THE FIRST REVEAL OF CLIMAX
--
-
*Lou's POV*
-
Bakit sa kabila ng katanyagang kinamit ng bawat isa samin tila bakit may kulang pa? Kulang na hindi ko makilala. Madami akong kaibigan, andyan ang Mondragon lalong lalo na ang taong pinakamamahal ko si Justine ngunit bakit tila nilalamon pa rin ako ng kalungkutan, nasa tabi ko pa rin ang kadiliman. Hindi ko mapagtanto kung ano at sino pa nga ba ang may dulot ng misteryong bumabalot saking pagkatao kung matagal ko naman na itong ibinaon sa limot.
-Pinanganak akong hindi nakaranas ng magarbong pamumuhay ngunit sa aking pagsusumikap at pagnanais na umahon sa hirap, nagtagumpay ako at narating ang propesyong aking pinaghirapan, isang Psychiatrist. Ako ang doktor na nilalapitan ng bawat taong nakararanas ng mga mental disorder.. isang psychiatrist. ngunit hindi ko mapagkakailang hindi ko gusto ang pinasok kung ito pero may parte sakin na nagtutulak na mahalin kung ano man ang narating ko ngayon at ang dahilan ng nangyayari sa aking kasalukuyan ay bunga ng nangyari sampung tao na ang nakalipas.
--
"Yesss sa wakas! Uwian na makakapagRH na ko neto kasama ang barkada"
wika ni Von habang nagliligpit ng kanyang gamit.
"Ano ba? Umuwi na kayo at maglilinis na ng room yung cleaners! Maglinis nang mabuti para naman di na nagagalit satin si Ma'am Moral." wika ni Sophia upang pauwiin na ang aming mga kaklase.
"Ano ba naman Lou! Bilisan mo naman dyan at baka magsimula na yung volleyball game nila Ejay diba susuportahan natin mga bebe natin. Rawr!" Dagdag pa ni Resty
"Oo na! Taenang to syempre andun si Justine sayang naman yung binigay ko na gatorade kung di ko mapapanood maglaro." sabi ko habang nilolock na ang pinto nang makatapos malinis ang room ng Dragonfruit.
--Habang pababa kami ng hagdanan ni Resty ay may nakalimutan akong kunin sa room kaya naman ay bumalik ako.
-
"Teka lang pala may nakalimutan ako sa room mauna ka na sa baba susunod na lang ako" usad ko
"Bahala ka andun si Chenelyn" pananakot ni Resty. Habang papunta ng room ngunit sa aking pagpanik nagulat ako kung bakit may tao pa dahil sa aking pagkakatanda ay kami na lang ni Resty ang naiwan. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa "sheettttt ang ganda" Maputi at makinis na kutis, may mapupulang labi, mapupungay na mata, mahabang buhok na hanggang beywang ngunit bakit parang may dala siyang ibang presensya. Ngumiti siya sakin ngunit halip na saya ang aking madama na ako'y ngitian ng isang mala anghel na dalaga ay mala demonyong pagtindig naman ng balahibo ang aking nadama. Nakakakilabot.
"Kumusta ka Lou?"
--
-
*Resty's POV*
-
Ang tagal-tagal naman ni Lou jusme nagsimula na ata yung game. Haynako talaga babae na yun kahit kailan napakabagal mapuntahan na nga't naiinip na ko dito. Sa pag-akyat ko ng hagdan bago pa man marating ang 4th floor nagulat ako dahil may nasilip akong dalawang babae kaya pala mabagal ang babaeng to may kausap, nakipagchikahan pa. "Hoy Lou! Tara naman na kanina pa kita hinihintay sa baba buong laman naman na ata ng room yung kinuha mo." "Ayan na pababa na ko" sagot niya sakin kaya naman hinintay ko na lang siya dito.
--*Lou's POV*
-"Inaaya ka na ng kasama mo sige mauna na ko" sinabi niya sakin at sabay ngiti pababa ng hagdan. Luh napadaldal pala ko dun kunin ko na nga yung nakalimutan kong portfolio sa room na kailangang ipass bukas. Nilock ko na ulit ang pinto at bumaba na, nakita ko si Resty na naghihintay sa 3rd floor.
"Tara na nga, iste" pag aaya kopa dito "Napakadiwara mo wala na nagsimula na yung game." Pag rereklamo pa ni Resty. "Oo na tara na nga. Wait nakita mo ba yung babae? Ayy di ko pala natanong yung pangalan niya." Pag pipigil ko dito
"Sinong babae ba? Yung kausap mo kanina?" Napatingin pa si Resty.
"Oo yun nga ang ganda noh?" Napangiti pa ako. Talaga naman kasi, sobra ang ganda nito.
"Huh? Hindi ko naman nakita yun. Hindi mo ba iniwanan sa taas?" Napa baling ang kaniyang tingin sa building
"Wala naunang bumaba yun jusmee ka! Sige manakot ka pa dyan!" Sigaw nito. Habang ako kalmado.
"Hindi nga promise wala ngang bumaba na babae!" Pangangatwiran ko habang napa-padyak nako.
"Ewan ko sayo sige bahala ka takot pa sige" nauna na syang mag lakad sa akin "Ehhh tara na nga umalis na tayo nang makapanood na tayo ng laro nila Ejay". Pag aaya nito sa akin. Haynako!
-
--
Someone's POVAng saya-saya ko dahil sa wakas nahanap ko na siya. Nahanap ko na ang taong matagal ko nang hinihintay, ang taong hinintay ko ng 3 taon. Sa wakas, ang kadilimang bumabalot sakin ay may magbibigay liwanag na. May makakaintindi at makakatuklas na ng misteryo ng nakaraan.
-
Kinabukasan sa aming pag pasok,
Nakita ko nanaman muli ito.. kaya lumapit na ako
"Ah miss ano nanga name mo?" Nak akma nakong lamigin
"Chenelyn" malamig niyang tugon sa akin
"Taga saan ka?" Sunod ko naman tanong habang naka ngiti pa sakaniya. Mag aakma na syang sumagot ng tawagin nanaman ako ni resty
"Oy lou!!" Sigaw niya sa akin. Bakas sa kaniya ang labis na pagka kilig. May kausap pa ako eh.
"Nakita ko si ejay!" Tili nito,
"Ano banaman resty may kausa--" hindi kona natapos ang aking sasabihin nang pag lingon ko wala na si chenelyn. Natulala ako habang nakaramdam ng kaba
"Haynako lou! Ayan na si sir jason tara na!" Pag hatak nito sa akin. Pero nandon parin kay Chenelyn ang atensyon ko sa kawalan.
--
Uwian na namin,
Nakita ko nanaman siya.
"Bakit ka umalis kanina?" Matamlay kong tanong sakaniya
"May sasabihin ako.." usad niya. Habang pinag titinginan na kami ng mga tao. Ang issue nila.
"Halika muna sa bench, dun tayo mag usap." Nauna na akong mag lakad.
-
Sa aming pagka-upo,
"Bakit nga?" Pagkukulit ko dito.
"Nakaka-miss ka talaga," pauna nya. Na-wirduhan na ako kaya naman bumaling ang mga mata ko sa kaniyang mga mata
"Ha? Nag kita naman tayo kanina diba?" Paliwanag kopa
"Ang unfair kasi ng mundo," dagdag niya. Ang lamig na niyang mag salita
"You are existing again when me, heto nag hahantay lang ng bubuo" sa kaniyang pag sasalita, bakit parang may alam siya tungkol sa akin na hindi ko alam? Siya naba ang sagot sa aking mga tanong?
--
"W-what do you mean?" Utal-utal kong tanong sakaniya. Malamang kinakabahan na ako.
"16 years ago, you died.. we died." Malumanay nyang banggit sa akin. Agad kong binuksan ang phone ko patago para i-text si resty.
*sunduin moko ngayon sa bench now!* text ko dito.
"What are you talking about?" Matapang kong tugon dito habang nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba. Kaninang brown niyang mga mata, napalitan na ng pure black. Kaninang maamo niyang mukha, napalitan na ng matamlay.
"The reincarnation what I wished for you, came.." sabi pa niya. Tinignan ko naman ang phone ko. Iste! Nasan kanaba!
"Oo lou, im your bestfriend that died with you in the same date." Ngumiti ito ng may halong pait.
"Look at your birth mark.. Yan ung bakas ng kutsilyo na ikinamatay mo noon." Paliwanag pa ni Chenelyn.
Biglang pumasok sa isip ko ang birth mark ko bandang pulso.
Agad na akong umalis palayo sakaniya, iniwan ko syang kinakabahan ako.
--
Nag hanap ako ng paranormal expert.. I want to know the answer
"Did reincarnation is true?" Pauna kong tanong sakaniya kasabay naman ang kamot ko sa ulo ko.
"Yes.. you can exist in another places and life." Sabi nito sa akin. Hinawakan niya ang aking wrist.
"Balat.. yan ang kinamatay mo. The birth mark" usad nito kaya naman nag taasan na ang mga balahibo ko.
Hinawakan niya ang ulo ko tapos..
"You died 16 years ago.. and you have a friend na naiwan sa past mo." Nanginginig nanaman ako sa takot
"You died kasi nag laslas ka." Mariin nitong sagot sa akin
"And your friend died kasi nangulila siya sayo pero.." hinawakan nito ang kamay ko.
"P-pero ano?" Those shaky hands
"She makes a wish, mabuhay kapa by reincarnation " Did the universe gaves her a chance para mabuhay ako?
Umalis na ako at umiyak.. hanggang sa..
--
--
"Hoy gumising kananga dyan!!!" Sigaw ni iste sa akin. Nakita ko ang puting kesame, peach color na pader.. at nakahiga ako sa kama ko.
"Gumayak kana male-late na tayo!" Hinatak nito ang kumot ko
"Saan? Ano ba meron?" Antok kong boses
"Ikakasal na si miah at dexel ano bayan! Abay kapa naman don ah." Paalala nito sa akin. Ano bayan lou! ulyanin na talaga ako.
Agad akong gumayak para sa kasal nilang dalawa.
"Sarap na sarap kapa sa panaginip mo ah! Hahaha" tawa pa ni resty.
"Ang dumi ng utak mo!" Kasabay ang pag pasok ko namann sa banyo.
Parang totoo talaga ang napanaginipan ko,
Oo nga pala.. Its the part of my past.
--
--
*Author's point of view *
-
Matutuloy kaya ang kasalan? Magiging masaya kaya sila? Bakit may bumabagabag pa sakanila?
-
YOU ARE READING
DRAGON FRUIT
RandomSometimes we met because of the memories, sometimes we had memories because we met, and sometimes we met because we are going to makes a happy memories.. and that is Dejavu.