Ilang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko panaginip lang lahat pero hindi talaga. Umasa ako na hindi totoo ang mga nangyari pero wala na talaga si Joan sa buhay ko.
Ipagpapatuloy ko padin ang buhay ko kahit na kulang ako. Pipilitin ko padin ngumiti kahit na durog ang puso ko.
Linggo linggo akong bumabyahe sa probinsiya nila Joan para dalawin ito dalhan ng mga bulaklak sa puntod niya at dalawin nadin ang pamilya niya. Bakas padin dito ang lungkot sa mga mata nila. Pero pinipilit din nila ngumiti.
Sa ngayon hindi padin kami okay ni Yunna, tapos na ang pagiging 2nd year student ko. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag aaral at paglalaro. Pero di padin mawala ang lungkot. Pero ganun talaga ang buhay, kapag pinaglaruan ka ng tadhana talo ka. Hindi mo masasabi kung magiging masaya ang kahihinatnan nito sa dulo.
Lahat ng saya may kapalit na kalungkutan, wag muna tayo mag assume sa bawat na akala natin na habang buhay eh laging masaya na tayo. Dont expect too much. I enjoy lang bawat oras na magdadaan kasama ang mga minamahal natin sa buhay. Time is gold, malay mo mamaya or bukas mawala nalang sila satin ng ganon kabilis kagaya ng nangyari samin ni Joan.
And sa inyong lahat na sumusuporta sa naging takbo ng storya naming dalawa ni Joan, maraming maraming salamat sa inyo. Dont worry guys. Kakayanin ko lahat ng ito. Hanggang sa muli. Mahal ko kayo!
ARA SANTOS
Signing off.
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny ( GxG ) Completed
Roman d'amourIsa si Ara Santos sa pinaka kilala na teenager sa bansa. Ngunit pano babaguhin ni Joan Escudero na isa lamang na normal na babae ang kanyang papanaw sa buhay. Magiging magkasundo kaya sila? O puro away nalang ang mangyayari.