KABANATA 24
Napahinga ng malalim si Venice habang nakatayo sa harap ng F&S Company. Yes, she's back in the philippines. Wala nang rason pa para mag-stay siya sa france.. Dahil kahit ano mang layo niya ay tiyak na babalik rin siya sa bansang pinagmulan niya.
Pumasok siya at nakita niya ang pagbabago sa company ni Gret. Parang nag-improve ang mga facilities at marami na ring empleyado.
Nakashades siya habang suot ang maong short at daisy swing cami dress. At sa pang paa niya ay 'yung faux suede ankle boots. Napapatingin sa kanya ang mga tao sa loob ng company tila kinikilala siya.
Ngumiti siya at tinanggal ang shade na suot.
"Si Miss Venice!" tili ng mga nakakakilala sa kanya na mga empleyado. Nagsilapitan ang mga ito kaya huminto siya at ngumiti sa mga ito. "Venice, hindi ka namin nakilala. Ang laki na ng pinagbago mo." isang matagal na empleyado ng F&S.
"Hindi naman masyado. Siguro sa pananamit at buhok ko, pero ako parin naman ito." sabi niya rito.
"Akala namin kung sinong hot model ang pumasok. Grabe! Lahat ng costumer rito na lalake ay sumusunod ang tingin sa 'yo." sabi ni Aida na hindi mo aakalain na isang stylish ng F&S dahil may pagka-nerd at manang kung magsuot. Pero 'pag inayusan ka nito ay magbabago sa itsura mo.
Tumingin siya sa paligid at tama nga ito. Mga model at ilang costumer ang nakatingin sa kanya.
"Anong meron rito?" sabi ng isang pamilyar na tinig. Napalingon doon ang mga nakapalibot sa kanya at maging siya. Nakita niya si Gret na wala paring pinagbago at maaliwalas ang mukha nito na alam niya na wala itong iniindang problema na pinagpasalamat niya. Kahit naman na nasa malayo siya ay nakakapag-usap sila sa social media. Pero hindi parin siya sure kung may problema ito at baka hindi lang nito sinasabi. Pero ngayon ay nakita niya na maayos naman ito ay masaya na siya.
"Gret." wika niya na kinahawi ng mga nakapalibot sa kanya kaya nakita na siya ni Gret na nanlalaki ang mata sa gulat.
"Venice!" tiling sabi nito at agad na lumapit. "Nakakainis kang lukaret ka! Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka. Akala ko kung anong meron 'yun pala dumating ka." sabi nito kaya napangiti siya habang magkayakap sila. Kumulas sila ng yakap at naghawak ng kamay at nagtawanan. Namiss niya talaga ito. Lalo na 'yung kaartehan nito.
Nagtungo sila ng office nito upang magkwentuhan.
"No offense ha, Bes. Pero bakit biglaan ata ang uwi mo?" tanong nito mula sa pagkakamustahan nila.
"Wala naman. Parang gusto ko na rin kasing bumalik. Tsaka namiss kita." pagsisinungaling niya. Kinagat niya ang dila pagkasabi niya no'n.
Naningkit ang mata nito at sumandal sa upuan bago siya tinignan ng mapanghinala. "Kilala kita, Venice. Alam ko 'pag nagsisinungaling ka o may tinatago. Sige na, sabihin mo na." sabi niya. Napapisil-pisil siya sa daliri niya at hindi makatingin rito. Napapikit siya at napahinga ng malalim.
"Nagkita kami doon." sabi niya lang at alam niya na gets na nito.
"What? Really? So anong nangyari? Nag-usap ba kayo?" sunod-sunod nitong tanong. Napailing siya at tumayo. Lumapit siya sa glass wall at tumanaw sa tanawin.
"Walang nangyari. Oo, nag-usap kami pero about lang sa saglit na nakatrabaho ko siya pero hanggang doon lang." sabi niya. Bigla ay naalala niya 'yung gabi nang halikan siya nito. Hindi na niya ibig na ikwento pa iyon dahil gusto na rin niyang kalimutan.
"Kung gano'n siya pala ang dahilan kung bakit ka umuwi, 'di ba?" tanong nito. Hindi siya makaimik dahil tama ito. "Venice, alam ko na hanggang ngayon ay hindi mo parin siya naaalis sa puso mo. Pero siguro bilang payong kaibigan, 'wag ka na muling magpadala sa dikta ng puso mo. Dahil laging iyan ang nakakapanakit sa 'yo. Mas pairalin mo ang isip mo bago ang puso." payo nito.
BINABASA MO ANG
In Vega's Arms ✓
Художественная прозаDamon Vega is a businessman but also known as the possessive hot boyfriend of Venice Santillan.. Walang ibang nakakapagpahupa ng galit nito kundi si Venice lamang na isa namang model at the same time ay designer. Matagal na silang nagsasama ngunit n...