KABANATA 23

26.6K 531 6
                                    

KABANATA 23

Suot ni Venice ang isang five botton Jeans at white fitted sando na may blazer na black. Nakalugay lang ang buhok niya. At powder and light pink lipstick lang ang pinahid niya sa labi niya. Habang bitbit ang blue print ng design niya about sa campaign ni Damon para sa clothing line business nito. Lumapit siya sa front desk clerk ng hotel na tinutuluyan ni Damon.

"Yes, Ma'am?"

"Miss, may I know the room number of Mr. Vega?" tanong niya rito.

"Who are you?"

"I'm Victoeia, his Designer."

"Okay, Ma'am. Wait for a second.." sabi nito at may tinignan sa computer nito. Tumingin muli ito sa kanya."Room 304, Ma'am."

"Okay. Thank you." sabi niya rito at umalis na. Lumakad siya sa elevator at sumakay. Inayos niya ang bangs niya habang naghihintay na bumukas ang pinto ng elevator.

At ilang saglit lang din ay nasa third floor na siya. Lumabas na siya at hinahanap ang 304 na room nito. "Gotcha." ani niya at lumapit na doon. Kumatok siya at tumayo ng maayos. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto. Nakita niya ang isang lalake. "Si Damon." sabi niya rito.

Niluwagan nito ang bukas ng pinto kaya pumasok na siya.

"Miss, maupo nalang po muna kayo sa sofa. Dahil may kakausapin pa si Sir na investor mula ibang bansa pa." sabi nito.

"Sige, salamat." tumango ito at sinenyasan siya na huwag maingay. Tahimik siyang naupo at tumingin sa paligid. Marami siyang nakitang mga naka-formal suit na lalake at dalawang babae. Mga may hawak na paper at ang ilan ay may sineset-up na mga mic at laptop sa isang lamesa na may swilver chair. Bale natatakpan ng pader ang part na iyon sa pwesto niya kaya sumilip pa siya. Nakita niya si Damon na naka-business attire na naupo sa harap ng laptop. May lumapit na babae at nilapag ang isang tasang kape at isang file ng papel.

"Hi, Mr. Rowan." ani ni Damon sa harap ng laptop. Kausap niya ang isang investor para sa gagawin niyang clothing line. "I send my file on your email account. That's my sample of my proposal to you." may accent na sabi niya rito.

"Yeah. I saw that. But if I invest to your business, how can I be sure I will earn double?" tanong nito.

"I have my charm, Mr. Rowan. Trust me. I'm true to my word." kumbinse niya rito. Napahinga ito ng malalim at sumandal sa inuupuan nito habang nakahawak sa baba tila nag-iisip.

"Tomorrow I will decide. I need to see the campaign design before I decide.." sabi nito.

"Alright, Mr. Rowan. See you later." tugon niya bago matigil ang pag-uusap nila. Napabuntong hininga siya at may tinawagan pang iba.

Habang si Venice ay kanina pa patingin-tingin sa wrist watch niya dahil hindi pa tapos si Damon sa mga kausap nito. Halos isang oras at magkakalahati na siyang naghihintay, pero hindi parin siya hinaharap nito. Tumayo siya ng makita ang babaeng empleyado nito.

"Miss, matagal pa ba?" hindi niya mapigilan na mapataas ang boses upang marinig nito.

"Huwag po kayong maingay. Importante kasi ang mga kausap ni Sir. Saglit nalang po." sabi nito. Iniisip niya na hindi ba siya importante kaya hindi siya agad nito hinaharap? Nag-iinit na ang ulo niya dahil talagang naiinis na siya.

Umalis ang babae kaya wala siyang nagawa kundi ang maupo muli at maghintay.

Napahinga naman ng malalim si Damon at tumayo na. Inalis niya ang coat at naiwan nalang ang polo na itim na tinupi niya. Tumingin siya sa pamisig niya na relo at nakita niya na lunch break na.

"Si Venice?" tanong niya kay Zaira na employee inya na kasamang dumating ng iba pang kasama nito. Hindi niya inasahan na narito din ang ilang Business partner niya na mag-iinvest sa gagawin niyang clothing line. Pinapunta niya agad ang mga employee niya na nakaassign sa project na iyon.

In Vega's Arms ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon