KABANATA 1

47.9K 1K 22
                                    

KABANATA 1

5:00 AM ANG CALL time ng production nila Venice, kaya naman ay nagising siya ng tumawag si Gret sa kanya, her manager. Tumingin siya kay Damon na mahimbing na natutulog sa tabi niya.

Nakatulog pala sila sa office nito. Napangiti naman siya.

Hinaplos muna niya ang mukha nito at dahan-dahan na bumangon para hindi ito magising. Nahirapan pa siya dahil napakahigpit ng pagpulupot ni Damon sa baywang niya. Laging ganito ang eksena 'pag babangon siya at aalis sa bisig nito. Parang lagi siya nitong kinukulong.

Well, gusto naman niya ang pagka-possessive nito. Ibig lang sabihin ay talagang takot ito na mawala siya at alam niya na mahal siya nito.
Naalala niya tuloy kung paano sila nagkakilala.

     (Flashback)

THAT TIME AY depress na depress siya. Lagi kasi siya pinagpapalit ng boyfriend niya 'pag hindi niya pinagbibigyan ang mga ito. Syempre, hindi siya nag-boyfriend para lang sa pagbigyan ang init ng katawan ng mga manyak na 'yon. Kaya lutang na lutang siya habang patawid ng kalsada. Bumili lang siya ng kape dahil talagang napuyat siya kakaiyak sa ex boyfriend niya. Hindi niya makalimutan ang eksena na naabutan niya sa condo nito. Her boyfriend and a girl from a bar na napulot nito ay nagtatalik na akala niya ay mga aso. Diring-diri siya 'pag bumabalik sa isipan niya iyon.

Iniwanan niya ito at hindi na muli siyang nakipagkita. Over her dead body! Hindi na siya nakikipagbalikan pa 'pag niloko na siya.

Pagtawid niya ay saktong nasa gitna na siya ng may humaharurot na sasakyan palapit sa kanya.

Napaupo at napatakip siya ng mukha. Pumikit siya at nagdasal at tinawag niya talaga ang lahat ng santo para buhayin lang siya.

Mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya pa gustong mamatay, lalong-lalo na hindi pwedeng masira ang beauty niya. Tiyak na hanggang kamatayan ay magbabayad siya.

"Hey, Miss! Are you crazy?"

Napadilat siya ng marinig ang isang malamig at galit na boses. Tumayo siya at tinignan ito. A handsome man with a good looking business suit. 6'1 ang height-she think. His skin is pair like a snow. He's blonded hair and she could not help but look into his lips, pointed nose, and a dark blue eyes. Gusto niyang kiligin dahil ang gwapo ng kaharap, pero hindi niya pinakita at pinigilan niyang kiligin. Imbes, mataray niyang hinarap ito at humalukipkip siya.

"Hoy, Mister! Hindi porket ubod ka ng gwapo ay may karapatan kang sigawan ako! At anong sabi mo? Crazy? Me? Hahaha! Look at you, para kang nakalunok ng gluta. Ang puti-puti mo. Are you gay?" sunod-sunod niyang bulyaw rito.

Napalunok siya ng gumalaw ang panga nito tila galit. Tumalikod ito at pumasok sa mayabang na sasakyan nito. Inirapan na lang niya ito at tumawid na siya. Takot naman pala ito sa bunganga niya. Sorry na lang! Gano'n talaga siya.

"Argh! Sayang 'yun! Ang gwapo pa naman. Napasobra ata ang pagtataray ko." napasimangot siya habang parang loka-lokang lumilintaya sa panghihinayang habang patungo ng studio ng company na pinagtatrabahuan niya.

    (End Of Flashback)

Napailing siya dahil sa alaala kung paano sila unang nagkita. Dahil simula no'n ay niligawan na siya nito na hindi niya inaasahan. Tsaka na lang niya aalalanin ang iba.. Kailangan niyang magmadali, dahil kanina pa siya sinesermunan ni Greg. Lumabas na siya sa office ni Damon at nag-iwan siya ng note upang ipaalam na umalis na siya.

Nagagalit kasi ito 'pag nawala agad siya sa paningin nito ng walang paalam. Kaya hangga't maaari ay hindi niya dapat kalimutan na magpaalam.

May mga maagang pumasok na empleyado na nakakasalubong niya. Binabati siya ng mga ito kaya ngumiti siya bilang tugon. Pumara siya ng taxi at nagpahatid F&S company.

In Vega's Arms ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon