Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Seraph’s Antecedent Dream
Author: hakzxx
Critique Made by: idanielrubio• Title:
The title is good, it’s a thumbs up for me. It’s catchy and makes its readers wonder what’s behind it.
• Book Cover:
I have no problem with the book cover. It’s simple, it’s beautiful.
• Blurb:
Para sa akin, sobrang effective ng way na ginamit mo sa description box. You’re trying to build this connection with your readers first before you gave other information, which was a good thing. Kasi sa simula pa lang, it’s an indication na you care for your readers’ expectations and reading experience. Nagustuhan ko rin kung paano ka nag-iwan ng wonder sa isip ng mambabasa kasi mas nagse-set siya ng thrill. But still, you have ways to improve it. In this case, you tend to ask too much questions which is not advisable because you’re opening too much gates instead of getting to the point.
For example:
(Note: I will enclose the words, phrases, or sentences that can be removed with parenthesis.)
Minsan ba ay napapatanong ka sa iyong sarili kung nanaginip ba ang mga anghel? (Napapa-isip ka ba? Kataka-taka di'ba? Ang istoryang ito ay magbubukas sa inyong isipan at puso.) Siya si Angela, isang anghel (sa kalangitan) na mapapadpad sa lupa. (Anong dahilan?) Upang ipaalam sa sanlibutang malapit na ang pagdating ng ating Panginoon. Ngunit habang ginagawa niya ang misyon niyang ito ay makikilala niya si Uno, isang gangster at ang taong hindi naniniwala sa Diyos. Mababago kaya ni Angela ang pananaw ng binata?
Sa kabilang banda,
(Note: Palitan mo ito ng, Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari o kahit ano pang parirala na may indikasyon ng kabaligtaran sa mga pangyayari.)Isang panaginip ang magpapabago sa kaniyang buhay. Unang beses niyang managinip simula nang umapak siya sa lupa. (Nagtataka ka na ba kung ano ito? Buksan mo ang pahina. Ihanda mo ang iyong sarili sa mga matutuklasan mo sa librong ito.)
Ito ‘yung rephrased version na ginawa ko:
Siya si Angela, isang anghel na napadpad sa lupa. May iisa siyang misyon, ang ipahayag sa sanlibutan ang nalalapit na pagbabalik ni Kristo. Sa pagsasagawa niya nito, napadpad siya sa Isla Puting Dagat, kung saan karamihan sa mga tao rito ay hindi naniniwala sa Diyos. Isa na roon si Uno, isang lider ng mga gangster sa lugar. Simula nang makilala niya ito, determinado siyang baguhin ang buhay ng binata, o siya ba ang tunay na babaguhin nito?
Sa patuloy na pag-lathala sa mga kabanata ng kaniyang kwento, may isang pangyayari ang tunay na magbabago sa takbo ng misyon ni Angela. Nanaginip ba ang mga anghel sa langit? Ito ang unang beses niya! Dahil sa kalalagayan nito, nabago ang kaniyang layunin.
Advise ko lang naman ‘to, it’s still up to you kung magsi-stick ka ba sa original description, gagamitin mo ba ‘tong ginawa ko, o pa-paraphrase mo ‘yung gawa mo.
• Characterization:
Hindi na ako gaanong magpo-focus sa Characterization since five chapters lang naman ang nabasa ko. I know na may development pa naman as the story goes on. Pero, I’ll tell you, I’m starting to like Kristen.
• Plot:
Nagustuhan ko ‘yung i-imply nang kwento na ‘to. Although hindi siya ‘yung masasabi nating “issue sa lipunan” dahil nirerespeto natin ‘yung belief ng ibang tao, still ‘yung kwentong ito, sampal siya roon sa mga taong sinisira lang ‘yung buhay nila. The plot is deep and I like how you turn reality into words.
• Narration/ Dialogues:
Wala naman akong maraming concern sa dialogue, ‘yung usage lang ng quotation marks and punctuations.
Note:
“You’re beautiful,” he said. (Correct)
“You’re beautiful.” He caressed my cheeks and kissed me. (Correct)
“You’re beautiful.” He said. (Wrong)
“You’re beautiful,” he caressed my cheeks and kissed me. (Wrong)Sa narration, medyo nakukulangan pa ako sa information. Kasi karamihan sa mga paragraphs and statements, bitin siya. Laging may question mark sa utak ko kung ano ba ‘yung gusto niya talagang iparating doon.
All in all, I liked how you used formal Tagalog words to express the unfamiliarity of Angela on Earth, good job.
• Opinion as a reader:
I enjoyed it. I’m a Christian so na-trip ko talagang basahin ‘to.
BINABASA MO ANG
Critique Book Club
Random✘ Exchanging Votes ✘ Exchanging Comments ✔ Exchanging Critiques ✔Task 4: Done ✔Form 5: Open --- Thank you @cutesasa for CBC's Book Cover. <3