KABANATA 10

32.3K 699 42
                                    

KABANATA 10

PAGKATAPOS NILANG MAG-BREAKFAST ay naisipan ni Venice na tawagan si Gret. Nag-ring ang cellphone nito kaya ibig sabihin ay nasa bansa na ito. Agad din naman nitong sinagot ang tawag niya.

"Oh, Venice. Mabuti at nakauwi ka na pala. Iniwan mo ako friend. Hinanap kita doon." pambungad ni Gret ng sagutin ang tawag niya.

"Pasensya na, Gret. Si Damon kasi, inuwi ako ng walang malay dito. Kaya nagulat ako na nakauwi na pala ako ng pilipinas." sagot niya.

"Bati na ba kayo ng nobyo mo? Akala ko ba galit ka sa kanya? May painom-inom ka pang nalalaman." tanong nito.

"Iyon nga, e. Gawa-gawa lang pala ni Celine 'yon. Nasa macau din pala si Damon at hindi lang nagpapakita sa atin."

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Ang dali mo kasing maniwala sa sabi-sabi." sermon nito na kinanguso niya.

"Oo na, alam ko naman iyon. Kaya nga next time hindi na ako maniniwala. Kapag mismong mga mata ko na ang nakakita tsaka lang ako maniniwala." sabi niya rito.

"O, siya, siya! Punta ka nga pala ngayon dito, dahil mayroon ka pang ishu-shoot na isang brand ng damit." sabi nito.

"Sige, maliligo lang ako at pupunta na ako d'yan." tugon niya at binaba na ang tawag.

Napatingin siya sa ibaba. Nasa veranda kasi siya kaya kitang-kita niya ang buong paligid ng mansyon. Nakita niya ang truck ng delivery ng wine. Nasabi na ba niya na maraming business si Damon. Wine company, toy store, high class jewelry company at ang alam niya malakas sa gobyerno at sa pulisya si Damon. At isa nga palang license Engineer si Damon, kaya siguro gano'n na lang ang lait sa kanya ng Mama ni Damon. Ano nga lang ba siya kumpara dito? Isang hamak na modelo na halos hindi man lang maabot kung anong mayroon ang nobyo niya.

Napahinga siya ng malalim dahil parang bumigat ang pakiramdam niya. Napatingin siya sa cellphone niya ng may mag-text. Akala niya si Gret kaya agad niyang binasa.

Kung gusto mong malaman ang pagkatao ni Damon, magkita tayo sa isang restaurant. Ite-text ko sa 'yo ang address..

Iyon ang pagkabasa niya sa text. Umiling-iling siya dahil talagang ang daming walang magawa sa buhay ngayon.

Ni-replyhan niya ito at sinabi na 'wag na itong magte-text pa dahil hindi sya nagpapadala sa mga ganoong trip.

Akala niya ay titigil na ito pero nag-text muli ito.

I'm his brother. The one you met in the bar.

Saglit siyang napaisip kung sino ba ang na-meet niya sa bar? Bigla ay naalala niya 'yung guy na nakasayaw niya. Kaya ba nasabi niya na para kahawig ni Damon 'yon dahil magkapatid nga ang mga ito?

Napaidtad siya ng may yumapos sa kanya mula sa likod.

"Sinong ka-text mo, babe?" bulong ni Damon sa tainga niya at binigyan siya ng patak-patak na halik. Nakikiliti naman siya dahil kumikiskis sa mukha niya ang balbas nito sa baba at panga.

"Si Gret. Sinabi na magpunta daw ako sa company dahil may photoshoot kami." tugon niya at napahawak sa kamay ni Damon na gumagapang mula sa baywang niya. "Wait! Ano ka ba! Mamaya may makakita pa sa atin." suway niya rito nang humawak na ito sa dibdib niya at pinisil.

"Edi sa loob tayo." pilyo sabi nito at humawak sa baywang niya para hatakin siya papasok sa kwarto.

"Tigilan mo ako, Damon. Hindi porket good ka na sa akin ay e-e-score ka na naman. Ayoko pang mabuntis." sabi niya rito.

In Vega's Arms ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon