Chapter 12

13 1 0
                                    

I woke up early today. I feel so excited but why? Lalabas lang naman kami ni Sparsh. I wore my black crop top and shorts paired with white sneakers.

"Shanaya, kainin mo muna ang breakfast mo anak" Naynay told me.

"Opo Naynay" I answered. Biglang lumabas ang malawak na ngiti sa kanyang mukha. May mali ba sa sinabi ko?

"Hindi ka na nagagalit na tawagin kitang Shanaya, anak?" She asked ng nakangiti pa rin.

Tsaka ko lang narealize na tinawag niya pala akong Shanaya  kanina. Bakit hindi ko siya tinaasan ng boses? I know I'm thinking about Sparsh again.

"Ah, okay lang po Nay. Kain na ako" I exclaimed para wala ng follow up question.

Fr: Senior Sparsh
"Goodmorning Lady Shanaya! Keep safe papunta sa piling ko :) Joke. Kita na lang tayo sa park. I want to pick you up but I can't drive coz you're the one that drives me crazy, Joke again:)"

Umagang-umaga, napangiti na niya ako.
Binilisan ko na ang pagnguya ko ng pagkain para makapunta na doon.

At exactly 8:42, nakarating na ako sa park and there, I saw him playing with the kids.

Hindi ko na muna siya tinawag. I watched him playing with kids. He's so cute while laughing and very good looking while smiling.

Napansin na niya atang nakatayo lang ako doon kaya pumunta siya sa akin.

"You're here! Sorry, Just enjoying playing with those kiddos." nakangiti niyang sabi.

Pinagpapawisan na siya pero wala man lang siyang balak punasan ito. Linabas ko ang panyo at pinunasan ang mukha niya.

"Ako na" he said at kukunin na sa sana niya ang panyo pero inilayo ko.

"I'll do it Sparsh, I'll wipe your sweat, okay?" pagpupumilit ko naman kaya hindi na SIYA umangal.

I started wiping his sweat on his forehead. Down to his cheeks, his jaw and my hands dropped off at his neck. He's wearing a necklace with letter S at the center. I kinda like it.

"Kuya Singkit, siya ba ang girlfriend mo?" biglang singit na tanong ng isang batang lalake.

Hinintay kong sumagot si Sparsh. He's staring at me ng magbitaw siya ng salita.

"Hindi ko siya girlfriend, hindi pa kasi siya tapos magmahal sa iba eh" sagot niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi pa ba talaga ako tapos magmahal sa iba? I'm confused with my own feelings. Iwasan ko man, I know Sparsh have a place in my heart.

"Ay. Ibig sabihin nun, pwede kong ligawan si Ate Ganda paglaki ko?" nakangiting tanong ng bata.

Napangiti na lang din kami ni Sparsh sa tanong niya. Inaya namin ang bata na mag ice cream, saktong sakto sa init ng araw.

Umupo kami under a narra tree while licking our ice creams. Masaya akong nakakakita ng mga batang masayang naglalaro.

"Ate Ganda, bakit po ayaw mo kay Kuya? Ang gwapo gwapo naman niya tapos ang galing niya magbasketball. Idol ko nga siya eh" Bata stated.

"Hindi naman niya sinabing gusto niya ako. At siya, gwapo? Hindi no! Ayoko sa kagwapuhan niya." pagsisinungaling ko.

"Hay, Aya. Aminin mo man o hindi, gwapo ako. Gustong-gusto mo ngang tinititigan ako. Bata na rin ang nagsabi, tandaan mo, ang mga bata, hindi marunong magsinungaling" papuri niya sa sarili niya.

We took a picture together. 1,2,3,Click! Nakailang shots pa kami. Wacky, fierce, funny and actual pose.

I feel so alive being with him. Nawawala ang mga problema kahit sa kaunting panahon lang.

Sweetest Taste of LifeWhere stories live. Discover now