KABANATA 16

23.5K 575 9
                                    

KABANATA 16

Halos tatlong linggo ang ginugol nila para paghandaan ang kasal. Kinakabahan si Venice dahil ilang araw nalang ay ikakasal na sila.

"Hay, nakakapagod pala." sabi ni Venice kay Damon habang nakahiga siya sa kama habang ito ay hinihilot nito ang mga binti niya.

"Sabi ng Doctor ay kailangan mo iyon para hindi ka mahirapan manganak. Kaya tiis lang, Babe. Inaaral ko na rin ang tinuro ng masungit na Doctor na iyon. Kung hindi lang para sa inyo ni baby ay papatulan ko na iyon." natawa siya sa sinabi nito. Paano kasi, ang bilin ng doctora niya ay kailangan daw nilang malaman ang mga dapat gawin para 'pag nasa puntong sumabog ang panubigan niya ay alam ni Damon ang gagawin. Hinikayat din sila sa isang program ng hospital para sa mga buntis na kailangan ng tamang exercise. Sinusungitan kasi ng Doctor si Damon dahil mali-mali ang paghilot nito sa katawan niya. Alam niya na mababaw lang ang pasensya ni Damon at ayaw nito na inuutos-utusan ng iba at sinisigawan. Pero natutuwa siya dahil pinili nalang nitong makinig para sa kanila ni baby.

"Hayaan muna. Marami naman siyang naturo sa atin sa dapat nating gawin oras na manganak na ako. Tsaka feeling ko nga ay parang gumaan ang katawan ko ng magalaw-galaw ang mga muscle ko at buto." sabi niya rito. Nahiga na si Damon sa tabi niya at inakbayan siya habang nakasandal ang ulo nila sa headboard ng kama. Umayos siya ng higa at yumakap rito at pinatong ang ulo sa dibdib nito.

"Mabuti naman." sabi nito habang hinahaplos ang buhok nya.

"Sir! Ma'am!" tawag ng kasambahay nilang si Ruby mula sa labas ng pinto ng kwarto nila.

"Daddy, si Ruby." sabi ni Venice na umalis sa pagkakayakap kay Damon. Naupo naman si Damon at tumayo mula sa kama. Tinungo niya ang pinto at sumilip.

"Why?" tanong niya kay Ruby na kinakabahan.

"Eh Sir, may bisita po kayo sa baba." sabi nito.

"Sabihin mo na natutulog na kami at bumalik nalang bukas." utos niya rito.. Isasara na sana njya ang pinto ng pigilan siya nito. "Bakit na naman?" naiinis niyang tanong.

"Sir, kapag hindi niyo daw siya hinarap ay makikita niyo daw po ang mahiwaga niyang samurai." sabi nito na kinatigil niya.

"Fuck! Fuck! Sige, sabihin mo sandali lang." mura niya at sabi rito, kaya agad umalis ito tila natakot sa pagmumura niya. Sinara niya agad ang pinto at lumapit sa roba niya.

"Daddy, anong sabi ni Ruby?" tanong ni Venice kay Damon na parang namumutla. Nagsusuot ito ng roba dahil naka-boxer short lang ito at walang pang itaas kanina.

Bumangon siya at tinignan ito na hindi mapakali. Tumingin ito sa kanya at lumapit. "Babe, may bisita tayo. Halika at ipapakilala kita." sabi nito.

"Huh? Sino ang bisita?" nagtatanong niyang sabi at tumingin sa wall clock. "Alas nuebe na." sabi pa niya.

"Mamaya ko na sasabihin. Ayaw no'n ng pinaghihintay." sabi nito at inalalayan siyang tumayo. Kinuha niya ang roba niya at sinuot. Pagkatapos at sabay silang lumabas ng kwarto. "Dahan-dahan lang at baka madulas ka." paalalanan ni Damon habang nakahawak sa baywang at kamay niya habang pababa sila ng hagdan.

Nang makababa ay napahinga pa siya ng malalim dahil halata rin na nahihirapan siya lalo't lumalaki na ang tiyan niya. Paano pa kaya kung malaking-malaki na? Tiyak na hindi na niya kita ang mga paa niya.

Tinungo nila ang sala at may nakita silang nakatalikod sa kanila na maputing buhok na kulot ng isang babae habang may nakatayo sa tabi nito na isang babae na may bitbit na bag. Napatingin siya kay Damon na seryoso ang mukha habang nakatingin sa bisita.

Huminto sila at tumingin doon hanggang si Damon ang bumati sa bisita.

"Grand Ma, what are you doing here?"

In Vega's Arms ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon