Batch 4: Like A Gentle Wind

55 6 0
                                    

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL


•••
Book Title: Like A Gentle Wind
Author: luxerzann
Critique made by: LovieOga

Feedback:

I. TITLE

I like the title. A lot. Unique siya para sa akin.

II. COVER

Bumagay ang ginamit na picture sa pamagat ng kuwento mo. Isang babaeng nasa field. As if she’s there feeling the warmth of the sun and the gentleness of the wind.

Iyon nga lang, hindi masyadong clear ang karamihan sa text dahil sa sun rays na nasa larawan. Mas maganda siguro kung gumamit ka ng ibang kulay to make it clearer for it to standout.

III. BLURB/PROLOGUE

Ayos na ayos para sa akin ang description na ginawa mo. Talaga namang bumagay rin siya sa pamagat.

May sentence lang na redundant.

Ang mga pangungusap na ito:

Solar Delaci was used having Khalil Ferlaci on her side -- always.

Nasanay siyang nandiyan palagi si Khalil para sa kanya.

See?

English ang isa samantalang Filipino ang ikalawa. Pero kung iisipin ay pareho lang naman sila. Ini-Tagalog mo lang ang nauna.  At sana English na lang lahat ang pagkakasulat dito para mas smooth basahin. Parang ano naman kasi kung isa o dalawang pangungusap lang ang Tagalog/Filipino.

Walang impact para sa akin ang umpisa. Sa katunayan, mas okay kung wala na ito para magkaroon ng dating iyong first chapter. Iyong hindi lang si Solar ang mapapaisip about Khalil. Makakapag-iwan ka ng mga tanong na paano, bakit, ano, sino, o saan sa isipan ng mga mambabasa. At dahil dito, may mas rason sila na ituloy ang pagbabasa.

Iyong inilagay mo naman sa umpisa, ay roon mo isingit sa part na kung saan napadpad si Solar sa bahay nila ni Khalil. Iyong bahagi na nakikita niya iyong garden nila. Dahan-dahang magpa-flash ang eksena noong mga bata pa sila. As if she’s there standing... watching the black and white video of that scene that happened when Solar and Khalil was still a kid.

Tapos malulungkot siya kasi bigla niyang maaalala iyong panahon na kung saan iyak siya nang iyak dahil ayaw na magising ng kanyang lolo. And then, mapapangiti siya kasi maaalala niya iyong eksena nila ni Khalil.

Kapag ganito kasi, mas may dating iyong scene na kung saan maaalaala niya ang binata. Hindi lang sinabi, naipakita rin, at higit sa lahat ay nandoon ang emosyon.
Nakuha mo ba ang ipinupunto ko?
Pero suhestiyon ko lang po ito ha.

IV. CHARACTERIZATION

Solar and Khalil seems real naman kaya ayos na. Iyon nga lang dahil POV ito ni Solar ay si Khalil lang ang medyo na-imagine ko.
Nagkakaroon na rin ako ng ideya kung ano sila the way they talk and act. Pero... hindi ako na-hook sa kanila. Something is missing o dahil lang siguro masyado pang maaga kasi ilang chapters pa lang naman. Pero iyon nga, sabi nila ang characterization is the crucial part. Ito o sila ang dahilan kung ipagpapatuloy ba ng reader/s ang pagbabasa.

Isama ko na rin si Eliff dahil karakter din naman ito.

Five years old pa ito pero sabi ni  Sol,  “She never run out of crushes.” Is this normal? Believable? I don’t know. Parang masyado naman yatang bata.

Sa word na crushes, ibig sabihin ay napakarami na ang naging  crush ng kanyang kapatid. And the way Solar narrate it, para bang napakanormal na sa kanya. Sanay na sanay na siya kumbaga.

Kahit naman sana dagdagan mo nang kaunti ang edad. Iyan baka mas kapani-paniwala pa.

V. PLOT AND SETTINGS

A. Plot
I only read five parts so I will not tackle about the plot since it is still in the stage of exposition or background information. Kaya ito na lang tatalakayin ko.
Sa stage na ito, masasabi kong naipakita naman nang tama. Marami-rami rin akong nalaman about the main characters, Solar and Khalil.

B. Setting
Sa Dingalan ang main setting sa kuwento. Hindi pa ako nakakapunta rito pero madalas ko itong makita sa mga social sites dahil sa mga tourist attractions na nasa  municipality na ito. Kaya kahit medyo nakulangan ako sa description mo sa lugar ay ayos lang kasi parang may alam na rin ako sa itsura. Pero sa tingin ko rin, may place na gawa-gawa mo lang. I’m not sure.

VI. NARRATION AND DIALOGUES

Sa uri ng narration ay gumamit ka ng first person. Masasabi ko namang maayos ang pagsasalaysay. Hindi awkward ang palitan ng English at Tagalog o Filipino.

Kaya rin namang bilangin ang mga napansin kong pagkakamali pero madali lang naman i-edit at makikita mo iyon kapag binasa mo ulit.
Kagaya sa mga ito:

A. Mga salitang dapat magkahiwalay ay ginawa mong isa or dapat two words pero pinagsama mo

✏pagpumasok -- 'pag pumasok or kapag pumasok
✏pag-umuulan -- 'pag umuulan or kapag umuulan
✏Atsaka -- at saka
✏kitang kita -- kitang-kita

B. Ng at nang

✏napatawa ng magtama -- nang magtama
✏huminga ako ng malalim -- nang malalim
✏nawaksi ang ngiti ko ng sumalubong -- nang sumalubong
✏mo nang puting sapatos -- ng puting sapatos

Medyo magulo lang format dahil may mga may indent mayroon din na wala. Hindi siya balanse kaya parang makalat.

Sa kabanata three, gumamit ka ng jump scene pero walang babala. Nakakagulat kaya. Nakakakunot ng noo.

Nag-uusap pa sila ng papa niya about her dream. Nagna-narrate siya about this and that, tapos biglang papasok sa eksena si Khalil.

Ito ang ibig kong sabihin...

I don’t really want to rush that dream. I know someday, I will reach it too.

For now, it will rest in the future.

“Sol!” tawag ni Khalil sa akin sabay kaway galing palayan.

Ngumiti ako at kumaway din(rin) pabalik.

Alas kwatro na ng hapon, kagigising ko lang pagkatapos kong matulog pagkauwi namin ni papa.

The first two paragraph ay ibang eksena. Ang ikatlo naman ay iba na pero parang diretso lang ang pagkakabasa kasi walang harang na nakalagay.

Kapag iba na ang eksena ay maglagay ka sana ng palatandaan. I don’t know paano mo iyan gagawin. Paiba-iba naman kasi tayo ng style na gusto.

I have nothing to say about the dialogues. Ayos naman sila.

VII. OPINION AS A READER

As a reader, kapag nakita ko ang gawa mo siguradong ia-add ko sa library dahil nga sa nagustuhan ko ang pamagat at siyempre basahin ang unang part. Pero... hanggang diyan lang. Masasama ito sa napakahabang listahan ng kuwento na nasa library ko na naumpisahan kong basahin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos basahin. Na kung saan babalikan na lang siguro kapag completed na.

Good luck and God bless.

Critique Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon