Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.
-JL
•••
Book Title: Marriage Contract
Author: AG-Queen
Critique Made by: idanielrubio• Title:
Para sa akin, napaka common na nung title na "Marriage Contract". I have encountered the said title many times. In line with that, hindi siya ganun ka-catchy kasi parang walang something special about doon. I suggest na sana 'yung title na ibibigay mo sa isang story ay may cliffhanger, mapapaisip sila kung bakit ganun? But in this case, sobrang open and madali siyang i-predict.
• Book Cover:
Maraming nagsasabi na "don't judge a book by its cover", pero I believe na isang factor ang cover to gain the interest of readers. Sa cover na mayroon ka, it's not that catchy tsaka overwhelming sa mata, plus 'yung combination pa nung cartoon tsaka real picture is not complementary. I suggest that if you are not that good at making book covers, you can find someone to do it for you. Marami rito sa Wattpad, search ka lang. I assure you kapag may magandang cover ang story mas mabilis siyang makaakit ng readers.
• Blurb:
Sobrang concise nung description na ibinigay doon sa simula, so I had the hard time to figure out what's the story about. Siguro try to add more details so 'yung mga first time readers mo ay magkaroon ng idea kung paano tatakbo ang story. Ngayon kasi, ang nakalagay lang sa synopsis ay kung ano ang taglay na katangian ng mga characters mo. Pero anong kwento nila? Anong magiging unique sa kwento nila? Dapat sa umpisa pa lang, kahit hint lang ibigay mo sa mga readers mo.
• Characterization:
I think as the story goes on magde-develop pa naman ang characters mo, and I am looking forward to it. Sa first four chapters na nabasa ko I liked how bubbly Nathan was. Siya 'yung bumuhay sa story. Nagbigay siya ng kwela and that made me laugh.
• Plot:
Shallow pa 'yung plot. Hindi ko pa makita 'yung direction ng story. Para sa akin, wala pang essence 'yung mga eksena kasi wala akong makitang conflict. Yes, may mga hindi na pagkakaintindihan sina Tin at Vin, pero hindi pa siya sapat to make the plot deep; nagbibigay ka na rin ng hint na sila 'yung balak i-arrange marriage ng parents nila, pero hindi pa siya sapat para i-pin point 'yung magiging takbo ng story.
• Narration/ Dialogues:
There are a lot to improve when it comes to narration. Marami akong nakitang unnecessary utterances like, HAHAHA, Charot, and more na sobrang nakaapekto sa flow ng pagbabasa. I suggest na tanggalin mo sila, instead palitan mo sila ng mga relevant information about sa characters. Also, I don't see enough emotions sa mga characters when you present them, tsaka lanta pa 'yung mga palitan eksena.
Try to read more books, 'wag 'yung mga nandito sa Wattpad (mostly ang mga stories kasi dito hindi ganun ka-polished ang construction, maraming grammatical errors, tsaka hindi ganun kaganda and quality), 'yung mga proofed-read na mga libro at observe their format when it comes to narration, quotation marks, and how do they start the punch in their stories. I promise marami kang matutunan and you'll probably enhance your writing skills.
• Opinion as a reader:
To be honest, I was bored when I was reading the story. Hindi sa maarte ako, pero kapag ako kasi nagbabasa, I'm not only looking sa laman ng kwento, pero sa kabuuan ng work, (covers, aesthetics, construction of sentences and paragraph, and relevance ng bawat information sa kabuuan ng kwento). So far, sobrang dami pa talagang dapat i-improve sa construction and the way you present the story. I'm not being perfectionist, but I hope you're open sa constructive criticism kasi doon ka matututo.
BINABASA MO ANG
Critique Book Club
Random✘ Exchanging Votes ✘ Exchanging Comments ✔ Exchanging Critiques ✔Task 4: Done ✔Form 5: Open --- Thank you @cutesasa for CBC's Book Cover. <3