Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Mission: Taming the Vixen
Author: blitzkrieg_08
Critique made by: mr_cuddlesFeedback:
∞Title
Okay 'yung title kasi it's short and sa blurb pa lang and umpisa ng story, alam mo nang related 'yung title. Medyo common lang 'yung words na ginamit, like 'mission', 'taming' at 'vixen'. Actually, mas nagustuhan ko 'yung previous title na 'Taming Alexandria'. Parang mas memorable siya for me kasi may pangalan ng character mismo so pag narinig ko siya, alam ko agad na ito 'yung story ni Alex and Heinz. Kung marinig ko kasi 'yung 'Mission: Taming the Vixen', dahil nga marami nang story na may gano'ng words, baka ibang story ang maisip ko.
∞Book Cover
Hot pa rin naman si Kristen Stewart sa cover na 'to pero to be honest, mas gusto ko 'yung previous cover, sorry na. Mas maganda kasi 'yung typography no'n. Parang masyadong maraming iba't ibang font ang ginamit sa current cover.
∞Blurb
In your blurb, we get a glimpse of your characters. This is good kasi nakikita ng readers 'yung contrast sa dalawang main characters and kahit hindi na bago 'yung tandem na may isang mabait tapos may isang pasaway, you throw out questions na makakakuha ng interest ng readers.
∞Characterization
I think you did well in portraying your characters. Madali silang i-differentiate dahil may sari-sarili silang boses at nare-reflect sa mga POV at dialogue nila ang ang personality nila at so far, consistent naman. Maayos ding naiparating 'yung feelings ng characters, 'yung galit ni Alex sa dad niya, 'yung concern ng dad ni Alex sa anak niya at 'yung sobrang pangungulila ni Heinz kay Kylie.
Also, nakaka-curious 'yung relationship ni Alex and Mr. Saavedra. It seems like he cares about his daughter pero based sa mga nabasa ko, her anger towards her dad is valid, considering na 'di siya pinagtapos ng college and pinagpipilitan siya kay Cyrus. So kung paano na-justify ni Mr. Saavedra ang mga ginawa niyang iyon while saying that he cares for his daughter would be interesting.
∞Plot/Setting
'Yung concept na may papatinuing tao, hindi na bago pero I think, in most cases, lalaki 'yung kailangan i-tame so I appreciate na reversed ang roles sa kuwento mo. For me lang, parang hindi klaro 'yung mission. Paano ba masaabing successful ang 'taming'? Parang hindi nagsabi ng concrete na dapat mangyari para masabing matino na si Alexandria. Like, dapat ba tumigil na siya sa pagkakarera? Sumunod sa lahat ng sasabihin ng tatay niya? Mahalin niya nang tunay si Cyrus? Also, 'di ko sure kung appropriate sa trabaho ni Heinz 'yung mission. Tatanggapin ba talaga ng isang 'investigative and security group' ang gano'ng klaseng trabaho? Though, I understand na kakilala nga naman ni Mr. Saavedra ang may-ari ng agency so pwedeng exception ito. 'Yon lang naman ang concerns ko. Hanggang chapter five pa lang ang nabasa ko pero mukhang may direksyon naman ang kwento. Na-build talaga 'yung characters pero usually, sa loob ng limang chapter, nagkakilala na ang main pair. 'Di naman ako naiinip kasi naaaliw naman ako sa ibang side characters pero tumataas 'yung expectation ko sa unang pagkikita nina Heinz and Alexandria.
Maayos namang nailarawan ang setting ng scenes. May sapat na details and usually, pinapakita sa actions ng characters ang interaction nila with objects sa scene, hindi lang simpleng dine-describe kung anong may'ron sa setting. That's good.
∞Narration/Dialogues
So first person ang point of view. Minsan kay Alex, minsan kay Heinz, or at least, sa first five chapters, gano'n. While I really admire your grasp of the Filipino language, I think the narration is too formal. First person kasi so napapaisip ako kung gano'n ba talaga mag-isip sina Alexandria and Heinz. May ilang words na malalim or 'di usual na ginagamit sa conversation sa araw-araw na buhay sa kasalukuyang panahon. Tapos hindi rin masyadong consistent kasi may ibang parts na mas casual or Taglish ang narration and dialogues na ginagamit. Para bang mas natural at casual 'yung karamihan ng spoken dialogues pero 'yung mga nasa isip ng characters, masyadong formal. May times na ang bagal kong magbasa kasi ang formal ng narration and hindi ako gano'n magsalita or mag-construct ng sentences in Filipino. Pwede namang ako lang 'yung nag-iisip ng ganito, I can't really represent other readers. Maaaring mas kumportable silang magbasa ng formal Filipino.
Other things you can improve on: 'nang' vs 'ng'; may times na 'di kailangan ng gitling pero may gitling tapos may times na kailangan ng gitling pero walang gitling; may ilang lines na kulang ng kuwit; mga pang-angkop (Bakit "ako'ng", "ka'ng", "babae'ng" etc. ang pagkasulat? Hindi naman kailangan ng kudlit doon, wala naman kasing omitted letter or space doon); English grammar (ex. It should be 'finish line' not 'finished line'. It should be 'what happened to you' not 'what happen to you'. It should be 'Claim your prize' not 'Claim your price'.); may ilan ring typo errors. Sana madaanan mo po ang mga 'yan habang nagre-revise.
Anyway, naaliw ako sa pag-censor ng ibang terms. Ang dami kong tawa do'n sa "Mariang Palad" at "magic kapote". Sa tingin ko rin, nabalanse mo ang show and tell.
∞Opinion As A Reader
Hindi ako pro na critic kaya kung 'di ka po sang-ayon sa mga pinagsasabi ko sa taas, I understand. As a reader naman, trip ko 'yung mga babaeng characters na may pagkamaangas so swak do'n si Alexandria. May contrast din sa personalities nila ni Heinz so magiging exciting kung pano sila made-develop as a couple. Marami pang puwedeng maungkat na ikalalalim ng plot so 'di ako na-bore sa pagbabasa. May chance na ituloy kong basahin, naintriga naman kasi ako. Mas mataas na chance lang siguro kung mas natural ang narration or kung gumaling ako magbasa ng Filipino hehe. Anyway, good luck po sa story!
BINABASA MO ANG
Critique Book Club
Random✘ Exchanging Votes ✘ Exchanging Comments ✔ Exchanging Critiques ✔Task 4: Done ✔Form 5: Open --- Thank you @cutesasa for CBC's Book Cover. <3