Barkada

13 5 0
                                    

"Barkada"

Pagkakaibigang nabuo bilang isang grupo.
Nasa kanila ang saya na hindi kayang itago.
"Pagsasamahang sana'y di na magbago"
Yan ang hiling ng aking puso.

Hindi lang barkada ang turingan kundi isa na ding pamilya.
Sapagkat may pagkakataong sa barkada lang nakikita ang tunay na ligaya.
Ligayang minsa'y hindi mo makita sa isang tunay na pamilya.

Maswerte ka kung marami kang kaibigan,
Kapag may problema, meron kang malalapitan.
Kapag may pinagdadaanan, meron kang masasandalan.
Pagkat handa ka nilang damayan sa tawanan man o iyakan.

Mga kaibigan ang laging kasama sa harutan, asaran, kasiyahan at sa lahat ng kalokohan.
Ngunit minsan ay hindi din nawawala ang pikunan at sumbatan. May mga pagkakataon din na muntik nang magkaiwanan.

Kahit pa gaano katatag ang ating samahan. May mga problema pa din na kailangan pagdaanan. Dahil dito natin malalaman kung gaano katibay ang ating pagkakaibigan at kung gaano kalalim ang nabuo nating pagmamahalan. At kung sino ang hindi nakalimot at tutupad sa pangakong "WALANG IWANAN"

Magkalayo man tayo ng landas.
Sana'y sa susunod nating pagkikita ay walang iiwas.
Hindi man natin hawak ang buhay ng isa't isa, tadhana na ang bahalang gumawa ng paraan upang tayo'y muling magkita.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon