KABANATA 15

23.3K 512 6
                                    

KABANATA 15

Dumilat si Venice at napatingin kay Damon na tulog pa habang todo pulupot ng braso sa baywang niya. Hindi niya ito nakausap ng umuwi ito dahil sabi nito ay matulog muna sila tsaka nalang ito magkwe-kwento 'pag nagising na sila. Tumingin siya sa wall clock and it's six fourteen in the morning na.

Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakapulupot ng braso nito para hindi ito magising. Nang maalis na niya ay bumangon na siya.

"Where are you going?" tanong nito na nagising pala. Hinatak muli siya nito pahiga at niyakap siya ng braso at binti nito.

"Pupunta lang ako sa banyo. Tapos bababa na para magpahanda ng breakfast." sabi niya rito. Hindi ito sumagot kundi nagsumiksik lang ito sa kanya at ang mukha nito sa leeg niya. "Hey, daddy. Pakawalan muna ako ng maka--"

"No. I never ever let you escape in my arms. You will stay with me forever." naguguluhan siya sa sinabi nito. Hindi pa siya tapos magsalita.

"Ano bang pinagsasabi mo, Daddy? Gutom na ako dahil hindi naman ako nakakain kagabi. Kaya sabi ko ay pakawalan mo ako ng makakain na tayo." sabi niya rito na kinahigpit ng yakap nito. Napahinga ito ng malalim kaya nakiliti siya dahil tumama ang hininga nito sa leeg niya.

Bumangon ito at tumingin sa kanya. "Sorry, Babe. Kasalanan ko kung bakit hindi ka nakakain. Dapat ay kumain ka na at hindi muna ako hinintay." puno ng guilt ang boses nito habang sinasabi iyon sa kanya. Umayos siya ng upo at hinawakan ang mukha nito.

"Hindi naman kasi ako makakain dahil nag-aalala ako na baka napano ka na. At hindi mo ako mapipigilan na hintayin ka dahil masyado ng gabi ay hindi ka pa umuuwi. Ano bang nangyari at natagalan kang umuwi?" sabi niya at tinanong na rin. Nag-iwas ito ng paningin sa kanya at umalis sa kama.

"Masyado lang ako nalasing kaya nagkatulog ako saglit bago umalis." sagot nito na kinatango niya.

"Ah, 'yun pala ang nangyari. Dapat pala daddy, sa susunod ay 'wag kang masyadong maraming iinumin. Baka 'pag umuwi ka ng lasing na lasing ay baka maaksidente ka pa. Mabuti at naisipan mong matulog muna bago umuwi. O kaya makitulog ka muna kay Peter kesa umuwi kang lasing."

"Kung maibabalik ko lang ang nangyari, mas gugustuhin ko pang umuwi ng lasing kesa manatili sa lintik na bar na 'yon." bulong nito na hindi niya narinig.

"Huh?" naguguluhan niyang bulalas.

"Nothing. I said let's go to the dinning area." sabi nito.

"Sige, mauna ka na at susunod ako. Magbabanyo lang ako." sabi niya rito at tumayo.

"Hindi, sabay na tayo baka madulas ka pa." sabi nito na kinangiti niya.

"Okay." nakangiti niyang sagot na kinangiti nito. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya patungo sa banyo.

Naligo siya at naligo muli si Damon para sabayan siya. Nasa bath tub sila habang kinukuskos nito ang likod niya ng scrub. Naramdaman niya na humahalik ito sa batok niya kaya pinalo niya ang binti nito.

"Daddy, isa!" banta nkya rito. Humalakhak ito at gumapang ang kamay nito sa baywang niya at niyakap siya.

"I love you, Babe." sabi nito na kinangiti niya. .

"Kanina mo pa sinasabi iyan. Bakit tila sobra ang pagka&sweet mo ngayon, ha?" aniya.

"Bakit? Dati naman na akong sweet pagdating sa 'yo." sabi nito.

"Oo nga, sweet ka nga. Pero iba ang pagkalambing mo ngayon. Kinakabahan tuloy ako na baka may ginawa kang kasalanan." wika niya. Natahimik ito kaya nilingon niya ito. "Bakit ka natahimik?" tanong niya.

In Vega's Arms ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon