KABANATA 27
Kanina pa tinitigan ni Venice ang papel na inabot ng Mama ni Damon sa kanya. Nasa F&S Company siya dahil doon siya natulog. Wala pa siyang condo na nabibili na malapit. Ayaw naman niya sa mansyon ni Damon dahil tiyak na masasaktan lang siya. Naunawaan naman nito at nais sana nito na doon siya sa condo nito ang kaso ayaw niya dahil mas lalong nakakaawa siya kung si Damon na naman ang gagastos.
"Bes, may nakita na akong condo na malapit lang dito." pukaw sa kanya ni Gret. Nahihiya siya dito dahil puro sakit sa ulo nalang ang lagi niyang binibigay rito. 'Yung sasakyan nito ay binayaran niya ang kaso ay ayaw nito. Kasalanan naman daw nito kung bakit nasira. Hindi pa daw kasi na drive test iyon. Second hand iyon na kabibili palang mula ng gamitin niya. Nireklamo na iyon ni Gret at binalik ang bayad.
Tumayo siya at kinuha ang hand bag niya na gucci. "Mamaya ko nalang pupuntahan iyan, Gret. May pupuntahan lang ako saglit." sabi niya rito at bumeso.. Agad siyang lumabas para hindi na siya pigilan ni Gret.
Pumara siya ng taxi at sinabi sa driver ang pupuntahan niya. Napahinga siya ng malalim at napatingin sa bintana.. Kinakabahan siya na hindi niya malaman. Para bang may matutuklasan siyang hindi niya magugustuhan. Umiling-iling siya. Masyado lang siyang nag-iisip, kaya kung ano-ano nalang ang naiisip niya.
Halos sampung minuto siguro bago huminto ang taxi. Nagbayad siya at bumaba. Tumingin siya sa paligid ng isang memorial park. Yes, doon nakasaad ang address na nakasulat. Mula ng ibigay sa kanya ang sulat ay nagtataka na siya kung bakit doon?
Lumakad siya papasok. Malakas ang hangin, puno ng tuyot na dahon, tahimik na paligid ang sumalubong sa kanya. May nakita siyang lalake na nagwawalis. Kaya lumapit siya rito.
"Manong.." pukaw niya rito. Nag-angat ito ng tingin mula sa pagwawalis.
"Ano iyon, Ineng?" nasamid pa siya dahil sa tinawag nito. Mukha ba siyang ineng? Hindi nalang siya nag-react at nagtanong rito.
"May nakita po ba kayong babae rito?"
Napaisip ito saglit. "Meron. Kaso may kasamang isang lalake. Alam ko doon sila nagtungo sa dulo ng mga libingan." turo nito na papasok pa. Tumango siya at ngumiti.
"Salamat po. Pasensya na rin po sa istorbo."
"Walang anuman, ineng." tugon nito kaya lumakad na siya. Pumasok pa siya at nilibot ang tingin. Mga libingan pala ito ng mga na-cremate.
Dahil sa pagtingin-tingin niya sa mga litrato ng mga namatay ay hindi niya agad napansin na may masasalubong siya. Nagkabanggaan sila na kinaaray niya.
"Naku, pasensya na po." paumanhin niya agad.
"Venice.." ani ng isang babaeng boses na pamilyar sa kanya. Nag-angat siya ng tingin mula sa pagyuko. At bumungad sa kanya si Erika. Umuwang ang labi niya sa pagkabigla.
"Erika.." ani niya rin at hindi alam kung ano ba ang dapat sabihin.
"Hon, let's go." napatingin siya sa likod nito at nakita si Peter. Hindi pa siya nito napapansin. Humawak ito sa baywang ni Erika at tsaka tumingin sa kanya na may gulat sa mukha. "Venice?"
"Ako nga." nakangiti niyang sabi. Kahit na awkward sila ni Erika dahil hindi sila close.
"Kumusta ka na? At bakit ka nga pala napadpad dito? Bibisitahin mo din ba si Celine?" sa dami nitong tanong ay doon lang natuon ang atensyon niya sa huli nitong sinabi.
"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.
Nagkatinginan ang mga ito at huminga muna ng malalim si Peter bago magsalita. "Patay na si Celine, almost one year na rin."
BINABASA MO ANG
In Vega's Arms ✓
Художественная прозаDamon Vega is a businessman but also known as the possessive hot boyfriend of Venice Santillan.. Walang ibang nakakapagpahupa ng galit nito kundi si Venice lamang na isa namang model at the same time ay designer. Matagal na silang nagsasama ngunit n...