Tamang Panahon

13 3 0
                                    

"Tamang Panahon"


Handang maghintay kahit pa habambuhay,
Hanggang sa dumating yung taong makapabibigay ng kulay sa aking buhay.

Marahil hindi man ngayon o bukas,
Pero alam kong merong nakalaan para sa akin na makakasama ko hangang wakas.
At kapag nangyari yun, ipaparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal na parang wala nang bukas.

Hindi lang pag-ibig ang hiling ko kundi pati mga pangarap na mula pagkabata ay bahagi na nang imahinasyon ko. Ang mga bagay na nais ng aking puso ay alam kong makakatamtan ko sa oras na handa na ako.

Hindi man ngayon pero alam kong sa tamang panahon. Sa tamang panahon mararating at makukuha ko rin ang mga pangarap na hindi ko dapat hayaang maging pangarap lang.
Aabutin ko ito nang walang pag-aalinlangan.

Sa tamang panahon kung saan limot ko na ang sakit na dala ng kahapon. Mga pagsubok na naging dahilan ng aking pagkalugmok. At naging inspirasyon naman para mas maging matatag sa mga darating pang pagsubok.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon