Hindi ko mapagkakaila na sa bawat conversation namin ni An lalo akong nahuhulog. Ilang linggo nadin ang nagdaan. Malapit na umuwi si Yunna, ang totoong mag mamay ari sakanya. Hindi ko alam kung bakit ganito, hindi ako to. Nawawalan nako ng time sa mga gf's ko. Kailangan ko pigilin tong nararamdaman na to bago pa lumalim ang lahat.
" Hi Yunna, good morning ! :) " bati nito sakin. Kahit sa simpleng pagbati niya lang sakin hindi ko alam kung bakit nangingiti ako. Hindi kumpleto ung araw ko pag wala akong nababasang msg niya tuwing umaga.
" goodmorning too. Kain kana bfast " sagot ko dito sabay napabuntong ng hininga. Hayss!
" oo kumain na ako, ikaw kumain kana din diyan wag mo papabayaan angsarili mo. " hays ang sarap sa pakiramdam ng may taomg concern sayo kahit na sa paraang alam ko sa sarili kong hindi ako ung tinutukoy niya nag aassume nalng ako na ako talaga yun.
Naisip kong tawagan siya. Andun na din ung curiosity na marinig ko ang boses niya.
Ringggggggggggggggg... Ayan na nagriring na, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, dahil na din siguro sa excitement.
" H-helllooooo? " sagot nito sa phone. Napaka ganda ng boses, ung puso ko halos tumalon sa lakas ng kabog. Gustuhin ko mang magsalita kaso baka makilala niya ang boses ko.
" Hello Yunna? Andiyan kapaba? " pagtatanong nito sakin. Kung alam mo lang gustong gusto kita kausapin. Kaso andon ung takot ko, ung takot ko na mahulog lalo sayo. Yung takot kong malaman mo na hindi si yunna ang kausap mo.
Agad ko itong pinatay, ayaw na kasi tumigil ng puso ko kakatibok. Daig ko pa ang aatakihin ngayon sa sobrang kaba matapos marinig ang boses ng babaeng hindi ko kahit kailan pagiging pag aari.
" sorry nawalan ng signal. Anyway, ang ganda ng boses mo. Hindi ko alam nararamdaman ko kanina habang nagsasalita ka. Parang may paru paro sa tyan ko. " pag aamin ko dito. Hindi ko na natiis na magconfess sana umepektib kapag hindi lagot ako kay Yunna. Hahaha
" Nakooo kaw talaga, di ka manlang nagsalita dyan. Anong maganda, muka ngang makikipag away boses ko " sabi nito
" Hehehe dikaya, honestly Napapangiti ako dito, siguro kung lalake lang ako niligawan na kita. " walang pag iisip na sagot ko dito. Omyyyyyy! Patayyy! Bigla akong napakamot sa ulo, bakit ba sinabi ko yon? Nasisiraan na ata ako ng ulo. Lagot ako pag nangbasted to.
" Ikaw talaga. Hahaha, sige na at magluluto lamg ako for the breakfast. Kain kana diyan. Tuloy pasok na din ako, text nalang kita pag tapos ko. " bigla akong nabunutan ng tinik sa nabasa ko. Hays! Akala ko talaga mababasted na ako, patay ako kay Yunna pag nasira ang plano.
" sige magreready na din ako. Take care always okay? " sagot ko dito. Di ko nanaman namalayan ang oras, sana wag ns matapos to. Ang iniisip ko ngayon yung malapit na pag dating ni Yunna. Matatapos na ang panandaliang kaligayahan ko na to.
Di ko na hinintay ung reoly niya agad nako naligo para magready at pumasok sa school.
--
" Sweetie i miss you, date naman tayo now im available? " biglang bungad ni Abbi sa phone pagka sagot ko ng tawag niya.
" Uhmmm ill try, may practice kasi kami ngayon. " sagot ko dito. Simula ng nakakausap ko si An bigla nalang ako nwalan ng gana sa mga gf's ko.
Pero bigla akong napaisip, dapat libangin ko ung sarili ko sa iba. Hindi ako dapat mahulog dito, siya amg dapat mahulog sakin.
" Pero sige, skip ko practice ko just for you sweetie. San tayo magkikita? " pahabol ko dito
" Dyan nalang tayo sa unit mo, i want to try something new. Ipagluto kita you want? " wowwwwww. Kailan pa to natuto mag luto. Hays! Kung gusto ko lang talaga maging committed talagang seseryosohin ko na tong si Abbi bukod sa napaka bait. Sobrang swerte ko at lagi siyang nasa tabi ko.
" Wowwww. Alright, wait nalang kita don, mga 6pm onwards? Sunduin kita? Or dalhin mo nalang car mo? " pagtatanong ko dito.
" Nope, dalhin ko nalang car ko sweetie. Ayoko kita madistorbo, and beside gusto ko bumawi sayo and pagsilbihan kita. " medyo natouch naman ako sa sinabi niya na medyo nakonsensiya. Hahaha hindi ko alam kung bakit, hays! Sana si An nalang tong kausap kong to. Pero hanggang Sana nalang ako. Kasi kahitbkailan di mangyayari lahat ng gusto kong mangyari.
" Okay sweetie. See you later take care " Sabay patay ko na din ng call niya sakin.
Medyo naexcite ako sa sinasabi ni Abbi na pagluluto sakin, ilang buwan na din kami magkakilala pero ngayon niya lang ako ipagluluto. Dahil na din siguro sa pagka busy nito kaya hindi niya nahaharap. Wlaa akong kaalam alam marunong pala siya, hehehe. Gaya kasi ng sabi ko bihira ako makatikim ng lutong bahay. Buong buhay ko ang una ko palang natitikman na luto ay yung kay impakta at mgayon naman ung kay Abbi.
..
Nakarating na ako ng condo unit ko, at hindi ko na hinintay sa Lobby si Abbi. Inabisuhan ko nalang siya sa room number ko kasi kailangan ko maglinis mg kaunti sa loob ng unit ko. Nakakahiya padin kasi ung maabutan niyang makalat ito. Syempre gusto ko na malinis niya madadatnan ung loob nito. Pero teka?! Ako paba to? Dati naman wala akong pakialam kung makalat ba ung nasa paligid ko o hindi. Kasi wala akong pakialam kung maturn off sakin ang isang tao at layuan ako. Kung umalis edi umalis wala nakong pakialam padon. Shit! This is sign of maturity naba? Well i hate this fvcking attitude anymore. This is not me! This is not Ara Santos. Ughhhhh! Wala nadin akong nagawa kundi tapusin nato tutal naumpisahan ko na din naman. Hays!
Tokkkk tokk tokkkkk.
siguro si Abbi na din ito. Kaya agad agad kong binuksan ang pinto. At hindi nga ako nagkamali. She wearing a ripped jeans and white sando. Napansin ko din na parang nagpahair extension ito na mas lalong nagpaganda siya. Very intemedating ang ganda ngayon ni Abbi, hindi katulad dati. Oo maganda na siya dati pero ibang iba ang kanyang awra ngayon. Para tuloy pumipintig ung ano ko hahahaha
" Do you like what you see Sweetie? Baka matunaw naman ako niyan, di mo ba ako papapasukin?" nakangising tanong nito sakin. Napansin siguro niya na kanina pa ako nakatitig sa kanya dahil sa naninibago ako sa itsura niya ngayon. Nakalimutan ko tuloy siya sa papasukin..
" a-aaahh hehehe. Come in Abbi. " pag aaya ko dito sa loob sabay beso sakanya. Nakakahiya tuloy! Ughhhh!
" Hows your day sweetie? I miss you so much. Ilang linggo din tayong hindi nagkita. " habang nagpapuppy eyes pa ito sakin. Hays! Isip bata talaga kahit kailan. Di mo maiisip na ang isang tulad na to ay may pagkaisip bata pala.
" oo nga eh busy ka naman lagi sa career mo " sagot ko dito
" Kaya nga eto ako ngayon sweetie babawi ako sayo. Magluluto ako ng special adobo para sayo, and here may dala akong beer and chips. I want to talk to you. " sagot nito ngayon ko lang nakita na may bitbit pala siyang mga plastic bags..
" Diyan kalang sweetie okay? Prepared ko lang ito. And after natin kumain may sasabihin akong importante sayo. "
" bat di pa ngayon sweetie? " pagtatanong ko dito.
" mamaya nalang sweetie, take a rest okay. Idlip ka muna diyan prepared ko lang to. " sagot nito sakin.
Wala na din akong nagawa kundi umidlip nalang muna habang hinihintay na maluto itong adobo.
--
To be continued.
Sorry guys medyo putol ang story. Iupdate ko ulit mamaya nalang ung kasunod nito. Loveyou guys! Thanks for reading. :)
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny ( GxG ) Completed
RomanceIsa si Ara Santos sa pinaka kilala na teenager sa bansa. Ngunit pano babaguhin ni Joan Escudero na isa lamang na normal na babae ang kanyang papanaw sa buhay. Magiging magkasundo kaya sila? O puro away nalang ang mangyayari.