KABANATA 19
Cannes, France
Nakalabas ang kamay ni Venice sa bintana upang damhin ng palad niya ang hangin. Napakaganda at masarap ang hangin habang bumibyahe sila ni Gwen patungo daw sa Victoria's Company. Ipakilala daw siya sa ibang model at mga designer. Nung una ay kinakabahan siya dahil baka iba ang isipin sa kanya ng mga model at designer. Pero sabi ni Gwen sa kanya ay mababait daw lahat ng tao doon kaya nakampante siya. Malamig ang klima ngayon sa France kaya pala pinagsuot siya ng jacket at scarf ni Gwen.
Maganda ang tanawin habang nakatingin siya sa Labas ng bintana. May isang Asul na asul na river habang may mga hotel at ilang bahay na parang mga vintage ang kulay at itsura ng mga building. Inaamin niya kahit saglit ay nakakawala ng lungkot at sakit na nadadarama niya nang makita ang tanawin. Parang napakapayapa ng lugar at nais nalang niyang tumanaw kesa mag-isip ng mag-isip.
"We're here." pukaw sa kanya ni Gwen. Kaya napalingon siya rito at bago tumingin sa harap.
Isang mataas na building ang nakita niya. Inalis niya ang seatbelt ng mapansin na kailangan niya ring bumaba. .
"Follow me. I'm so excited to introduce you to all my friends here." nakangiti nitong aya kaya ngumiti siya at tumango. Sumunod siya rito habang tumitingin sa paligid. Maraming bumabati kay Gwen at laging tinatawag rito ay Madam. Pinagtitinginan din skya ng mga tao nito tila nagugulat na kasama siya ng isang Gwen. Tila respetadong tao talaga si Gwen dito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya.
"Hi, Madam. Welcome back." ani ng isang babae na fashionista ang suot. Hindi mo aakalain na mga saleslady ang iba dahil ang gaganda ng suot.
"Thanks, Rica." nakangiting tugon ni Gwen bago pumalakpak. "Guys, Come here. I want your attention." pagtawag nito sa mga empleyado. May mga may hawak na papel na huminto. Meron din na nag-dedesign na binaba ang lapis. Meron din mga may hawak na medida habang sinusukat ang tamang sukat para sa damit na tumigil din. Hinawakan siya ni Gwen sa braso at inakay paharap sa mga ito. "She's our new model--Venice. She's my special friend and I want you guys treat her well." nakangiting wika ni Gwen at pagpapakilala sa kanya.
"Oh, she's gorgeous and so sexy. Perfect for my creation." natutuwang sabi nang tingin niya ay nasa mid thirty na babae. Blond ang hair na kulot at maputi. Siya 'yung may hawak na pencil at tingin niya ay isang designer.
"Your right, Sara. Konting diet lang at exercise pwede na siyang isabak sa susunod na Victoria Cat walk event natin." sabi ng isa na nagulat siya na marunong palang mag-tagalog.
"Marunong silang mag-tagalog dahil lahat sila ay half pinoy." bulong sa kanya ni Gwen nang mapansin siguro ang gulat niyang mukha.
"Madam, I think she need a make over. I want her to look like a hot chick. Medyo kailangan niya na magpakita ng alindog." sabi ng isang bading. Napangiti siya dahil bigla niyang naalala si Gret dito..
"If it's okay to her, why not?" sabi ni Gwen at tumingin sa kanya. "Are you agree with that, Venice?" tanong nito.
"Huh?" nagugulat niyang anas. Napatingin siya sa mga empleyado na nag-suggest ng iba't-ibang nais para lang sa kanya. Mga nakangiti ang mga ito at hinihintay ang reaksyon niya. "Sige." tugon niya. Nagpalakpakan ang iba at nagulat siya ng maglapitan ang mga ito.
"The make over start now!" natutuwang sigaw nung gay habang hatak-hatak na siya ng mga kasama nito. Tumingin siya kay Gwen na nakangiti at nag-thumbs up sa kanya.
Pagdating sa isang room ay pinaupo siya sa isang recliner habang puro salamin at make-up ang nakikita niya. Tumingin siya sa gay na nakahawak sa baba nito habang nakatingin sa salamin. Bale nasa likod niya ito habang tinitignan siya mula sa salamin. Nagulat siya ng bigla itong pumalakpak at napangiti.
BINABASA MO ANG
In Vega's Arms ✓
Fiksi UmumDamon Vega is a businessman but also known as the possessive hot boyfriend of Venice Santillan.. Walang ibang nakakapagpahupa ng galit nito kundi si Venice lamang na isa namang model at the same time ay designer. Matagal na silang nagsasama ngunit n...