Batch 4: Fallen Too Far

37 5 0
                                    

Bago simulan ang pagbabasa, lawakan muna ang pag-iisip. Maaaring may mabasa kang hindi magugustuhan ng iyong mata't damdamin, sana ay huwag mo gaanong dibdibin. Ang lahat ng nakasulat ay batay lamang sa kaalaman at opinyon ng iyong kritiko, sana ay may matutunan ka mula rito.

-JL

•••

Book Title: Fallen Too Far
Author: inkyyypages
Critique made by: mr_cuddles

Feedback:

Title

The title is appropriate for the story. Hindi ko pa man nakikita 'yung part na tuluyang na-fall ang main character, 'yun na ang ine-expect ko based sa blurb at sa mga actions niya sa mga naunang parts ng story. It's also short which I think is good. Hindi lang siya masyadong catchy for me. I think, common na kasi 'yung salitang 'fallen' sa mga title.

Book Cover

I love the color of your book cover. Pleasing sa mata 'yung sky. Gusto ko rin 'yung font kasi bagay 'yun sa genre ng story mo. Parang masyado lang silang dikit-dikit. Pwede sigurong sa baba na lang yung 'too far'. Also, I think you should capitalize T and F ng 'too far'. 

Kapag tinitingnan ko sa mobile 'yung book cover, 'di masyadong nababasa 'yung text sa taas na may pangalan ng author, parang masyadong light, mas okay siguro kung kakapalan 'yung font. Pero lalo na 'yung quote sa baba, 'di ko napansin agad na may nakasulat pala doon. Mukhang okay lang na wala na lang 'yun. 

I can't directly relate the image on the book cover to your story's plot at the moment (maaaring dahil 5 parts pa lang ang nababasa ko), pero bagay naman 'yung mood ng image.

Blurb

I think the blurb is good. Maikli pero naipakita 'yung magiging conflict. Alam ng reader kung anong ie-expect. 

Prologue

To me, parang naging extension ng blurb ang prologue. Natuwa naman akong basahin ang part na 'yun. Hindi ako masyadong na-tease doon sa blurb eh pero no'ng binasa ko 'yung prologue, naging mas interesting 'yung story para sa 'kin. 'Di man ako nakaka-relate sa hinanakit ni Cali personally, naawa pa rin ako sa kanya after what she said about her sister and her suitors kaya by the end of the chapter, I was already rooting for her. 

I was kinda confused though, bakit may prologue then may simula? I was expecting na Kabanata 1 na after ng prologue. 'Di rin consistent 'yung chapter titles, English ang salitang 'Prologue' pero 'yung next chapters Filipino na, e.g. 'Simula', 'Kabanata 1', etc.

Characterization

Sa mga nabasa kong chapter, si Cali pa lang ang distinct na character. Siya lang kasi ang consistently lumabas sa lahat ng chapter. Sa pakakaintindi ko introvert siya and somehow, may insecurities pagdating sa kapatid niyang si Chloe and rightly so, lumipat ba naman lahat ng nagkakagusto sa kanya sa ate niya. Mukhang consistent naman ang mga actions niya, 'yung pagiging conservative and 'yung bookish/artistic/shy type na person. Consistent rin 'yung gwapong-gwapo siya kay Dominic, nakakatuwa. Maayos ding na-introduce ang ibang characters and they seem interesting. Ang mga nakakuha ng attention ko ay sina Chloe, Keith at Dominic so sila 'yung mga aabangan ko sa later chapters kung ipagpatuloy ko man ang pagbabasa.

Also, sino si Blaire? Dalawang beses siya na-mention pero walang background info tungkol sa kanya. Parang bigla lang sumulpot na character so I'm thinking na pangalan 'yun ni Chloe dati tapos pinalitan.

Plot/Setting

Hindi naman siguro gasgas pero hindi rin new 'yung plot na same ang lalaking type ng magkapatid. Medyo uso 'yan sa mga teleserye. With the way the story is going, mukhang marami namang possible na mangyari and kaya naman ni author gawing exciting kahit alam na ng reader ang conflict. 

Maganda 'yung pacing sa umpisa, hanggang first chapter pero nabagalan ako sa chapter 2 and 3. Wala kasi masyadong exciting na ganap, parang normal lang na nasa school with friends and project-making sa bahay ng tropa. But I was intrigued by the scene with Alex. I feel kinda bad for him. Feeling ko kasi 'di naman talaga 'hindi ready' si Cali, 'di niya lang talaga type si Alex. Grabe kasi siya kung ma-star struck kay Dominic pero ang okay kay Cali, ayaw niyang paasahin si Alex. Pakilala niya na lang kaya kay Chloe para di na siya magustuhan. 

Maayos din namang nasabi 'yung setting. Sapat na para sa 'kin 'yung description para ma-appreciate kung nasaan sila. Nailarawan 'yung bahay ni Denise pati 'yung location ng party kaya kapanipaniwalang mayaman si Denise and Dominic.

Narration/Dialogues

Akma 'yung ginamit na POV and smooth basahin kasi maayos 'yung transition ng English to Filipino and vice-versa, hindi tunog conyo. Minor errors lang naman ang nakita ko and kaunting instances lang so mukhang alam naman ng author 'yung tama, 'di lang na-proofread thoroughly. Ang mga napansin kong errors, mga maling spelling, errors sa grammar sa ilang English lines and errors sa punctuation. 

Marami palang errors sa paggamit ng tags. Dapat po, kapag dialogue tags, may comma (kung declarative sentence pero question mark or exclamation point kung interrogative or exclamatory) before closing quotation mark then small letter ang start ng tag. Kapag action tag naman, 'yung kung ano talaga ang appropriate punctuation (period, question mark, exclamation point) ang ilalagay before closing quotation mark tapos capital letter ang umpisa ng tag.

Okay naman para sa 'kin ang narration. Sa tingin ko, may sapat na show and tell and the dialogues seem natural. Natawa pa ako do'n sa iba, lalo na yung Calibugan, witty si Keith do'n.

Opinion As A Reader

Though five parts weren't enough for me to get hooked, Fallen Too Far was a decent read. 'Di kasi distracting 'yung errors and smooth lang basahin. Interesting enough rin 'yung plot and relatable naman si Cali. It seems like Dominic is interested in her too kaya sa tingin ko, maraming chance para sa mga nakakakilig na eksena. Kaabang-abang rin kung anong mangyayari sa relationship nila ni Chloe at kung magkakaroon ng love triangle. Hindi nga pala ako pro na critic so kung 'di ka po agree sa mga pinagsasabi ko, I understand. Good luck po sa story!


Critique Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon