"Kaibigan"
Ang kaibigan
-Nandiyan ka lang
-Kapag may kailangan.
-Totoo yun dahil, kapag ako ay may problema,
-Ikaw ay nawawala, kapag iyon na ang naririnig ng tenga.
-Parang tila ayaw nang makinig sa mga negatibong salitang nanggagaling sa bibig ng iba.
-Sa mga kwento kong nakakasawa,
-Naiinis pa ang karamihan.
-Dahil para sa kanila ang mga kwento ko ay walang kasaysayan.
-Umaasa akong merong nandiyan na handa akong pakinggan.
-Gusto ko rin ng taong maaasahan,
-Dahil pakiramdam ko ay wala akong malapitan.(Basahin ulit pataas)
