Joan' s Pov
Andito kami ngayon sa kusina ni Yunna naghuhugas ng pinggan. Marunong naman siya maghugas, siguro mga ilang baso ang nabasag niya kanina kasi dumudulas sa kamay niya. Hahaha
Natatawa nalang ako na ewan dito. Mukang gusto naman niya kasi matuto sa gawaing bagay gaya nito kaya tinuruan ko nalang din.
Andun padin ang school mate ko na si Jen sa sala kasama si Ara. Buti nalang at mukang magkasundo ang dalawa, himala di ata sinupladahan ni Ara yon.
Napansin ko din kanina kung paano tumingin ng malagkit itong si Jen kay Ara. Laking taka ko kung bakit ganun nalang tinginan nilang dalawa.
" An? Wala bang nagpaparamdam sayo? Imean ung nanliligaw sayo? " tanong ni Yunna. Na nakatayo sa gilid ko habang tinutuyo ko naman ang lababo namin.
" Wala naman. Hindi naman ako maganda para magustuhan. " totoo naman kasi talaga. Ibang iba ako sakanila. Na kapag tinabi ako sakanila para bang yaya ako ng mga ito.
" You know what, everybody have a different beauty. Maganda ka in your own style. Alam mo ang simple simple mong babae na merong mabuting kalooban. " medyo nangiti naman ako sa sinabi niya, imagine itong isang dyosa natin naappreciate ang itsura ko.
" Alam mo kung lalake lang ako, umakyat na ako ng ligaw sayo. Walang taong hindi magkakagusto sa kagaya mo. " dugtong pa nito. Ano kaya nangyayari kay Yunna? Bakit parang seryoso ito. Unti unti nakonh naniniwala sa sinasabi niyang maganda ako hahaha.
" I like you An. " ano daw? Like? Gusto?
" Ano kamo? " takang tanong ko dito. Nilalagnat ba to? Kung ano ano sinasabi.
" Gusto kita An. " Nakatitig padin ito sakin.
" Ha? Gusto? " ulit kong tanong sakanya.
" A-Ah eh, gusto kong magstay ka lagi sakin aa a friend ah? Walang magbabago. Hehehe " sabay kamot nito sa ulo niya.
" Nako oo naman. " ngiting sagot ko dito. Pagkatapos non hindi nalang ulit kumibo pa dito. Mukang may kakaiba kasi dito, kanina pa siya hindi mapakali. Hindi ko nalang tinanong baka sabihin pakialamera pa ako.
" Tara na don sa Sala baka kanina pa tayo iniintay nung dalawa. " pag aaya ko sakanya.
..
Nadatnan ko sila Jen At Ara na masaya na magkakwentuhan sa sala. Mukang okay na ngayon si Ara hindi kagaya kanina na tahimik lang maghapon. Sakto ang timing ng pagkakita namin kanina kay Jen sa bayan, mukang nalilibang naman niya si Ara kasi nakikita ko na itong nakangiti ulit.
" Guys medyo maaga pa pala, tara muna chill? " eto talagang Ara na to mukang alak!
" Ara baka bawal dito. " pagsaway naman ni Yunna.
" Edi hanap tayo ng place. Tara? " kakulit talaga oo!
" Taraaaaaa! " excited na sagot naman ni Jen.
Mukang iniintay nila ang magiging sagot ko kasi ako nalang ang tahimik dito.
" Sige dito nalang tayo sa terrace, pero wag nalang tayo magulo kasi baka magising sila nanay. Maaga pa un aalis bukas " pumayag na din ako dito. Gusto ko din kasi uminom kahit san mig lang pampaantok kasi for sure hindi ako agad makakatulog nito.
" Alright, tara bumili. San malapit na tindahan dito Joan? " pagtatanong nito sakin. Walang sagad ang ngiti nito na akala mo mapupunit ang bibig. Uhaw na uhaw te?
" Lika samahan kita. Maiwan ko muna kayo diyan, Jen ikaw na muna bahala kay Yunna samahan ko lang to bumili. " Pagpapaalam ko sa dalawa. Nagpasya nakong kami nalamg dalawa bumili. Hinayaan ko din ung dalawa na magkwentuhan para naman hindi lang ako lagi ung kausap ni Yunna.
![](https://img.wattpad.com/cover/199724191-288-k901049.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny ( GxG ) Completed
RomanceIsa si Ara Santos sa pinaka kilala na teenager sa bansa. Ngunit pano babaguhin ni Joan Escudero na isa lamang na normal na babae ang kanyang papanaw sa buhay. Magiging magkasundo kaya sila? O puro away nalang ang mangyayari.