Kasalanan ko ba

20 4 0
                                    

"Kasalanan ko ba"

"Kasalanan ko ba?"

Kasalanan ko ba kung hindi ako naiitindihan ng lahat? Yung parang kahit gawin ko ang lahat, hindi pa rin sapat.

Kasalanan ko ba kung sarili ko lang ang nakakaintindi sakin? Wala silang pakealam sa lahat ng aking sasabihin.

Kasalanan ko ba kung iba ang kagustuhan ko sa kagustuhan ng iba? Mga pinaghirapan ko'y napupunta lang sa wala.

Wala silang pakialam kasi wala silang alam. At kahit naman ipaalam, wala pa rin silang pakialam.

Pero hindi ko na kasalanan kung hindi nyo ako gusto. Dahil ang tanging gusto ko lang ay konting respeto.

Mga Salitang Pinagtugma Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon