Batch 1: Famous For Nothing

130 14 0
                                    

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••

Title: Famous for nothing
Author: guardianlovers
Critique made by: hakzxx

∞TITLE

Wala naman po akong problema sa title ng iyong nilikhang akda. Habang binabasa ko kasi ang iyong istorya ay konektado naman ito. Nakita ko ang ibig sabihin ng pamagat sa bawat salitang inilalabas sa bawat kabanata. Famous for nothing, simple lang siya pero catchy. Kung hindi ako nagkakamali, sa unang bahagi ay na-include mo ang pamagat mo roon.

BOOK COVER

Maisingit ko lang, isa po akong editor. Hindi man ganoong kagalingan sa paggawa ng book cover pero alam ko naman ang pagkakaiba ng pangit na pabalat sa hindi. Ang pabalat po ng iyong libro ay maganda naman. Unang-una, readable po ang fonts. Hindi siya masakit sa mata at tunay na kaakit-akit ito. Wala naman pong naging problema sa iyong bc. Simple lang siya na hindi naman dahilan upang mabawasan ang pagiging catchy nito. Kung hindi ako nagkakamali, Tumblr style ata siya.

∞BLURB/ PROLOGUE/ SIMULA

Unang-una, naging maganda ang daloy nito. Wala naman akong masasabi sa flow, kaso may napansin po akong mali sa paggamit ng bantas. Halimbawa na lamang sa paggamit ng gitling at sa paggamit ng tuldok at k'wit after dialogue.
Katulad na lamang po ng mga inuulit na salita. Palagi niyo pong nakakaligtaan na maglagay ng gitling sa pagitan niyon. Payo ko lang po, kahit hindi ako professional writer. Try mo pong magbasa tungkol sa paggamit ng mga bantas. Alam mo po kasi, isa po iyon sa bumubuhay sa ating likhang istorya.

∞CHARACTERIZATION

Hindi po balance, what I mean is hindi balance ang nilalabas na emosyon ng bawat tauhan. 'Yung feeling na andoon na, ayun na nakuha mo na pero biglang babagsak. Ganiyan po kasi ang aking naramdaman sa mga tauhan ng iyong likhang akda. Mukha nga pong sikat na writer kayo kaya nakakahiyang magbigay ng paghuhusga. Sana walang dumating na basher (singit lang).

Balik po tayo sa characterization, ahm. Pansin ko rin, ang bilis mo maglabas ng tauhan. Hindi mo pa masyadong kilala ito, may sisingit na namang isa pa. Mas better po siguro kung hinay-hinay lang. Magbigay ng kahit kakaunting paragraph para sa isang tauhan bago magpasok ng isa pa. Para maging balance po. Huwag niyo po akong aawayin. Pawang mula lamang sa aking kaalaman ang sinasabi ko rito.

∞PLOT

I can't say na unique or not 'yung plot habang hindi pa tapos ang istorya. Ang hirap po kasing manghusga. Baka mamaya sinabihan kong masyado ng cliche ang plot tapos sa bandang gitna pala ay may pasabog. 'Yung pakiramdam na ganon. Kaya ayoko po munang magbigay husga sa part na ito. Ako'y humihingi ng paumahin.

∞NARRATION/ DIALOGUES

May kaayusan ang narration, may mga kaunting sablay pero maiaayos naman iyon. Katulad nga po nang sinabi ko kanina, pag-aralan po ang tamang paggamit ng mga bantas dahil kapansin-pansin po talaga ito. Isa pa, pag-aralan din po ang tamang paggamit ng capitalization. Kung saan dapat magka-capitalized. Dialogue and Action tags din po. Hindi ko na po sasabihin dito kung saan ang mga mali. Nais ko po na kayo ang tumuklas niyon. Ayoko po kasing nag-eenumerate ng mali nang isang tao. Katulad nga po sa kasabihan, learn from your mistakes.

∞OPINION AS A READER

Maganda, maganda po ang iyong likha. Tapat po akong tao at hindi ko layong magsinungaling. Bilang reader, humahanga po ko sa iyo. Kaunting practice na lang po, naniniwala po akong malayo ang mararating mo. Kapag po sumikat na kayo, pa-fs po. Huwag niyo po akong kakalimutan.

Critique Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon