"Barkada"
Ang pagkakaibigang nabuo bilang isang grupo.
Nasa kanila ang saya na hindi kayang itago.
"Pagsasamahang sana'y di na magbago"
'Yan ang nais ng aking puso.
Hindi lang barkada ang turingan kundi isa na ring pamilya.
Dahil may mga pagkakataong sa barkada lang nakikita ang tunay na saya.
Ang ligayang minsan hindi mo makita sa isang tunay na pamilya.Maswerte ka kung maron kang kaibigan.
Kapag may problema, meron kang malalapitan.
Kapag may pinagdadaanan, meron kang masasandalan.
Dahil handa ka nilang damayan sa tawanan man o iyakan.
Mga kaibigan ang kadalasang kasama sa harutan, asaran, kasiyahan at sa lahat ng kalokohan.(Basahin ulit pataas)