KABANATA 3
MATAAS NA ANG araw ng makarating sila sa boracay na gustong puntahan ni Damon. Naka-ripped jeans siya habang si Damon ay naka-board short. Ang pang-itaas naman nila ay couple shirt na white na may nakalagay na 'He's Mine & She's mine'. Pinagawa nila 'yon ng mag-celebrate sila ng second anniversary.
Nakahawak sa baywang niya si Damon habang tinutungo nila ang reserved room na para sa kanila. Binubusog niya ang mga mata sa ganda ng dagat at maputing buhangin na kanilang tinatapakan. Marami rin mga turista na dumayo upang maranasan ang ganda ng boracay. Actually, first time niya makapunta sa boracay. Kung hindi dahil kay Damon ay baka hindi pa siya makakarating ng boracay.
"This way, Sir, Ma'am." turo ng isang empleyado ng boracay hotel. Ito ang sumalubong sa kanila pag-apak pa lang nila sa entrance. Dinala sila nito sa isang malaking room ng hotel. Nililibot nya ang mata sa buong kwarto habang si Damon ang nagpapasok ng maleta nilang dala.
Lumapit siya sa bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Napangiti sya dahil kitang-kita ang dagat sa pwesto ng kwarto nila.
Napaidtad siya ng yumakap sa kanya si Damon. Sumandal siya sa dibdib nito dahil matangkad ito at hanggang dibdib lang siya. Tumingin siyang muli sa tanawin."Do you like here?" tanong nito.
"Oo naman. Grabe, ang ganda pala talaga dito." natutuwa niyang tugon. Humalakhak naman ito kaya lalo siyang napangiti. Bumitaw siya rito na kinataka nito. "Tara! Gusto ko nang maligo." aya niya at hinawakan ang mahaba at malaking kamay nito.
"It's to early, babe. Dito na lang muna tayo." sabi nito
"Ano ka ba! Nagpunta pa tayo dito kung sa kwarto lang pala tayo. Tsaka maganda ngayon maligo, ayos lang ang init ng araw, kaya magpapalit na ako."
Agad siyang lumapit sa maleta niya para kunin ang bikini at top niya. Nang mahanap na niya ay 'yung maleta naman ni Damon ang binuksan niya. Kumuha siya ng sando at board short nito. Tumingin siya rito na naupo sa kama habang pinagmamasdan ang kinuha niya.
"Damon ko, suot muna ito dali." na-e-excite niyang sabi. Napapailing at napapangiti na kinuha nito ang pinasusuot niya. Tumayo na ito at nagtungo ng banyo, habang siya ay dali-dali ding nagpalit.
Pagkatapos nilang magbihis ay lumabas na sila. Nakaakbay sa kanya si Damon habang siya ay nakahawak sa baywang nito. Nakatsinelas sila kaya nararamdaman niya ang init ng buhangin sa paa niya.
Nahiga si Damon sa sun-lounger at tinaas ang isang braso nito, kaya nag-reflex ang muscle nito sa braso at kita din niya ang maputing kili-kili nito na may kaunting buhok.
"Babe, come here. Mamaya na tayo mag-swimming." sabi nito at tinaas ang shade nito para tignan siya.
"Sige, mahiga ka na lang d'yan. Dito lang ako." nasabi na lang niya, habang nakatayo na tinignan ang dagat. Sabi lang niya 'yon, pero hihintayin niya talaga na makatulog ito para makapag-swimming siya. Kahit kasi sinabi nito magsi-swimming sila ay hindi naman nangyayari. Ayaw pa nito na nagbibikini siya, kaya tuloy hindi niya na-e-enjoy ang beach.
Naupo siya sa gilid nito at napatingin siya sa isang lalake na nag-served ng fruit shake sa lamesa na nasa gilid niya. Nagpasalamat siya rito at kinuha ang in-order nila.
Habang humihigop ng shake ay panaka-naka siyang tumitingin kay Damon na bumibigat na ang paghinga. Alam niya inaantok pa ito, dahil hindi naman ito nakatulog masyado sa eroplano. Habang siya ay mahaba ang naging tulog niya.
Nang mapansin niya na tulog na tulog na ito ay agad niyang binaba ang shake. Dahan-dahan siyang tumayo at hinubad ang top niya, kaya white bikini na lang ang suot niya. Tinali niya ang buhok niya habang lumalakad siya patungo sa pangpang. Hinubad niya rin ang tsinelas at shade sa buhangin malapit lang sa hinihigaan ni Damon.
BINABASA MO ANG
In Vega's Arms ✓
Ficção GeralDamon Vega is a businessman but also known as the possessive hot boyfriend of Venice Santillan.. Walang ibang nakakapagpahupa ng galit nito kundi si Venice lamang na isa namang model at the same time ay designer. Matagal na silang nagsasama ngunit n...