Kinadenang Kalayaan

42 0 0
                                    

Nang dahil sa maruming kaisipan,
Parang inaalisan at nawawalan na ng karapatan ang ilan.

Anong nangyari sa sinabi mong "Kung saan ka masaya, susuportahan kita"

Pero bakit ganito?
Kahit anong gawin ko,
Pangit lagi sa paningin mo!

Anong masama kung magsuot ako ng damit na gusto ko?
Anong masama kung pipiliin ko yung kasuotang komportable ako?

Sa palagay ko, wala namang masama.
Masyado ka lang talagang utak talangka!

Hindi ko na kasalanan kung ganyan ang pag-iisip mo.
Kasalanan mo na yun kung bibigyan mo ng kahulugan ang bawat kilos ko.
Nasaan ang respeto mo?

Ako yung biktima pero bakit parang ako yung kawawa.
Desente man o malaswa ang suot ng isang dalaga,
Kung manyak ka, manyak ka!

Ano kana,
Ayos lang ba sa'yo ang mabuhay sa ganitong klase ng lipunan?

Huwag mo akong sisihin nang dahil lang sa suot ko.
Dahil kahit sanggol at matandang may edad na,
Nabibiktima pa rin ng kahalayan.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon