KABANATA 21

26.3K 602 38
                                    

KABANATA 21

Nakaupo lang si Damon sa katabing table nila Venice at Lei habang nagtitimpi na lapitan ang mga ito. Gusto niyang basagin ang mukha ni Lei dahil kung makahawak ito kay Venice ay akala mo ay pag mamay-ari nito ito.

"Sir, what do you need?" tanong ng waiter ng senyasan niya ito. May binulong siya rito na gagawin nito at nag-aalangan man ito pero nawala ang pag-aalangan nito ng abutan niya ng tip.

"Make it fast." utos niya.

Agad itong umalis at sinunod ang utos niya. Ngumisi siya at tumingin muli kela Venice. Oo, para siyang bata kung umasta ngayon.. Pero masyado kasing masakit sa mata ang nakikita niya.

"Ang lamig naman." ani ni Venice ng makaramdam ng panlalamig.. Bakit ba kasi naisipan niyang isuot ang dress na iyon, ayan tuloy, siya ang nagdusa.

"Isuot mo muna itong coat ko para hindi ka lamigin." sabi ni Lei sa kanya at akmang huhubarin na ni Lei ay bigla siyang napatayo ng tumapon sa kanya ang dala-dalang yelo ng waiter.

"What the hell!" bulalas ni Lei na inis na inis.

"I'm sorry. I'm sorry." paumanhin ng waiter.

Tumayo si Venice dahil mukhang papatulan ni Lei ang waiter kaya pinigil niya ito.

"It's okay. Next time watch your step." aniya sa waiter na panay ang yuko at hingi ng paumanhin. Nang umalis ito ay binalingan niya si Lei, "basang-basa ka na. May dala ka bang pamalit?"

"Yeah.. Shit. Bakit ba ang clumsy ng mga waiter dito." sabi nito.

Napahinga ng malalim si Venice, "Magpalit ka muna at baka lamigin ka."

"Okay. Wait me here." ani nito kaya tumango siya. Agad na umalis ito para magpalit kaya muli siyang naupo.

Nangingiti naman si Damon sa nasaksihan niya. Sumimsim siya ng alak habang nag-iisip ng paraan para makalapit kay Venice.

Kinuha niya ang phone niya at may dinial na kakilala na alam niya na pamilyar at nakakaalam sa mga tao sa cannes. Ngumisi siya at tumingin muli kela Venice.

Maya-maya pa ay bumalik na si Lei na nakapagpalit na ng damit. Inis na inis pa rin siya sa waiter pero nawala iyon ng makalapit siya kay Venice.

Naglahad siya ng kamay kay Venice ng tumugtog ang isang romantic song. Nagulat man sa pagsulpot ni Lei ay nakangiting naman na tinanggap iyon ni Venice at tumayo. Sumali sila sa ibang magkapareha na nagsasayaw din. In-enjoy nila ang tugtog hanggang sa matapos na ito. Akala ni Venice ay babalik na sila sa upuan nila kaya hahakbang na sana siya para bumalik sa table nila ng pigilan siya ni Lei.

"May I have your time please." ani nito kaya tumango siya. Ngumiti ito at bumaling sa paligid.

"Good Evening, everyone. Sorry if I take this moment. My friend is asking for this moment so he can propose to his first love." sabi ng host na nasa stage at tumingin sa gawi nila. "Lei." tawag nito kay Lei. Habang gulat naman na nagpatangay si Venice kay Lei ng akayin siya nito paakyat sa stage. Bigla siyang kinabahan dahil parang alam na niya ang mangyayari.

Kinuha ni Lei ang Mic at humarap ito sa kanya.

"Victoria, gusto kong kunin ang pagkakataon na ito upang ipakita sa mga tao rito kung gaano kita kagusto at kamahal." panimula ni Lei at napatakip siya ng bibig at pilit niyang tinatayo si Lei dahil bigla itong lumuhod sa harap niya. May nilabas itong box at ang laman no'n ay isang kwintas na may nakaukit na 'my love'. "Victoria, pwede bang mahalin mo ako?" sabi nito. Napatingin lang siya rito dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa biglang pagtatapat nito ng pag-ibig. Kinabahan siya dahil ayaw niyang mapahiya si Lei sa mga tao. Oo, naging mabuti at alam niya na malaki din ang tulong na nagawa nito sa kanya. Pero tanging kaibigan lamang ang tingin niya rito at hindi na hihigit pa iyon.

In Vega's Arms ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon