Kabataan ang Pag-asa ng Bayan

37 5 0
                                    

"Kabataan pag-asa ng Bayan"

Kabataan ang pag-asa ng Bayan.
Ngunit ayaw pakinggan ng Bayan ang sigaw ng Kabataan.

Ako nga pala si Kabataan, ang anak ng Inang Bayan. Sa pagkakataong to, hinihiling kong pakinggan ang pangaral ng isang anak.

Inang Bayan, nais ko muna humingi ng tawad sa lahat ng aking kasalanan.
Siguro tama si Amang Kalikasan, paano ko nagagawang isipin ang inyong kapakanan kung sa simpleng pagtapon ng basura ay hindi ko alam...

Tama din ang aking guro na si Edukasyon.
Pag-aaral nga hindi ko magawang pahalagahan, kapakanan pa kaya ng Bayan.

Tama ka din Inang Bayan. Kaming mga Kabataan, wala ibang inatupag kundi ang teknolohiya.
Ngunit ang lahat ay may rason, at hiling ko na sa akin mo naman ibaling ngayon ang iyong atensyon...

Inang Bayan, hindi lang ikaw ang may problema. Ngunit nakakalungkot isipin sapagkat may mga pagkakataong kayo ang nagbibigay samin ng problema.

Mapang-lait na mga mata, mapanghusgang dila, mapagkumparang ina, mapagkunwaring kaibigan, mapang-asar na kaklase (bullying) at pagkawala ng respeto ng kalalakihan sa mga kababaihan...
Mga dahilan kung bakit wala akong ibang kaibigan maliban sa teknolohiya.

Ako si Kabataan, na minsan nang nabiktima ng Depresyon at ito ang dahilan kung bakit marami akong nakuhang leksyon na hindi napag-aaralan sa paaralan.

Ako si Kabataan, walang mataas na grado pero alam ko ang tama sa mali at peke sa hindi.
Lahat ng iyan ay alam ko kung kaya't wag baliwalain ang payo ng isang tulad ko...

Inang Bayan, nandito na tayo sa panahon na kung saan ang mundo ay moderno.
May libro na sa loob ng telepono, may guro na sa likod ng social media.

Hindi pa naipapalabas sa telebisyon ang mga balita, nakita na ito ng aming mga mata.
Nakalimutan mo na inang bayan, ikaw na ang nagpapaturo kung panu gamitin ang bagay na ganito.

Lahat kami ay may kanya kanyang talino, ngunit hindi lahat ay marunong sumunod sa utos. Tulad ng pagtapon ng basura sa tamang basurahan.

Pero para kay amang kalikasan, kaya ko gawin ang lahat para maitama ang maling nagawa. Wag lang pangunahan ng mga taong walang alam at tulad ng mga taong nasa Pamahalaan na hindi ko alam kung totoo nga bang nagsisilbi at may pakealam sa Bayan.

Ako si Kabataan, isang Pilipino na may angking Talino at may pambihirang talento.
Hindi lahat ng kagaya ko ay lulong sa bisyo dahil may mga katulad ko na handa pa rin maging modelo.

Ako si Kabataan at kaya kong patunayan na tama ang aking ipinaglalaban.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon