Batch 1: Love You Anymore

115 12 4
                                    

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••

Book Title: Love You Anymore
Author: Lucha_Mia
Critique made by: Adobong_Manok

Feedback:

∞ TITLE

Love You Anymore.

In my first impression, halata mo ng romance ang story dahil sa Love. Though, hindi ako masyadong na-hook dahil hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng title na Love you anymore. But it got me curious instead, ano nga ba ang ibig sabihin nito.

∞BOOK COVER

No’ng una ay silhouette ang gamit mo na book cover, though dramatic naman kasi ang vibes ng book cover na ‘yon. Compare mo sa book cover mo ngayon, na na- emphasize ang pagiging romantic-comedy.

The picture is nice…ang lande nila (Charr), pero ang cute kasi nakikita ko sa picture ang pagiging loving-loving ni Niall, at ang happiness vibes ni Clara. Simple lang siya at maganda. Alabit.  Pero suggest ko lang hehehe…maganda naman pero may suggest lang ako. Sa title na Love You Anymore, puwede kang gumamit ng dalawang font. Puwedeng handwritten script sa may Love You at sans serif naman sa may Anymore. And also pagpantayin mo silang dalawa, parang naka-justified. Gano’ng designs palagi kong nakikita sa mga book cover, eh. Pero suggest ko lang iyan, it’s still up to you.

∞BLURB

Babe you hurt me, dumped me, made me a fool. Bu I’m always weak when it comes to you…

Short, yet meaningful. But someone told me this, sa paggawa raw ng blurb kailangan ng mga sumusunod;

Situation – first, state the everyday situation of your protagonist.
Problem – second, give a hint of your protagonist’s problem.
Twist – third, state the twist in your story, but don’t reveal it. Just hint the reads. Make sure your readers won’t know that twist is.
Emphasizes mood of the story – lastly, write the ending sentence that will emphasize the mood of the story.

‘Yong sentence kahit ‘wag na siyang tanggalin kasi bagay naman siya diyan. Puwedeng mag-add ka lang ng onti pa sa blurb.

∞CHARACTERIZATION

Niall

He’s a perfect man outside, pero may napapansin din akong madaming pagkukulang niya. Siguro dahil manhid siya na hindi niya man lang nagagawang maramdaman na selos na selos na nga itong si Clara kay Margarette pero game pa rin itong si Niall sa pakikipagharutan kay Marga. Ang isa pang ayaw ko sa kanya ay halos umiikot lang ang mundo niya kay Clara, which is not good. Lahat ng ginagawa ni Niall ay nire-report agad kay Clara, masyado rin siyang mabilis sa pag-step up sa relationship nila. Nakakagawa si Niall ng pagkakamali, pero magso-sorry lang itong si Niall na halos labag pa sa loob niya dahil lang sa gusto niyang mahalikan si Clara (Chapter 9).  Pero kung mahal talaga nila ang isa’t isa, then why not.

Your characterization with Niall is a huge thumb up. Sa pagkakabuo mo sa kanya, it’s like you’re portraying the love life of many adolescents, ang ilang kabataan kasi ngayon ay masyado ng marupok at mapusok. Sa panahon ngayon, madaming hindi na tumutuloy ng college hindi dahil sa gusto na nilang magtrabaho, kundi dahil nabuntis ‘yong mga babae. So…for Niall, masyado siyang mabilis when it comes to his relationship with Clara, but it’s actually good. It up the stake fast, at ramdam ko ang tensyon dahil sa mga pagkukulang ni Niall at mga kagustuhan niya.

Clara

Clara is kind of possessive only when it comes Margarette. Sa personality niyang ito, hindi kaya magkaroon sa point kung saan papamiliin niya si Niall kung siya ba o si Margarette. With this kind of personality, it shows lack of trust na hindi maganda sa isang relationship.

Though, I like Clara. Funny siya.

In overall characterization mo sa kanilang dalawa. Masasabi kong napakaganda, ‘cause both of them are three dimensional. They have goals, wounds, and motivation in life. Buhay na buhay sila habang binabasa ko. Madami rin silang dalawa na pagkukulang and I can say na magiging maganda ang Character Development.

∞PLOT/SETTINGS

Plot

Tama lang ang pacing ng story. Maganda rin ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari…mild lang siya at hindi gano’n kabigat. Pero gano’n naman talaga kapag nasa una-unang chapter pa lang.

Sa may chapter 9, medyo na-confuse lang ako ng una sa may transitioning ng pangyayari do’n at saka kung ano ang pinag-awayan nilang dalawa. Pero kung hindi naman masyadong necessary talaga ang nangyari sa kanila then kahit ‘wag ng ilagay hehehe.

Sa may chapter 10, nakita ko na ro’n ang fear ni Niall na natatakot siyang iwan siya ni Clara. Which actually up the tension in the story.

Settings

Familiar naman ang mga lugar na pinupuntahan nilang dalawa. So, madali lang maka-relate.

NARRATION/DIALOGUES

Narration

Sa Narration ay halos pianikli lang siya. Pero okay lang naman iyon, dahil direct to the point at mabilis lang siyang i-process sa utak ko.

Sa pag-describe pa lang ni Clara sa mga nakikita niya ay nakakatuwa. Actually, madaming beses akong natawa dahil sa mga pinagsasabi niya. Like ‘yong mahabang kuko ni Margarette at kung paano siya nakakapaghugas HAHAHA. And then, madami pa siya nakakatuwang description sa mga nakikita niya.

Dialogues

Meaningful naman ang lahat ng Dialogue. At saka nakikita ko naman sa dialogue ang mga personality at estado nila sa buhay.

∞OPINION AS A READER

My opinion as a reader... naghahanap talaga ako ng something different sa story. Maliban sa mag-bestfriend, nagkagustuhan at magkakahiwalayan. Kumbaga, what makes your story different to others? Pero opinyon ko lang ‘yan. I just want a unique goal, happenings at kung anuman na maiiba sa story ng iba.

Overall, I like the story. Habang tumatagal gumaganda siya hihihi. Alabit. The besttt ka talaga atiii

Critique Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon