng buwan, marami nang nagbago. Hindi ako nabigo sapagkat aking napagtanto na lahat ay may mabuting puso. Lalo na aming guro.

Tawanan, asaran, pikunan, harutan, parinigan at iyakan ang aking nakita sa loob ng aming silid aralan.
Tahimik lang akong Estudyante kung kaya't kitang kita ko din ang mga nagpaplastikan.
At dito ko nalalaman kung sino ang dapat ko maging Kaibigan.

Lahat kami may kanya kanyang ugali. May hindi mapakali at parang kiti-kiti. Merong maingay na ang boses ay abot hanggang kabilang Barangay. Merong mainisin na konting kalbit lang ay galit na. Merong ginawa nang tulugan ang aming silid paaralan. Merong Fashionista na minsan masakit na din sa mata. Merong kain ng kain na akala mo'y unang beses makatikim ng pagkain. Merong pala-ayos. Merong maya't-maya na nagpulbo. Merong ginawa nang tambayan ang C.R. Merong kung tumawa daig pa ang nakadroga. Merong tuwing exam lang magpapakita. Hindi din mawawala ang magnanakaw. Magnanakaw ng ballpen. Minsan pati Attendance Notebook nanakawin. Hindi din mawawala yung palaaway. Lahat na inaway, daming kaaway.
Pero ang kaaway ng lahat, ay ang Guard na ayaw magpalabas. Dinaig pa ang Principal.

Pag may quiz naman, papel ng isa papel na din ng lahat. Yung tipong bigla-bigla ka magiging tropa ng lahat sa isang iglap kasi nga may papel. Masyadong mapapel!

"Tumahimik kayo"
"Lumabas ang maingay"
"Hindi ako magsisimula hanggat may maingay"
Mga linya ng aming guro na amin nang nakabisado. Kahit pa pataasin ang aming grado, hindi na ito magbabago sapagkat ang kaingayan ang isa sa nagbibigay sa amin ng kasiyahan. Salamat Guro sa lahat ng inyong itinuro kahit pa sobra naming gulo. (Sila lang pala. Hindi ako kasama😂✌)

Sa isang section, hindi mawawala ang tampuhan at siraan sa sa isa't-isa. Ngunit kahit gaano pa ito kalala, ito'y lumilipas din at magiging isa na lang ala-ala.

Lumipas ang na Sembreak, Christmas Party at New Year. Konting panahon na lang, babalik na ako sa realidad. Matatapos na ang lahat. Meron ng nagpapaalam, nagyayakapan,  minsan pa nauuwi na sa iyakan. Hindi maiwasan ang kalungkutan dahil sa katotohanang darating din ang oras na lahat tayo ay kailangan ng magpaalam.

Hawak na namin ang ballpen at test paper. Eto na ang huling pagsusulit. Eto na din ang huling pagkakataon na magkopyahan. Bulungan, senyasan, at bigayan ng sagot.
Natapos na ang exam.

Panahon na para magpractice ng Graduation. Masaya na malungkot. Masaya dahil makakagraduate na. Malungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na din.

Natapos na ang Practice. Naglalakad na ako palabas ng paaralan. Napapikit ako dahil sa pag-ihip ng hangin na tumama sa aking mukha. At pagmulat ng aking mga mata, eto na ulit ako. Nakatungo habang hawak ang cap ng toga at program. Nakabalik na ako sa realidad. Pag-angat ko ng aking ulo, madami nang Estudyante at magulang. Sobrang bilis ng oras, ilang minuto na agad ang lumipas. Kanina iilan pa lang kami, ngayon lampas na sa kalahati. Eto na ang hudyat, magSisimula na.

Nagsimula na ang Graduation. Oras na para umakyat sa entablado. Eto ang patunay na lahat kami ay pasado. At ang aming guro ang nagsilbing hurado para ang tagumpay ay makamit at ang aming sarili ay maging idolo para sa marami.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon