Kasarian

21 4 0
                                    

"Kasarian"

******
RESPETO! Sigaw ng puso.
Iba man ang kasarian, ako pa din ay tao.
Wala kayong karapatan na bastusin ako.
Sapagkat hindi ko din naman ito ginusto.

Lalake ako ngunit pusong babae,
Babae ako ngunit pusong lalake.
Hindi ko ipagkakaila ang tunay kong imahe.
Dahil ito ako, at aking ipinagmamalaki.

Nais ko lamang magpakatotoo,
Kahit pa ilang beses mabigo.
At kaya kong patunayan sa inyo
na kahit na ako'y ganito, meron pa ding pusong ginto.

Tao ako at hindi salot.
Hindi hahayang balutin ng takot.
Magpapakatapang para sa sarili at mga pangarap na nais maabot.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon