Batch 2: Narito Ka

75 9 2
                                    

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••

Book Title: Narito Ka
Author: HeartsTouch
Critique made by:ParkDC

Feedback:

Disclaimer: Hindi po ako kritiko. First time ko po magbibigay ng critique so please bear with me T.T

∞Title:

At first aaminin ko hindi ako nadala sa title, noong nabasa ko parang wala lang ito sa'kin. Pero nang binasa ko ang dedication at prologue that's where my curiousity kicked in and kept my interest to read more. Hindi mo ako nakuha sa title, but with your writing skill you got me and good job with that :)

∞Book Cover:

Ang kailangan nito ay isang catchy na book cover, tipong lahat ay mapapalingon. Dahil may mga readers na tumitingin lang sa pabalat, na kapag hindi appealing sa kanilang mga mata ay babalewalain nila kahit na may potential pa ang author sa pagsusulat. Nakuha ko naman ang ipinaparating mo sa current bookcover mo. Iyong theme na dramatic, mabigat, malalim ang hugot, piece of life ika nga sa mga anime. Gusto ko rin 'yong may pa-chinese characters na tingin ko ito ang equivalent ng 'narito ka' sa chinese that gave the bookcover uniqueness. Ok naman ang bookcover para sakin kaso plain and again, hindi lahat ng readers ay gaya ko na masisiyahan sa isang simpleng bookcover gets po?

∞Blurb/Prologue:

Blurb ✒ Pinagtambal ng pangangailangan, nagkasama ang magkaibigang sina Martin at Jasmine sa ilalim ng iisang bubong. Ng mapagtantong pareho ang dagok na kanilang iniinda, madadama kaya ng mga ito na hindi pangtapal kung di panglaman ang kinakailangan ng isang taong heartbroken? Sa harap ng pagsubok, pinanghahawakan nilang pareho ang presensya ng bawat isa. Kung kaya't pirme nilang isinasapuso, 'Narito Ka'.

Ok sa blurb medyo nalito ako.

✒ Madadama kaya ng mga ito na hindi pangtapal kung di panglaman ang kinakailangan ng isang taong heartbroken?

Nawindang ako kasi iba ang pumasok sa isip ko. Tingin ko wrong choice of wordings tayo dito. Dahil base sa nabasa ko on the first five chapters of your book hindi naman ito erotic para gamitin ang salitang 'panglaman'.
Masyado kasing malalim at malawak ang salitang panglaman, ibayong lebel na iyon. Hindi angkop ang salitang ito sa tema na hatid ng iyong kwento. Kaya payo ko na basahin mo uli itong blurb at pumili ng mas akmang salita. Unless na lang kung may mangyayari talaga sa dalawa sa paraan na.. alam mo na haha.

Critique Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon